Chapter 25: Feeling Teen

156 8 14
                                    

Chapter 25: Feeling Teen

On the way na kami papunta sa bahay at ganun padin siya kinukulit padin niya ako tungkol sa sinabi ko kanina.

"P.A, isang ulit lang kasi. Gusto ko lang madinig" magaling talaga to e. akala niya ba madali sabihin yon? Hindi kaya!

"Umayos ka nga pagod ako"

Totoong pagod ako. Dahil halos lahat ata ng rides sinakyan na namin. Thou hidni counted don ang star flyer. Sa dae ba naman ng nakita kong nastock up na tao dun, ako yata ang natrauma. Nung pumunta kasi kami doon noon magbabarkada, bigalng huminto yung star flyer, at take note nakabaliktad pa sila. Sinong di matatakot?

"P.A"

"hmm?" sa totoo lang nawalan ako ng energy.

"Tayo na ulit?" binato ko siya ng bote ng mineral water, at ang loko, nakailag. "Bakit? Sinabihan kitang I love you, tapos sabi mo I love y-" pinalo ko naman siya ng hair brush, natamaan pero medyo nakailag.

"Hoy! Wala akong sinabi!"

"Meron! Ganito pa nga oh, I lo-" pinaghahampas ko siya. Hindi ba siya aware na nahihiya ako! "Ouch! Tama na!"

Kung di ko lang narealize na nagdadrive sya, baka hindi ko napigilan ang sarili ko na bugbugin siya.

"Ano nga? Tayo na?" ang kulit

"Hindi" tipid kong sagot. Nakita kong hawak niya yung tagiliran niya na kinurot ko. Buti nga.

"Feeling teen ka ha" asar niya sa akin. Ako tuloy tong nahihiya sa pinagsasasabi niya e.

"Asa ka! Di ako papayag no" ano yun? Ganun nalang walang ligaw-ligaw? Aba.

"Sus, gusto pala liligawan. Hahaha." What the? Napalakas ba sabi ko!? "Oo P.A, lakas ng sabi mo. Hahaha"

Buong biyahe nalang akong nanahimik dahil naiilang na ako. Feeling ko nga puro butterfly tiyan ko e. Gagong Clyde to.

Nakarating kami sa bahay ng mag aalas dos nan g madaling araw. Jusko. Uwi ba ito ng mationg babae? Yari na naman ako nito sa Nanay kong amazona. "Salamat sa paghatid ha?" sabi ko kay Clyde habang tinatanggal yung seatbelt ko.

"Wala yun girlfriend" niting aso na naman ang gago.

"Asa. Girlfriend your face" ngumuso siya at sumimangot. Kala niya ba bagay sa kanya? Duh. Hindi kaya. Kasi bagay na bagay. Huhu. Ano kaba naman Phyl. Ang kalandian!

"Osya. Liligawan na nga e. Pwede ba?"

"Oo naman" ngiti ko sa kanya.

"Talaga? Sabi na e. Pakipot ka pa P.A"

"Basta wag sa akin, sa kapitbahay pwede" lumabas na ako ng kotse niya at ibinaba niya ang bintana. "Tsaka pano moko liligawan? May boyfriend akong tao"

Umarte pa akong kinikilig-kilig. Pero deep inside, gusto ko na namang humagalpak ng tawa dahil sa pagbabago ng ekspresyon niya.

"Breakin mo na siya" sabi niya pero hindi tumitingin sa akin.

"Ayoko nga mahal ko yun e" malakas na loob ko pang sabi sakanya. "Tsaka, lagi kaya ko nung binigigyan flowers, holding hands while walking, sweet dance in the evening-"

Natigilan ako nung muli niyang inistart yung sasakyan. Pinatay niya pala yun kanina.

"Oo na, hindi ko na yang ginagawa dati, sorry kung disappointed ka. Sige na. Una na ko"

Nanlumo ako sa narinig ko. Mukang belowthe belt na ata yun. Siguro hindi ako magi-guilty kung hindi pa kami okay. Pero bakas sa ekspresyon niya nalungkot siya sa sinabi ko. Ano ba naman talaga Phyl! Kaya nga nauso ang Think before speak na yan e! Nyeta.

