Chapter 2: Allergy

259 31 7
                                    

Chapter 2: Allergy

Natapos ang araw na pagpapakilala at heto na naman kami. Babalik daw dito si Tita Jin. Pinagbanataan pa nga ako ni Mommy na subukan ko daw hindi magbehave, tatanggalan niya ko kilay.

Paano ba naman, nagwalk-out si Tita Jin nung sinabe ko yung tungkol sa kanal. Actually, exage lang ako magkwento. Ayun, nagwalk-out siya kasama yung mga body guard.

Si mommy naman, kesyo di nadaw ako nahiya. Ang tanda ko na tapos bastos pa ko. Blah. Blah. Blah.

“Ayoko nga kasi! Kung gusto mo ikaw magpakasal sa kanya Mommy!” Atungal ko. Sabi na e. kaya yun babalik kase sasabihin na nila sa akin na, naka fix marriage ako. Matagal ng planado. Duh. Kaasar!

“Aba Phyl, yang bunganga mo namumuro na sa akin yan kahapon pa” pag ganitong mood netong nanay ko my pag ka demonyita na to e.

“Eh mommy naman kasi, ayoko nga. Bakit ba ikaw ang magdedesisyon sa lovelife ko?”

“Matagal ko ng sinabi sayo to diba? Ano pang inaarte mo diyan?” oo nga at matagal ko ng alam, pero malay ko ban a totoo pala. Eh 12 years old palang ata ako sinabi niya na na may papakasalan daw ako. Sa bata kong yun iisipin ko pang maglandi? At duh, 24 na ko. Halos isang dekada na lumipas, maaalala ko pa kaya yun?

Nakasimangot padin ako habang naghahanda ng lunch yung mga maid sa bahay. Pati tuloy pag pasok sa office pinigilan ako ni Mommy. Ayokong ayoko pa naman nag aabsent. Dahil bukod sa nakikita ko si Mommy, JOKE lng. I mean, bukod sa ang boring dito, gusto kong kumikita ako ng sarili kong pera.

Hindi naman kasi ako katulad ng iba na porket mayaman e uubusin na yung pera. Kaya nga kahit sa Mommy ko yung pinangbibili niya ng alahas, pinipigilan ko siya e. Pwede namang ibigay sa orphanage.

Oo nga at binibigay niya ung iba at dinodonate, pero ewan ko ba. Nanghihinayng lang talaga ko.

Nakahanda na ang mga putahe sa mahaba naming lamesa ng may marinig akong mga sasakyan.

Walang duda. Sila na to.

“Okay, everyone, ayos naba? Baka may sili kayong nailagay diyan ha? May allergy ang bespren ko. Kaya please” nagtanguan ang mga maid kay Mommy at sinabing 100% sure wala daw.

Eh ako hindi niya ba ako tatanungin? ^_^

“Besssssy!” sigaw ni tita Jin. Ang sakit sa tenga. At nagbeso beso pa.

“Let’s eat na. Pinahanda ko ang paborito mong hamonado. Panigurado ubos kanin naming sayo bessy”

So, may pagka PG din pala to?

Naabutan ko silang kumakain at nagkekwentuhan. Di naman nila ko napansin dahil nasa likuran nila ko.

“Kelan ba? Tagal ko nading hindi nakakapag unwind. Good idea yan Bessy” Sabi ni Mommy. Parang umiilaw nga yung mata e.

“This week sana, para okay yung pag aani ng mga prutas at gulay. Alam mo naman Tin, mas masarap pag ganitong buwan” Sabi ni Tita Jin. Ang dami niyang kinakain. I wonder, nag breakfast kaya siya?

“Can I join?” Agaw eksena kong bati sa kanila. Nagulat naman si Tita Jin. Para ngang na trauma.

“0-oh Phyl, a-akala ko pumasok ka?” takang tanong niya sa akin, per okay Mommy nakatingin. Sana nga pumasok nalang ako sa office e.

“Bessy, mabuti na yun, para naman mapaliwanag na natin kay Phyl yung tungkol kay Bikoy”

“What the fuck? Sinong Tikoy?”

“Phylbert!”

“Mabuti pa kumain muna tayo. Sa sala nalang tayo magusap bessy”

At kumain na nga kami. Pero shemay. Muntik ko ng makalimutan yung specialty ko.

“Tita Jin, try this, specialty ko to” nilagyan ko siya sa plato pero tinitigan niya lang yun. Sakto naman may phone call si Mommy kaya kinuha ko ang chance. Di naman pala ko mahihirapan.

“Ano to? Mukhang masarap ah” hinawakan niya yun at kakagatin na. “Wait! Here oh, mas masarap yan tita kung may sauce”

“aaaaaaccck!”

“T-tita what’s wrong??” Literal na nanlaki ang mata ko nung nakitako siyang nahihirapan huminga at pulang pula. Halos kasing kulay niya yung loob ng pakwan! Anak ng patatas!

“Bessy, busog ka-“

“JIN!!”

Inutusan ako ni Mommy na kunin yung bag ni Tita Jin sa tabi at maghanap ng gamot. Di naman ako nahirapan kasi isa lang naman yun at may label na “In case of emergency”

After a few hours, umokay naman na yung pakiramdam ni Tita Jin, naguilty nga ako kase nagkaroon pa siya ng konting rushes at medyo namaga yung nguso. Hindi ko naman alam na ang O.A pala ng sakit niya. Hindi lang pala allergy meron siya. Sabi kasi, pag hindi daw naagapan, may possibility na hindi talaga siya makahinga.

“What the hell Phyl! Bakit mo ba kasi pinakain si Jin ng Dynamite!?” Sigaw sa akin ni Mommy kaya napayuko naman ako. Hindi ko naman kasi intension yun, I mean oo gusto ko siyang umalis ng bahay agad, pero akala ko naman mangangati lang siya dun.

“S-sorry Tita, di k-ko naman po kase alam e. S-sorry babawi nalang po a-ako” Sa totoo lang, ayoko kasi ng nakakakita ng ganun. Na trauma na kasi ako. Simula nung namatay si lolo, nasa harap ko siya habang inaatake at di makahinga. Kaya sobra akong nataranta kanina.

“Okay lang yun. Di mo naman alam. Sorry ha? Di ko nakain yung specialty mo” May halong lungkot yung boses ni Tita. Ngayon nalang ulit ako naguilty ng ganito.

“Phylbert”

“Mommy”

“Pupunta tayo bukas sa hacienda Francesca ng Tita Jin mo”

“Okay po”

Hacienda lang naman ---

“WHAT ?!! BUKAS!?”

Oh no!

When he was my ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon