Chapter 17: Nurse
Hindi ko alam kung paano ko nabuhat tong lalaking to. Sobrang bigat. Kung nagtataka kayo kung bakit ko siya binuhat, simple lang.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ng sasakyan, nashock agad ako. Dahil isang Clyde Adril ang bumulaga sa akin sa backseat na naka topless pero nanginginig ng husto.
“CLYDE!” hindi niya ako inintindi, patuloy padin sa pag shake yung katawan niya kaya napagpasyahan ko na lapitan na siya.
“Pakshet! Ang init mo!” halos mapaso ako sa init ng katawan niya! ano bang pinag-gagagawa niya sa sarili niya? Argh!
“Tumayo ka nga! Hindi kita kaya, huy!” ang totoo niyan, kinakabahn na ako. Masyado siyang mainit, at halatado naman na hindi niya talaga kaya. Ni hindi nga siya makapagsalita ta makatayo ng maayos.
Pinili ko nalang siyang hinila patayo. Kahit ang totoo, para na akong matatae sa bigat niya. Halos nalunok ko nadin lahat ng laway ko nung bihisan ko siya. Letche. Pati katawan ko nagiinit sa kanya e. AisT! Pervert ko na!
“B-bilisan mo, tulungan mo din sarili mo!”
“P-P.A” Hindi na ko nagpaapekto sa sinasabi niya. dahil gustuhin ko man. Hirap na hirap na talaga ako. Mabuti nalang at natulungan ako nung guard sa lobby na iakyat tong bisugong to.
--
Nakahiga na siya sa kama, hinihintay ko nalang na kumulo yung tubig para mapunasan ko siya ng maligamgam na tubig. Hinalungkat ko na din yung mga gamit ko para makita yung gamot. Buti nalang nakita ko agad.
“C-clyde, gising ka muna” niyugyog, kinalabit at inuga-uga ko na siya, pero wala padin.
Hindi ko nalang siya gigisingin. Pinatong ko muna yung maligamgam na tubig sa noo niya. Nagluto nadin ako ng instang noodles para mainitan naman yung sikmura niya. Pero pag hindi padin siya gumising, baka imbes na ipakin ko sa kanya to, e ibuhos ko nalang. Pero joke lang yun.
May ibang part naman sa akin na parang nagi-guilty ako. Ako naman kasi talaga yung dahilan kung bakit siya nagkasakit. Kung hindi sana ako naginarte na huwag kaming magtabi, baka payapa nadin akong natutulog ngayon. Pero hindi namn kasi ako nagiinarte! Ginawa ko lang yung dapat.
“kunyari kapa Phylbert, ayaw mo lang madarang” sabi ng isip ko. Isa kang malaking pakyu.
Pagkaluto ng noodles, dinala ko na agad ito sa kama. “Clyde, gising na” napakislot naman siya. Medyo bumaba nadin yung init ng katawan niya. Ako tuloy tong namamawis, dahil hindi ko nilakasan yung aircon, instead, hininaan ko pa lalo.
“P-A?” gusto ko sanang matawa sa reaction niya. masyado siyang gulat na gulat. “S-sorry?
Tatanungin ko pa lang sana kung bakit siya nagsosorry kaso bigla siyang tumayo at tumakbo sa pintuan. At ayun! Natumba pa! “Fvck!”
“CLYDE!” dail-dali akong tumakbo at inalalayan siya tumayo. So ano bang role ko dito? Taga buhat! Aba baka isang araw magising ako mg 8packs na ko sa katawan! Yun nga lang, hiwa-hiwalay ng parts! “Ano ba naman kasing katangahan yan?”
“Sorry, give me 5 minutes, bababa nadin agad ako” napangiti naman ako sa sinabi niya. So, iniisip niya na papababain ko pa siya sa lagay na yan? Eh halos di na nga siya makalakad ng maayos.
BINABASA MO ANG
When he was my Man
Roman d'amour-Sana ginawa mo yan nung may oras ka pa. - Sana kaya ko pang tiisin at kalimutan lahat ng sakit na binigay mo. - Sana kaya ko pang patawarin lahat ng kagaguhan at kasinungalingang binintang mo. -Sana. Sana. Sana. [Phylbert Angellie Villanueva] -Yun...