Dedic po sayo, salamat sa mga votes and comments mo Ate ! ^_^ keep on supporting. Mwahugz!
--
Chapter 15.2: Letter
Pagtapos kong malaman ang lahat mula kay Phylbert, siya namang alis niya ng hacienda. Pinabayaan ko muna. Naiintindihan ko siya. Dahil kahit ako, nasasaktan ako sa mga salaitang binitiwan ko sakanya.
Ang tanga tanga mo Clyde! Ang tanga-tanga mo.
Lumipas lang ang dalawang araw, nabalitaan ko na pupunta si Mommy kela Tita Tin. Okay na yun, nagkikita sila madalas ng long lost bestfriend niya. Kaya heto ako, sumabit papunta ng Maynila.
Sakto naman pagdating namin sa DKL tower, busy si Tita Tin kakainterview sa bagong magiging secretary ni Phylbert.
Hindi alam ng dalawa ang past naming ni Phyl. Kaya nung una, nagalit si Tita. Pero nangako ako na babawi ako, at tutuparin ko yung pangako nila ni Mommy sa isa’t isa na papakasalan ko si Phyl.
Nung una akala ko hindi siya papayag, dahil galit siya. She never want to hurt her daughter, kaya rerespestuhin daw niya ang gutso nito, at yun ay hindi ako pakasalanan.
Salamat naman kay Mommy dahil napilit niya ito. Kinapalan ko nadin ang mukha ko. At heto, napapayag ko nga sila na ako na ang gaganap bilang secretarya ni Phyl.
Naging smooth lahat ng plano ko, dahil sumangayon na ata sakin ang tadhana. Not until nameet naming si Phylbert sa isang restaurant nung magdidiner.
After ko mag Cr, nagulat ako kasi nakita ko siyang kumakain sa table mismo na inuokopa namin, pero lalo akong napangiti nung nakita ko dun mismo siya kumakain sa plato na nilagyan ko ng pagkain. Hindi pa naman kasi ako nakakapagsimula gaano. Pero nangalahati naman na.
Shit. Hindi pa din siya nagbabago. Malakas padin siyang kumain.
Palapit nako sa table pero hindi padin niya ako napapansin. Ilang araw ba siyang hindi kumain?
“Ehem” doon naman siya napatigil at nanlaki yung mata. Gusto kong matawa pero pipigilan ko nalang. Baka masira ko na naman yung mood. Ang sarap pa naman ng kain niya.
“Oh Clyde. By the way Baby, Clyde is your new secretary. Cool isn’t it?” napatayo siya sa sinabi ni Tita Tin, at bago pa siya makapgsalita, naunahan ko na siya.
“Enjoying my spoon huh?” at di ko na napigilang asarin siya. Alam ko ring minumura na niya ko sa isip niya.
Siya yung babae na hindi ka matuturn off kahit gaano pa siya kalutong magmura.
At tulad ng inaasahan ko, nagwalk out siya. Pero nagulat ako nung may hinagis siyang susi sa akin.
“Sunduin mo siya bukas Bikoy, ikaw na ang bahala” gusto kong yakapin ng mahigpit si Tita Tin sa ginawa niya. pero nagpasalamat nalang ako.
--
Kinabukasan, maaga akong pumunta sa bahay nila. Pero napakatanga ko kasi natapon yung juice na ibibigay ko sana sa kanya. Ayoko namang madagdagan ang galit niya sa akin kaya nilinis ko muna yun.
“Ouch!” bigla kasing lumubog yung siko ko. At nashock ako kasi secret box pala yun sa upuan mismo ng backseat. Curiousity kill me, kaya tinignan ko. At lalo akong nasurprise sa nabasa ko.
“For my one and only Bestfriend” hindi ako pwedeng magkamali. Handwritten ito ni Emmar. Dahil sobrang pangit at halos hindi ko maintindihan!
Napangisi nalang ako sa naiisip ko. Agad kong binukasan ang envelope at binasa ko ito.
Dear Bestfriend,
Una sa lahat, tangina, nakakabakla tong ginagawa ko. Pero sige na nga. Para sayo. Huwag kang kikiligin, dahil tangina mumultuhin talaga kita. Alam kong habang binabasa mo to, wala nako. Alam ko yun dahil ipinangako sa akin ni Piyang na hindi niya ito ibibigay sayo no, hanggat wala pa ang tamang panahon.
P.S – alam kong naaasar ka dahil dimo maintindihan to. Gago ka kung ganon. Pero seryoso na.
Clyde, wala nako. Alagaan mo si Piyang ha? Alam ko magagalit ka sa sasabihin ko, pero okay lang dimo nako mapapatay, nauna nako e. Clyde, mahal ko siya. Pero dahil bestfriend kita, pinigilan ko ang sarili ko na mahulog. Pero grabe yan si Piyang, lakas maka fall.
Clyde mahalin mo siya ha? Gawin mo yung mga bagay na hindi mo nagagawa noong mga oras na busy ka. Bigyna mo siya ng bulaklak, kasi never mo pang ginawa yun. Bigyan mo siya ng mga surprises, kasi hinihiling niya sa akin yun na iudyok daw kita na gawin yun sakanya. Clyde, di kita sinusumbatan, pero please, ingatan mo siya at mahalin mo. Kasi bihira siya. Ikaw din, babalik ako pag nakita ko na hindi mo siya pinapasaya.
Salamat sa lahat bestfriend. Tangina kasi yung sakit ko, wala na nga akong utak e. aya nagtataka ko bat ako nagla brain cancer. Hoo! Pakshet!
Isa pang P.S- hoy! Gusto ko kayo ni Piyang ang maghahatid sa huling araw ko ha? Huwag moko bibiguin. Tsk. Sinabi ko un kay Piyang. Kaya alam ko na nagawa mo yun bago mo basahin to.
Sige na at sumasakit na ulo ko.huwag ka palang magalit kung hihiramin ko siya sayo kahit isang araw. Ang busy mo kasi e. hehehe. Huling hiling, pakiss muna sa P.A mo ha? Wag madamot.
Emmar.
Pinunasan ko ang mga luha ko nung naramdaman kong tumutulo na ito. Halos mapunit nadin pala yung sulat ni Emmar sa sobrang dami ng luha ko,
“Oo nga fre, nakakabakla ka” sabi ko kasabay ng malamig na hangin na dumampi sa mga balat ko.
--
Short UD. Siningit ko lang talaga tong Letter ni Emmar, dahil baka liparin pa sa isip ko. Hahaha.
bukas na ko siguro mag UD ulit, la naman ako pasok.
thanks guys. pa follow nadin, comment din sa gustong mag pa dedic ^_^
konti nalng mag 1k na us. kahit di pa lumalabas yung ibang silent reader, thabks padin hihi. pag naging 1k, uplod ko na yung chapter 16.
much love :-*
BINABASA MO ANG
When he was my Man
Romance-Sana ginawa mo yan nung may oras ka pa. - Sana kaya ko pang tiisin at kalimutan lahat ng sakit na binigay mo. - Sana kaya ko pang patawarin lahat ng kagaguhan at kasinungalingang binintang mo. -Sana. Sana. Sana. [Phylbert Angellie Villanueva] -Yun...