Dedic sayo, hihi. Salamat sa votes and comments <3
--
Chapter 15: His side
Dumating ako ng maaga sa DKL tower ng wala sa sarili. Hindi din ako nakatulog ng maayos, dahil siguro sa mga napgusapan naming ni Phyl.
Ang sakit lang sa ego na namatay pala yung sarili kong bestfriend ng wala man lang ako sa tabi niya. Sobrang sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nagpadala ako sa paninira at galit.
Flashback
Nasa opisina ko ngayon dahil tinawagan ako ni Mommy, umiiyak at halos hindi ko na nga makausap. Nalaman ko na nabankcrupt na pala ang CAG group of companies dahil sa kalokohan ng magaling naming na empleyado. At lalo pa kaming nadepress, especially my parents, nung nalaman naming na si Tito Benedict pala ang dahilan.
Pilit niyang pinapirma si Daddy sa kasulatan na mapupunta sa kanya ang lahat lahat ng shares. Dahil may tiwala naman si Daddy, pinirmahan niya iyon kahit hindi ito binabasa. Sinabi kasi sa kanya ni Tito Benedict na naglalaman daw ito ng mga bagong invest na gamit, para sa mga itatayong branch ng hotels.
Halos patayin ko si Tito Benedict sa ginawa niya. Pero wala nakong nagawa dahil pirmado at nasa pangalan na niya lahat-lahat ng ari-arian ng CAG. Nadepress si Mommy at Daddy, kaya nagpasiya silang lumipat sa bagong tayong hacienda. Ang hacienda Francesca.
Wala pang nakakaalam noon dito. Actually, matagal na itong hacienda na ito. Pero pinaayos at binuhay ulit namin, dahil yun ang kagustuhan ni Lola Bebz.
Habang inaayos ko ang opisina ko, biglang pumasok si Ashley. Siya ang secretarya ni Daddy.
“Sir, hindi naman sa nakikielam ako, pero you should see this” may inabot siya sa akin na envelope kaya dali-dali kong binuksan. Buong akala ko tungkol ito sa kumpanya, pero laking gulat ko nung muka ni Phylbert at Emma rang nakita ko.
“S-saan mo ito nakuha Ash?”
“May nagpadeliver lang po. Sorry at binuksan ko. Akala ko po kasi tungkol sa kumpanya. Yun po kasi ang bilin ni Sir Gian.”
Hindi ko na nadinig yung iba pa niyang sinabi, halos mapunit ko ang litrato na hawak ko. Sobrang depress na ako. Halos hindi ko na mabigayan ng oras yung sarili ko, tapos ito pa ang bubungad sa akin? Ang dalawang pinaka imporatanteng tao sa buhay ko, tatraydurin ako?
Dali-dali akong sumakay ng kotse. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pero nabuo ang desisyon ko na puntahan si Phylbert at kumprontahin ang mga pictures na ito. Ayokong mag jump into conclusions dahil baka nagkakamali lang ako. Baka may dapat silang ipaliwanag. Siguro dahil kulang ako sa oras kaya hindi ko ma kumusta man lang o madalaw si Phylbert.
Pero nabigla ako sa pagpreno nung nakita ko sila sa park. Sa paborito naming lugar tatlo. Sa park kung saan nabuo ang pag-iibigan naming ni Phyl. Sa park kung saan natuto akong maglabas ng sama ng loob sa bestfriend ko. Sa park kung saan punong-puno ng magagandang memories simula college.
Agad akong bumaba ng sasakyan. Gigil na gigil ako. Ayokong masira ang sinimulan naming tatlo. Pero wala akong ibang maisip, kung bakit nila ko gaganituhin. Anong kasalanan ko?
BINABASA MO ANG
When he was my Man
Romance-Sana ginawa mo yan nung may oras ka pa. - Sana kaya ko pang tiisin at kalimutan lahat ng sakit na binigay mo. - Sana kaya ko pang patawarin lahat ng kagaguhan at kasinungalingang binintang mo. -Sana. Sana. Sana. [Phylbert Angellie Villanueva] -Yun...