Chapter 27: Pagkamiss
Umagang umaga ngarag na ngarag ako. Paano ba naman, pinasugod ako sa DKL tower ni Mommy. May mga dadating daw na kameeting niya. At ang rason niya, tinatamad siya. Kaya sabihin ko daw na wala siya.
Saan ka nakakita ng anak, tas ipapain.
Kasalukuyan kong nirereview ang mga documents sa mesa ko. At ilang oras ko na din hinihintay yung magaling kong secretary pero wala pa.
Tatawagin ko sana si Angie na secretary ko din, kaso ang sabi pinalipat na daw siya ni Mommy sa ibang department. Kaya si Clyde nalang da wag secretary ko. Well, okay lang naman dahil hindi naman ako masyadong busy. Pero naiinis lang ako dahil wala akong katulong.
"Katulong nga lang ba Phyl?"
May epal na naman na sumisingit sa utak ko. Nagdecide ako na tawagan siya. Pero tanga, wala pa nga din pala akong number niya. So, hinanap ko pa yung information niya.
Nagdadalawang isip pa ako kung tatawagn ko siya. Nahihiya kasi ako. baka isipin niya ako ang naghahabol. Pero, teka. Karapatan kong tawagan siya dahil secretary ko siya at amo niya ako. Err.
Tinype ko yung message ko sa kanya. Since baka mag assume siya, fine. Text nalang.
"Asan kana? Ambagal mo ah!" okay delete. Ampangit tignan.
"Huy, san kana? Late ka masyado" tae. Parang barkada lang.
"Where are you? You're 3 hours late" pwede na siguro yan? Tsk!
Isang oras na ang nakakalipas pero hindi padin siya nagrereply. At naiinis ako dahil hindi kao makapag focus sa ginagawa ko! My god.
Kailangan ko naba siyang tawagan? Okay. Walang malisya. Kailanagan ko siya dito, kasi marami akong gagawin. At kailangan ko ng isang secretary. Okay.
"Argh!" hindi ko magawang pindutin ang green button para tawagan siya! Kainis!
Sinubukan ko pa ng sinubukan pero may pumipigil sa akin na huwag. Pero mas malakas ang umuudyok sa akin na sige. What to do?
Sa huli, tinawagan ko siya. "Pakshet, tagal kong nagdecide, tapos cannot be reach naman pala! Ultimate burger steak naman talaga oh!"
Nasa inis mode ako ng biglang may pumasok sa opisina ko. Napatayo ako dahil kahit sino, walang gumagawa nun. Pwera nalng si Mommy.
"Babeee!" Napatakbo ako sa kanya at yayakapin ko. Kaso biglang umiwas ang loko. "Anong kaartihan yan aber?" Paano ba naman byernes santo ang muka.
"Pano ba naman kasi, may isang babae kong nakabangga kanina. Aba siya pa ang galit! Kotse ko na nga ang naagrabyado!" Inis niya sabi sa akin. "At take note Babe ha, sinabihan ba naman ako ng muka daw akong maligno!" napapapigil ako ng tawa, baka kasi ako mapaginitan, maalala pa ang pagiwan ko sakanya noon sa Palawan. "Matatanggap ko sana babe, kung gwapo e. Sige kahit hindi na maganda, gwapo nalang. pEro ang maligno? Gosh!" Humawak pa siya sa dibdib niya at umarting nasasaktan. Natatawa naman ako.
BINABASA MO ANG
When he was my Man
Romance-Sana ginawa mo yan nung may oras ka pa. - Sana kaya ko pang tiisin at kalimutan lahat ng sakit na binigay mo. - Sana kaya ko pang patawarin lahat ng kagaguhan at kasinungalingang binintang mo. -Sana. Sana. Sana. [Phylbert Angellie Villanueva] -Yun...