Chapter 29: Show
Maaga akong nagising ngayon, dumiretso agad ako sa salamin at tinignan kung may eyebags ba ako. Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi dahil kinukulit ako ni Sarah! Di pa nakuntento at nakipag conference pa kasama ang barkada. Akala mo tuloy bibitayin ako.
Kinuha ko ang phone ko na naunaahan ko pa sa alarm. Minsan talaga walang kwenta ang cellphone e. Hehehe.
Pero laking pagtataka ko kasi kahit isang message ay wala. Kinabahan naman ako dahil baka indyanin ako nitong boss ko. Baka di ko siya sagutin, bahala siya.
Sa huli, hindi ko din napigilan ang sarili ko at tinext ko siya.
"Gdmrning"
"Subukan mokong dedmahin at hindi kita ipagtatanggol sakanila mamaya!"
Agad na akong naligo at nag-ayos ng sarili. Maya-maya nakarinig ako ng kalabog sa tabi ng kama ko. "Shit!"
Halos mashock ako sa bilang ng message na natanggap ko! "89 messages! Wala pa ngang isang oras!" at lalo akong nashock ng nakita ko 84 dun lahat kay Sarah!
Kundi "Hoy bruha! Subukan mo kaming talkshitin! Makikita mo" or "Hoy! Alas dose ha! Sa dati padin. Replyan moko!" at yung isang matindi "Tnginang babae to. Ayaw magreply. Bahala ka nga. See you. Wag kiligin keps ha! Mwah!" napasapo nalang ako sa ulo ko sa mga paulit-ulit niyang text!
Ini-scroll down ko pa at mabuti naman nagtx na si Clyde.
"Mrnng 2" Sana pala diko nalang binuksan! Wala man lang imisyou!? What Phyl? Ang landi mo. Pero kahit na! Anung klaseng text ito galing sa manliligaw? Kainis!
Nireplyan ko nalang sya ng "10 a.m ha. Sa Aqua Resto. See you!"
—-
Wala pang alas diyes andito na ako. Ayokong malate. Pwede naman akong magshopping muna dito sa katapat na mall. Pero pinili ko nalang na tumamabay ng dalawang oras. Kesa naman mahuli ako at mayayare na naman ako sa bunganga ni Sarah. Pero nangangamba padin ako dahil no reply si Clyde. Bahala na. Wala pa namang 10 kaya okay lang. at kung malate man sya ng isang oras okay lang din. Dahil mauuna padin sya kela Sarah. 12 kasi ang usapan naming anim.
Hindi ko pa naman nasasabi kay Clyde na kameet niya ang mga highschool friends ko. Baka kasi tumanggi. Kaya nag take na ako ng risk.
Pero pakshet na malagkit! 11:30 na wala padin siya! At ni isang text wala. Ayoko namang itext dahil baka sabihin niyang atat ako sakanya. Diba nga, hanggat maari ayoko iparamdam na okay nako sakanya. Pero pakshet! Hiyang hiya na ako sa waiter.
Nakailang hingi na ako ng ice tea. Sabagay, kesa naman tubig. E sa ice tea may bayad, heheheh.
Napitlag naman ako nung mag vibrate ang phone ko!

BINABASA MO ANG
When he was my Man
Romance-Sana ginawa mo yan nung may oras ka pa. - Sana kaya ko pang tiisin at kalimutan lahat ng sakit na binigay mo. - Sana kaya ko pang patawarin lahat ng kagaguhan at kasinungalingang binintang mo. -Sana. Sana. Sana. [Phylbert Angellie Villanueva] -Yun...