Chapter 6: Danger
Tang!na ! Sinong matutuwa kung nalaman mo na ipinagbilin ka ng mga magulang mo sa ex mo!?
My mom texted me “Baby, si Clyde na bahala sayo ha? My business lang kami ni Tita Jin. Loveyou”
“Hindi pwede! Ipagdrive moko pa Maynila!” utang na loob naman Papa God. Ano bang kasalanan ko sayo?
“Ano ko? Driver mo?” aaagh! Naasar talaga ko. Pakagat-kagat nalang siya ng mansanas. Di ba siya nagaalala na baka kainin ko siya? Ang halay ko talaga. Parang kagabi lang iyak pako dahil sa kanya. Bat di nalang kaya mapagod puso ko sa kanya? Siguro kase naiintindihan ko siya?
“Psh, kundi ka lang gwapo e” pabulong kong sabi
“Alam ko” okay napalakas. Pero nakakapagtaka di pa niya ko sinusungitan. Lord, sana ganito nalang po siya palagi.
Tahimik lang kami habang nakatunganga sa labas. Pinapanood ko yung mga nagtatrabaho. Nagaani na kasi sila ng mga prutas at gulay. Natatakam tuloy ako sa saging at mansanas.
Tatayo na sana ko para kumuha at makihalubilo sa kanila. Sabi naman kase ni Tita Jin, feel free to eat anything. Alangan namang tanggihan ko yung grasya? Lumalapit na nga e.
“Mag lunch na tayo” nagulat ako pero di ako nagpahalata. Syempre, sana kahit konti diba magmamatgas na ko.
“Sige” pero syempre, gutom ako, kaya kalimutan muna natin yang pagmamatigas na yan.
Papasok nako sa dining table nila para sana umupo. Iniisip ko palang na may mga fresh na gulay at prutas na nakahain parang naglalaway nako.
Nakakapagtaka lang pero walang ga maid. Baka nagluluto? O.a ha. Lahat sila as in sa kusina naka toka?
“What the?” napalingon ako sa likod ko, tama ako nakasunod nga si Clyde. “Asan ang pagkain? Akala ko ba lunch na?” Hindi ko naman kasi naituloy yung pagkain ko kanina. Ikaw kaya iwan ng nanay mo sa ex mo, ikatutuwa mo?
In my part, maybe. Syempre joke lang.
“Sinabi ko ba kasing pumasok ka dito? Nagfefeeling ka rin e no?” Nak ng tinapa naman “Sa kabilang bahay tayo maglunch, dun pinahanda ni Mommy yung pagkain” Yan jan ka magaling, ang sungitan ako. Psh.
Habang siya lakad ng lakad, ako naman sunod ng sunod. Tsk.
“Hoy, wala namang bahay dito ah. Pang kabayo to e” Eto yung pinuntahan namin kagabe e. Teka diko pa nakikita si Aiden ah. Mahanap nga mamaya.
Nakalapit na kami sa mga kabayo, hindi padin ako kinikibo. Kainis na ha.
“Hoy teka! Bakit ka sumasakay jan. Tska. Hoy, Kay lola Bebz yan ha” Pano sinakyan niya si Kulsy. Yung kabayo ni Lola Bebz. Alam kong yun si Kulsy, yun lang kasi yung kabayong puti at magandang tignan.
“Sakay” Ay, ano ko alipin?
“Ayoko nga ihulog mo pako” At tska pano ko sasakay? Eh siya nga nakasakay na, tapos ready na. Ano ko lilipad? O tatalon ng mataas.
“Sige lumipad ka” Ay malakas pala pagkakasabe ko, hehe. “Bilis” inalalayan niya ko gamit yung kamay niya. Pag hawak ko palang sa mga kamay niya, bolta-boltaheng kuryente na naman yung dumaloy sa katawan ko. Feeling ko aatakihin na naman ako.
Sana bumalik na yung dating kami. Oo mahirap kalimutan, pero ang sarap lang kasing balikan.
“Aray!” Tangina bitawan daw bako! Napaupo tuloy ako sa mga damo! Pakshet. Kung hindi lang dahil sa mga damo nato malamang masakit na yung pwet ko. Ang sakit ng balakang ko!
“Ang bagal mo kase! Bilisan mo kaya”
“Eh paano ko bibilisan, eh kung sana bumababa ka diyan, tapos tinutulungan moko?”
“Eh pano kung bumaba ako? Tapos biglang tumakbo si Kulsy? Eh di kasama kapa sakanya? Kawawa naman si Kulsy!” What the? Yung kabayo pa talaga yung inisip niya? Eh pano naman ako? Oh Lord please.
Pinilit kong sumampa, pero pakshet. Di ako nagiinarte. Hindi ko talaga kaya. Sumakit na kaya yung balakang ko. Ayaw pakong tulungan.
“Huwag na nga! Di nako sasama. Dito nalang ako” Totoo naman kase. Gusto ko siyang kasama pero nararamdaman ko ayaw niya ko tulungan, so ano to? Gutom nako pagod pa. Wag na.
“Psh. Arte talaga kahit kelan” Bababa na sana siya kay Kulsy kaso nakita ko si Aiden! Yes. May savior.
“Aiden!”
“Oh Phyl? Andyan pa pala kayo, tapos na mag tanghalian sa kabilang bahay ah” Tignan mo. Inabot nap ala kami ng siya-siyam dito, alas dos na pala!
“Pakitulungan mo na nga lang ako Aiden, ayaw kasi akong tulungan nitong si Clyde”
“Sige ba”
Yes! Makakasakay nako kay Kulsy. Yoohoo!
Nakaupo na ko sakanya. Salamat kay Aiden dahil sa pag ka machete niya at nakasakay nako. Ikaw ba naman buhatin e. Hihi.
Aayos na sana ko ng upo kaso bigla namang nagwala si Kulsy kaya nahulog ako.
“OucH!”
“Phylbert!”
“Phyl!”
At napasalampak nalang ako sa baba, habang tumutulo ang aking mga luha.

BINABASA MO ANG
When he was my Man
Romance-Sana ginawa mo yan nung may oras ka pa. - Sana kaya ko pang tiisin at kalimutan lahat ng sakit na binigay mo. - Sana kaya ko pang patawarin lahat ng kagaguhan at kasinungalingang binintang mo. -Sana. Sana. Sana. [Phylbert Angellie Villanueva] -Yun...