Chapter 14: Palawan frustration
Panibagong araw para sa akin. Katatawag lang sa akin ni Angie at sinabi niya na pwede na daw akong mag leave. Matagal ko na din kasing nirequest magleave, kaso ang mga letcheng investor na to, sumabay pa sa akin. At take note, hindi ko nasabing leave ang pagpilit sa akin ni Mommy sumama sa Hacienda ni Tita Jin.
Bukod sa naayos ko na ang mga dapat ayusin, wala nadin akong maiiwan na trabaho. Si Mommy kasi, tamad e. Sakin ipapasa.
“Ma’am, pinapatawag mo kaya ni Ma’am Tin”
“Ha? Bakit?”
“Hindi ko po alam e, basta ang sabi lang tawagin ko daw po kayo”
“Okay sige. Thanks Angie”
Yung nanay ko talaga, kung irerate ko ang kaartihan sa 1 to 10, 11 talaga ang sagot. Pwede naman ang intercom.
Napalingon ako sa left side ko. Kanina pako nito di pinapansin ah. Di kaya naguilty sa sinabi ko? Hayaan na nga, ito din naman yung gusto ko e. kung sabagay, ako nagsabi na maging formal na lang kami sa isa’t-isa. Tas ngayon magtataka pa ko?
“A-ah Clyde?” lumingon siya sakin, tas tumaas yung kilay niya. Parang binigyan ako ng bakit-look. Diba ako ang amo? Bakit ganyan, pwede namang sabihin na, bakit Ma’am? “Ahm, paki-lipat naman tong mga to sa computer, i-encode mo na lahat para hindi hectic” Ang totoo kasi niya, nawala lang yung flashdrive ko. Kaya lahat ng importanteng papeles, wala ko softcopy. Hehe.
“Okay”
“Siguraduhin mo pala na tama lahat ha? Kas-”
“Okay”
What the? Bakit niya ba ko tinatarayan? Nababaklaan nako sa kanya ha.
“Sige. And make sure na matatapos mo yan within 4 hou-”
“Okay”
Okay. Kalma ka lang Phyl. Ino-okay zoned ka.
Lumabas nako ng office ko. Pupuntahan ko si Mommy, haist. Maisip ko palang na magleleave ako, magbabaksyon at makakalanghap ng sariwang hangin, parang excited na ako.
“What?” tanong ko agad pag pasok ko ng office. At ang lokaret kong Mommy, nagpapa-pedicure. Allowed talaga lahat, pag yung owner gagawa e.
“Anak, walang katok-katok?”
“Okay” Ayan. Nahawa ko tuloy. Lumabas ako ng pinto at natawa. Nasa mood ako makipag sabayan sa nanay ko e.
*tok.tok*
“Mommy, can I come in?”
“No”
>_< what the eff?
Pagtitripan lang ako nito e. kaya pumasok na ko agad at ang ganda ng bungad sa akin.
*boogsh*
“Ouch! Bakit moko binato ng cutics! Pakshet My! Ang sakit!”
*boogsh*
“Fvck! Tama na!”
*boogsh*
“Fine! Sorry!” letche naman. Ako na nasaktan, ako padin magsosorry! Ayaw na ayaw pala niya ng nakakarinig ng badwords sa akin. Eh anung gagawin ko? Isa lang naman akong balahurang anak na mana sa ina? Huhu. Buti nalang di ako sa mukha tinamaan.
“Baby, ikaw muna mag check na mga hotels natin sa Palawan ha”
“Wow! Totoo?” matagal ko ng gusto magpunta sa Palawan. Sa mga branch naming ng hotels, ito talaga yung gusto ko. Ayaw kasi ni Mommy nung una. Baka hindi ko daw alagaan at mag gala ako. Hehe.
“Yes. Pero yung bilin ko lagi ha? Madae pang facilities doon na dapat ayusin. Kaya umayos ka Phylbert”
“Aye Aye!”
Thank you tadhana! Nakiayon ka sa leave na gusto ko.
“Pero baby, isasama mo si-”
Hindi pa man din natutuloy yung sasabihin ni Mommy pero bumukas na ang pinto. At iniluwa ang isang dyos sa kagwapuhan.
“Good morning Tita Tin”
“Hoy! Ma’am dapat! Tita Tin ka-”
*boogsh*
“Aray! Mommy, bat ka nambabatok!?”
At ang loka, di ako pinansin? “Clyde, samahan mo tong si Phyl sa Palawan, tapos ang usapan”
“No! What fv--… I mean. Ayoko! Kaya ko mag-isa!”
“Hindi! Walang makakasama, at isa pa wala kang kasama sa pagdadrive”
“kaya ko. At isa pa, nakakabyahe nga ako magisa sa-”
“Papayag kaba o iba papasamahin k okay Clyde?”
Ha? Baliktad! Di ba ang tanong dapat, papayag kaba or iba ang ipapasama ko sayo at hindi si Clyde? Paling tape! Ako yung anak e.
“Tita Tin, ayos lang po. Iba nalang po pasamahin niyo kay Ma’am Phyl” kunot noo ko naman siyang tinignan. So pinapalabas niya na ayaw niya ko kasama? Pwes, parehas din kami.
“No, hindi ko kaya ipagkatiwala sa iba anak ko. So take it or leave it Phyl?”
Aggh! Bakit ba ako ang iniipit dito? Tanginang Palawan yan! Nabuburyot ako. Bahala na nga.
“Tita Tin, bawal din po ako, may date kasi ako sa girlfriend ko this week”
What the? Tama ba narinig ko? Sinasabi ko na nga ba e.
Parang sumakit na naman puso ko. Nasasaktan bako? Hindi pwede. Siguro nainis lan ako, kagabi lang may pa Please Phyl, magusap tayo, ayusin natin to. Tas ngayon may girlfriend. San ba nakakabili nun? Pakshet!
“Ganun ba, sige, si Alyssa nalang” what? Wait? Tama ba yung dinig ko? Si Alysaa? Yung secretary niyang tibo? Oh noes. Please. Alam niyang hate ko yun tas ipapalit niya sa akin?
“No. Ako nalang kasi Mommy,. Please?”
“Pagiisipan ko baby”
“Yes! Thanks Mo-”
“Nakapagisip nako, and it’s a No” Paasa. Para kong pinag-bagsakan ng langit at lupa. “Kung hindi din si Clyde ang kasama mo, huwag na”
Psh! Edi wag. Magleleave na lang ako. “At hindi ka makakapagleave Phylbert. You’ll work with another branch of DKL”
Pakshet! Galing talaga ng nanay ko mambwisit! Di naman ganito dati to ah. Tsk.
“FINE!” hinila ko si Clyde palabas ng office ni Mommy “You will be may chaperon in Palawan! Argh!”
Ginulo gulo ko yung buhok ko, kasi wala talaga kong panalo sa Nanay ko. Peste.
“Pero may date nga ako”
“Hoy! Ikaw pa tong choosy ha!”
“Basta ayoko”
Argh! Nafufrustate nako! Hindi naman pwedeng si Alyssa. Baka maguwi yun ng mga babae sa hotel. Yuck! For DKL sake! “Fine! Kahit ano, huwag ka lang makipagdate! Argh! Samahan moko!”
And that’s it. He smirk at me!
Argh!!!
--
Okay. Waley -_- . Pero kahit ganun, nakalimang chapters ako ngayong araw! ayan ha. kotang kota. :3 gravity. tas ayaw magfeedbacksss! SADLA!
BINABASA MO ANG
When he was my Man
Romance-Sana ginawa mo yan nung may oras ka pa. - Sana kaya ko pang tiisin at kalimutan lahat ng sakit na binigay mo. - Sana kaya ko pang patawarin lahat ng kagaguhan at kasinungalingang binintang mo. -Sana. Sana. Sana. [Phylbert Angellie Villanueva] -Yun...