Chapter 28: Convince
Kasalukuyan ko siyang hinihinaty sa isang fast food chain. Tuloy ang lunch namin. At hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas ng loob para sabihin yung gusto nila Sarah. Well, bahala na.
"What the? Ang dami mo namang inorder!" halos inorder niya na ata ang buong manok sa Jollibee. Dalawa lang naman kaming kakain. May bucket meal na may nakahiwalay pang combo meal. Pakers. Saang lupalop ng tiyan ko to ilalagay?
"Ayos lang yan P.A , kumain ka, ang payat mo na e" Payat? Sexy ang tawag sa akin duh.
Hindi ko mapigilang titigan siya habang kumakain. Imagine, naka coat and tie, kakain sa isang fast food chain. I mean, hindi ko minamaliit or nila lang ang fast food chain. Pero mukang hindi bagay sa isang tulad niya ang kumain sa ganitong lugar. At ganyan ang suot.
"Oh? Tititigan mo nalang ba ako? Hindi kaba kakain? Di ka mabubusog niyan" nagulat ako nung inilapit niya sa bibig ko yung hawak niyang manok. At walang karate-arte ha. Walang tissue or kahit ano. Talagang kamay kung kamay!
"A-ano kaba, a-ako na" halos pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao sa paligid. Napagkakamalan ata siyang may saltik.
"Bakit? Ayaw mo?" sabay kagat uli sa chicken joy. Inilapit niya pa lalo sa akin kaya wala na akong nagawa kundi kumagat. Sunod niyang inilapit sa akin yung spaghetti at pilit na sinusubo. Sa ganitong pagkakataon, dapat mandiri ako dahil ang mess ng kamay niya. hinawakan kasi niya yung tinidor. Pero mas na aamaze ata ako.
"Dali na nganga! Hindi ka matatapos kung kagwapuhan ko ang tititigan mo" tapos tumawa siya ng malakas. Bakit ba musika sa mga tenga ko ang pagtawa niya?
Talagang nahihiya na ako sakanila kaya kumain na ako sa sarili ko. Eto naman kasing si Clyde, akala mo nasa bahay. Ang sweet. Pakshet.
"Kelan moko sasagutin?" Halos mabulunan ako sa tanong niya. Buti nalang nakainom agad ako. "Oh, dahan-dahan naman!"
"Kapal ng muka mo ha!" gusto ko sana siyang batuhin ng bato ng manok. Kaso mag mumuka akong barubal sa mga mata sa paligid. "H-hindi ka naman nanliligaw ah!"
Shit ka Phyl. Ano bang pinagsasabi mo.
Halos matabunan ng pagkapula ang mukha ko nung nakita kong pati ilang crew na nagseserve nakatingin. Pakshet! Tumawa ba naman ng malakas!
Matatapos na kaming maglunch pero mukang hindi ako nabusog. Mas busog pa ata ang kahihiyan ko kesa sa tyan ko e. Paano ko ba siya icoconvince? Ano ba naman kasi itong kalokohan ni Sarah. Argh!\
Try lang naman Phyl, edi kung makakalusot, go. Kung hindi. Aww.
Sige try lang.
"A-ahm Clyde?" basag ko sa katahimikan habang busy siyang kumakain ng Sundae. "A-ano p-pwede bang-" naputol ang sinasabi ko ng subuan niya ako ng Sundae! Argh!
"Accck!" nailuwa ko tuloy ng hindi oras! "Ano ba!? Alam mo ng ayoko niyan e!" tsk! Kainis. Nandidiri talaga ko sa Sundae. Kung siya gusting gusto niya. ako ayokong-ayoko ng Sundae! Or kahit anong Ice Cream sa mga fast food chain.
"Sorry akala ko gusto mo e. Hehe. Di padin pala nagbago taste mo."
"Tse! Ewan ko sayo!" ewan ko bat ako bigla tumayo at lumabas sa fast food chain. Naasar ako bigla. Ayoko kasing binigigay sa akin yung mga ayoko. Mabilis ako maasiwa. Kahit kanino. Swear. Wala ako pinipiling di kainisan.
BINABASA MO ANG
When he was my Man
Romansa-Sana ginawa mo yan nung may oras ka pa. - Sana kaya ko pang tiisin at kalimutan lahat ng sakit na binigay mo. - Sana kaya ko pang patawarin lahat ng kagaguhan at kasinungalingang binintang mo. -Sana. Sana. Sana. [Phylbert Angellie Villanueva] -Yun...