Chapter 26: Get Together
Hi, una sa lahat. Sorry kung apakatagal ko mag Update. It's just that, sobrang busy. Graduating students and dae pang requirements na kailangan tapusin. Anyway, salamat sa mga nagbabasa at sumusuporta. Salamat talaga.
@MariajamaicaDeocamp5 salamat! :*
—
After nila kong sunduin, parang feeling ko naging haggard ako. Ikaw ba naman pagkasakay mo palang ng sasakyan, kuyugin ka nila. Sinabunutan ba naman ako. Hinila sa damit. Kinurot. Punyeta. Sinasabi ko na nga ba e. Maling sumama ako sa kanila pag ganitong wala akong matatakbuhan. Indagered species kasi ang mga to kapag nakasama mo sa isang lugar. Lalo na pag trap.
"So, kumusta lovelife mo?" tanong ni Angie.
"Gaga! Sex life itanong mo!" gatong naman si Sarah.
Si Sarah ang pinaka balahurang bunganga sa amin. Bukod kasi sa bakla to, hehe. Joke hindi siya literal na bakla. Ang dae niya kasing alam. Expert na kumbaga.
"Gago! Asa ka, igaya moko sayo na ginagawang hobby yan"
"Ano ba naman yan ma friend, bunganga naman!" Angal ni Kristine. Siya yung pinaka sagrado sa amin, ayaw niya ng ganyang usapan. Pero huwag ka, gustong-gusto niya making kahit nandidiri minsan.
"Pero ano nga Phyl?" Sabi naman ni Lovejoy. Bakit ba ako ng ako ang iniinterview nila? Di ba sila aware na tinatamad akong magkwento?
"Tigilan niyo na nga si Phyl, kayo talaga" Pagtatanggol naman sa akin ni Shiela.
Buong biyahe nila akong kinukulit tungkol sa buhay ko. Wala naman akong masagot, hindi dahil sa naglilihim ako sakanila. Pero hindi ko kasi alam ang uunahin ko. Sunud-sunud na pukol ang ibinabato nila sa akin. Sinong makakasagot kung ganoon diba?
Actually, never akong naglihim sakanila. Lalo na kay Sarah. Sino bang hindi makakatago ng sikreto dun? Tsismosa yun kasi. Joke. Mahirap taguan yun e. Pero in return, alam ko lahat ng sikreto niyan. Minsan nga pati pagtae pinapaalam sakin. Kadiri diba.
"Terminal 2 daw guys. Kung makapagpasundo akala mo PSG niya tayo e" angal ni Sarah. Hindi ko nga alam e. Sa aming pito silang dalawa ni Estela ang laging nagkakapikunan. She admit, hindi niya daw talaga gusto si Estela ever since. Pero wala namang kaso sa akin yun. As long as hindi maapektuhan ang buong grupo namin.
Pag karating naming sa entrance ng terminal 2, sakto naglalabasan na yung mga pasahero. Sakto nahagip ng mata ni Angie si Estela. Psh. Ang laki kasi ng mata e. Hahaha.
"WELCOME BACK!" sabay-sabay naming bati at yakap sa kanya.
"Ma friend, ang ganda mo na!" sabi ni Kristine
"Oo nga, ganyan ba talaga kapag nag-aral sa ibang bansa?" sigundo naman ni Lovejoy sabay hampas sa braso ni Estela. Siya kasi ang pinaka brutal sa amin.
"Ganda ng kutis ah!" sabi ko. Totoo yun. Laki kasi ng iginanda niya. Tho, I'm not saying na pangit siya ha.
"Mga gaga! Tigilan niyo nga ako ha. Haha"
—
Dumiretso kami sa isang restaurant. Hindi matapos tapos ang kwentuhan naming. Nakakaloka.
"So estela, kumusa na lovelife mo?" ito talagang si Angie, mukang lovelife e.
"GOOD! HEAVEN!" sa sagot palang niya parang ang saya-saya niya. Nakakagulat lang kasi hindi naman uso sa kanya ang salitang lovelife noon. Baka may nakilala sa Canada.
BINABASA MO ANG
When he was my Man
Romance-Sana ginawa mo yan nung may oras ka pa. - Sana kaya ko pang tiisin at kalimutan lahat ng sakit na binigay mo. - Sana kaya ko pang patawarin lahat ng kagaguhan at kasinungalingang binintang mo. -Sana. Sana. Sana. [Phylbert Angellie Villanueva] -Yun...