"Clyde, s-sorry wala akong ibig sa-"

"Okay lang. Pahinga kana. Goodnight." At pinaandar niya na ang kotse niya palayo.

--

Nagising ako sa maingay na katok sa pinto. Anong oras naba? Grabe naman kasi ang puyat ko kagabi. Alas kwatro na ata gising pa ako.

"Sandali!" tamad akong bumangon, medyo nakapikit pa ako kaya nagkakanda banga ako.

"Phylbert, wala kabang balak bumangon?"

"Why? Free time ko today Mom, don't bully me please. Bye"

Pero bago ko pa iya saraduhan ng pinto, tinulak niya na ito at ang ending napasalampak ako sa sahig. "Aray ko naman Mommy!"

"Hala sige, tayo! Gising naba diwa mo? Bumaba kana! Hinihintay ka ni Clyde" Imbis na tulungan akong tumayo, uamlis pa ito na parang kilig na kilig. Kainis talaga tong nanay ko. Pero teka. Si...Sino daw? Si...

"waaaah!" Dali-dali akong pumunta sa C.R para mag-ayos, naligo nadin ako. Punyemas bakit ba ksi andito agad siya!

After kong magbihis, nag-ayos nadin ako ng sarili ko. Peste. Alas dos na pala. Ano bang gising to? Gising paba to ng isang babaeng maganda? Haha.

"Oh? Ambilis mo ah" halos irapan ko nanay ko dahil sa ngiting aso niya sa akin. Akala mo adik e, lakas mang asar. "Dapat pala sabihin lang sayo na andito si Clyde, babangon kadin pala"

"What? So wala siya dito?"

Tinawanan niya lang ako ng malakas. So all this time, ginising niya ko, nagpadala naman ako, naligo at nag-ayos. Tapos joke time to? "Hahaha. Pa teen ka Phyl, halatang gusto din"

"ewan ko sayo Mommy! Asar!" tinalikuran ko siya at nagpunta ko sa garden. Makapag emo na nga lang. nawala nadin naman ang antok ko. Lakas ng trip ni Mommy. Ako naman tong dalang-dala. Malamang nakakahiya naman kung paghihintayin ko si Clyde sa baba. Tho, wala naman pala talaga.

"Eh ano naman Phyl kung maghintay siya"

Oo nga no. Err!

Nakaupo lang ako sa swing sa garden namin. Makapag facebook na nga lang. tinatamad din ako kasi mag mall. Mas gusto ko magpahinga. Pagbukas ko ng fb, natawa ko sa nakita ko sa notification ko. Agad ko itong inaccept at nag browse nalang ako.

Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko.

Estela is now traveling to Philippines - Wait for me there! :*

"What the?!" saktong pag ring ng phone ko at nag appear ang unregistered number.

"Hello?"

["Oh my G! Phyl. Pauwi na si Estela! Papunta na kami jan ha?"]

"Wait-Kristine?"

["Yeah. Sunduin natin siya sa Airport. Kaloka yun. Sa wakas makukumpleto nadin tayo!"]

"Pero, kakatravel pala niya ha?"

["Ha? Girl, nagbabasa kaba, kahapon pa flight niya ha"]

Binalik ko ulit sa profile ni Estela at binasa yung time. Geez. Kahapon pa pala to ng hapon!

"Ah Excited na ako!"

["Phlybert! Bilisan mo kilos mo!"] Dinig ko ang sigawan at tawanan sa kabilang linya. So ibig sabihin. ["Oh, nadinig mo? Kumpleto tayong walo! Kaya bilisan mo, malapit na kami sa bahay niyo"]

Geez! This is so exciting!

--

SABAW. As I promise.

Isang comment at isang vote naman jan oh. Isa nalang hinihingi ko oh. HAHAHA

When he was my ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon