Chapter 11: 1st Day [Part 1]

158 28 3
                                    

Chapter 11: 1st Day [Part 1]

Pag uwing pag uwi namin ni Mommy sa bahay padabog ko agad ng initcha yung shoulder bag ko sa sofa.

Kanina ko pa siya gusto komprontahin sa sasakyan pero nagpipigil lang ako. Galing talaga mang-asar dahil sakin pa sumabay! At yung kotse ko, pilit na pinahiram kay tita Jin! Nasiraan daw ng sasakyan kaya hindi masundo na driver! At isa pang ulitimate Letche, si Clyde ang nagdala. Pakshet!

“Mommy! Baka pwede na akong bumoses dito!” sigaw ko sakanya. Hindi naman sa bastos ko, pero mas naeexpress ko talaga sarili ko pang naka angil. At kabisado nako ng magaling kong nanay.

“Bukas na nak. Antok nako” sabay akyat sa hagdan. Pero pinigilan ko.

“Ugh! You can’t do this to me Mom! Ano ba? Wag ka naman manadya oh?”

“I can baby. And anong problema mo? Ikaw tong nagsabi sa akin na ako ang pumili ng bago mong sekretarya, tapos ngayon aangal ka?”

“Oo nga! Pero bakit all of people, si Clyde pa?”

“Bakit hindi? Magaling siya”

“Momm-”

“May pa pls pls kappa kanina over the phone tas aartihan moko? Aba Phylbert sobra ka na a-”

“Alam mo namang ayoko sa kanya di-”

“Ano bang inaayaw mo? Gwapo naman yun. At ikaw nga ha. [inagbigyan na kitang umalis sa hacienda ng tita mo, wala pang tatlong araw. Kaya naman sana ako naman pagbigyan mo!” tuluyan ng umakyat si Mommy sa kwarto niya. Para naman akong nanlumo. Nananadya ba talaga ang tadhana? Ipaalam ko kaya sa kanya na si Clyde lang naman ang taong nanakit sa akin 2 years ago?

“At isa pa Phylbert, be good to him. Mahiya ka naman ky Jin”

Sigh. Ang hirap ng ganitong sitwasyon.

--

Umaga na ng magising ako at piñata ko na ang alarm ko. Kailangan ko maging maaga para magawa ko ng pagaralan yung mga kailangan at nakatokang trabaho sa akin.

Pagbaba ko, ready na yung breakfast. Tangin bacon at sinangag lang kinain ko. Mahina ang apetite ko pag umaga. Well, bawi naman sa maghapon.

Magkaharap kami ni Mommy pero di ko siya pinapansin. Badtrip parin ako sa kanya. Pero pakshet! Ang bilis talagang mangasar. Nakasimangot nako tapos siya pangiti-ngiti nalang. Aish! Number 1 kaaway ko talaga to e.

*beep beep*

Napatingin sa akin ang magaling kong Nanay at pataas-tass pa kilay. Problema na naman nito? Pinagpatuloy ko naman ang pagkain ko. Nakita ko si Manang Thelma na nag lalagay ng nutella sa tinapay. Natakam naman ata ako.

“Manang, make me 4 pcs please?” Ngiti at tango lang ang sinukli niya sa akin

*beep beep*

Sino ba yun? Basurero? Kelangan bumusina lagi?

“Di ka pa ba lalabas?” si Mommy. Sinusungitan ako bigla. Nyeta

“Bakit? Im not done eating pa ah”

Inirapan ako? Tama ba yun?

“Sundo mo asa labas bilis na!” tapos hinila ako patayo sa upuan. Ay letche! Yung tinapay ko!

When he was my ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon