Chapter 13: Goodbye

126 26 0
                                    

Chapter 13: Goodbye

“Baba!” Kinalampag ko yung kotse niya. di ko talaga makikita, masyadong madilim yung bintana ng kotse niya.

Ilang Segundo ko na kinalampag aba’t ang letse ayaw padin buksan!

Ayaw mo ha.

Bumalik ako sa kotse ko at kinuha ko yung mini martilyo ko. Tignan natin.

“Yaaaah!!!”

“Huwag!”

“Clyde?!”

“Hehe. Hi?”

“Punyeta naman! Ano bang ginagawa mo!? Bakit moko sinusundan!”

“Na takot ba kita? S-sorry”

Bahala nga siya jan. peste. Buong araw ba niya ko bibiwsitin? Pati talaga gabi sinama niya ha.

“T-teka Ph—este Ma’am!”

“Ano!?”

“K-kase ano.”

tinalikuran ko na siya, pero ang gago, pinigilan pa talaga ko. “Sorry, gusto ko lang naman ma assure na safe ka”

Hindi ako kinilig. Pero nagblush ako. Alam ko yun. Nagblush ako sa sobrang galit at hinanakit na nararamdaman ko.

“Big word Clyde, big word.”

“Phyl, teka naman”

“Bitawan moko. At huwag mo nakong pakielaman!”

Niyakap niya ko ng mahigpit pero nagpumiglas ko.

“Ano bang ginagawa mo ha?!”

“Phyl, kahit ngayon lang please? Magusap naman tayo”

Naririnig ba niya yung sinabi niya? nababaliw naba siya? At wait. Baka nahihibang.

“Magusap? Bakit? Tungkol san? Huwag ka ng mangarap Clyde. Aalis nako”

“Hindi Phyl, magusap tayo. At gusto ko magka ayos tayo”

“Ayan! Lumabas din sa bibig mo! Magka ayos? Wow. So sariling desisyon mo na naman Clyde? Pano naman yung akin?” pinunasan ko na yung mga luhang naguunahan na naman sa pagtulo. “Clyde tama na, tigilan mo nako. Ikaw yung unang sumuko, pero pinaglaban padin kita. Ikaw yung unang tumalikod, pero pilit kitang hinaharap. Clyde napapagod din ako. Tama na!”

“Phylbert no please. Second chance”

Second chance? Simula nung nalaman ko yung mga nasa isip niya tungkol sakin. Parang tuluyan akong nawalan ng gana. Sobra kong nasaktan e.

Buong akala ko kaya siya nawala, kasi hindi niya matanggap na nakita niya kami ni Emmar na magkayakap. At mas lalong hindi niya matanggap na wala na si Emmar. Akala ko kaya siya lumayo kasi galit siya sa sarili niya. inintindi ko siya. Pero tangina. All those time? Iniisip niya na kami ni Emmar ngayon, naglalandian at nagtataksil? How funny isn’t it?.

“Tama na. Wala ka ng aasahan sakin Clyde. Tapos na pagpapakatanga ko sayo. Ayoko na. Magmove on na tayo pareho”

Hinawi niya yung kamay ko at hinatak niya ko para mayakap ng mahigpit. Pinabayaan ko, dahil siguro ito na nga ang huling pagkakataon.

“Phyl sorry. Ang tanga ko. Phyl alam ko na yung lahat e”

Narining kong humikbi siya. Tama ba to? For the first time iiyakan niya ko? Sa buong buhay ko na naging kami, never siyang nagpakita na umiyak. Inaakala ko nga na one sided love ako noon e. Pero nadala naman sa sweetness niya.

“Kahapon, nakita ko yung iniwang message sa akin ni Emmar” parang naestatwa naman ako. It can’t be. Paanong.?

“Aksidente ko kasing natapunan ng juice yung backseat kaya nilinis ko. Nagulat nalang ako kasi pag diin ko, may parang lumubog, and it surprise me nung nakita kong secret box pala yun. Pinakeelaman ko dahil curious ako. At nakita ko na ang lahat. Sorry P.A. please”

Emmar, is this the right time? Ito ba yung sinasabi mong oras para ibigay ko sakanya yung letter na pinapabigay mo noon bago ka mawala? Dahil kahit ako, hindi ko magawang basahin yun. Pero salamat, dahil sayo alam niya. Ikaw, ikaw na naman yung tulay at dahilan.

Naiyak nako ng tuluyan nung hinigpitan niya pa lalo ang pagkaka yakap niya sa akin. Parang biglang nawala yung galit ko nung narining ko yung sorry niya ulit.

“P.A please. Patawarin mo nako? Please?”

Pero kahit ganun pa man, the harm is already done.

“Sorry Clyde, pero mahirap yung hinihingi mo e” kumalas nako sa pagkakayakap niya sakin. “Narealize ko lang kasi nab aka hindi nga talaga tayo para sa isa’t-isa, kaya pinaglayo tayo ng tadhana”

“No. Hindi. Please? I miss you P.A. Please come back to me”

I step backward. “Ang sarap pala pakinggan nung sinabi mo Clyde. Pero mas masarap sana yan, kung noon mo pa sinabe. Masaya ding malaman na gusto mo palang malaman na safe ako pauwi. Pero mas masarap sana yan kung noon mo pa ginawa. Masarap din yung mga halik mo kanina, pero mas masarap yan kung noon mo pa pinaramdam. Pero hindi e. naging baliwala ako sayo noon Clyde. Akala ko nga pag nagkita tayo, matutuwa ako kase baka naka move on kana dahil sa pagkawala ni Emmar. Pero shet, kalandian ko pala yung laman ng utak mo”

Tanginang mga luha to. Sarap patayin e. “Sana noon mo pa ginawa yan Clyde. Pero nagpapasalamat nadin ako. Kasi narealize ko, na hindi mo nga ako minahal. Kasi ginamit mo lang ako, para mas lalo mong mahalin yung sarili mo

“Salamat nadin, atlis nagkalinawan tayo. Let’s be formal to each other. Thanks and goodbye. And I hope, na satisfied ka sa lahat kung ano man yung nalaman at sinabi sayo ni Emmar”

Sumakay nako sa sasakyan at agad kong pinatakbo pauwi sa bahay.

Goodbye Clyde.

When he was my ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon