Chapter 16.2: Palawan Escapade [Part 2]

102 11 0
                                    

Chapter 16.2: Palawan Escapade  [Part 2]

Clyde POV

Mabuti na nalang at nakarating kami sa hotel kahit na ilang oras naming inikot ang buong Palawan. Pakiramdam ko kasi ang tagal ng byahe simula nung nakita kong umiyak siya. Umiyak na naman siya ng dahil sa akin. Hindi ko naman sinasadya na bwisitin siya.

Gusto ko lang naman makita siyang namumula dahil gandang ganda ako sa kanya. Pero wrong move.  Heto na naman ako, pinapaiyk ko na naman siya ng hindi ko nalalaman ang dahilan. Pinapaiyak ko na naman ng hindi ko sinasadya.

Masakit lahat ng sinabi niya sa akin, pero kaya kong tanggapin yun.

May tinawagan siya kanina sa telepono niya. hindi ko narinig dahil lumabas siya ng sasakyan. Pero sigurado ako na itinanong niya yung tamang daan para makarating kami sa hotel na pupuntahan. Ang hotel nila.

“Miss, can I get the master key in master’s bedroom?” sabi niya dun sa babae sa front desk ng hotel.

“Sorry Ma’am, but it’s already occupied”

“Ha? Ah miss paki check, I’m Phylbert Villanueva by the way”

“Ay Ma’am sorry. Kayo po pala yung anak ni Ma’am Tin. Sige po follow my way po. Ibinilin naman napo kayo sa akin”

“Thanks”

Nakasunod lang ako sa kanila nung babae. Umakyat kami sa elevator na papunta ngayon sa 4th floor. Ito na siguro yung master’s bedroom.

Pagbukas ng pintuan, nagulat na agad ako, kasi madaing kwarto yung naabutan namin. Ang ineexpect ko kasi isa langm since ganun naman sa ibang hotels. Private pag ikaw yung may ari. Pero in this case. Baka nga ito yun.

“Miss, are you sure na ditto yung room ko? Pakicheck naman”

“Yes Ma’am. Ito po yung room niyo”

Nagkatinginan naman kami ni Phyl sa pagkakasabi nung babae.

“What? No. Hindi pwede.”

Nakarating kami sa isang kwarto at naswipe nadin pala nung babae yung pintuan para bumukas ito. Ang ganda ng ambience. Pero nagtaka ako kasi isa lang yung kama. Seriously tita Tin?

“Wait! T-teka. Teka! Miss. Baka nagkakamali ka”

“No Ma’am. Ito po kasi ang sabi ni Ma’am Tin. Ibigay ko daw po sa inyo yung best honeymoon room. So, enjoy Ma’am and Sir.”

“What the fvck!? Anong sabi mo?”

“P-po?” halata ko namang natakot yung babae sa sigaw ni Phyl.

“Kanina ko pa sinabi nan a icheck! Hindi kami mag-asawa so bakit kami mag-hahoneymoon?!”

“P-pero kasi p-po”

“Wala ng pero pero! Go and find another romm for me! NOW!”

Napaatras yung babae at nakita kong parang tutulo na yung luha niya. Kaya pingilan ko na si Phyl at inilayo siya dun sa babae na akala mo aatakihin na sa puso.

“Sige na Miss, ako na bahala sa Misis ko. LQ lang kasi kami” parang nabuhayan naman ng loob yung babae, at pilit na ngumiti pabalik sa akin.

Pero itong babaeng hawak hawak ko, mukhang mas lalo pang umusok yung ilong sa mga sinabi ko.

“Tangna! Anong pinagsasabi mo jan!?” sabi na e.

When he was my ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon