I'll dedicate this chapter to you. @SuperEmman14 di ko talaga kayang ibigay ang Update na hinihingi mo sa MF. Dito ka nalang muna tumambay ha. Patawad. Hahaha. Thanks for reading! Ciao.
Chapter 40: Kilig Moments muna
Sa totoo lang, gusto ko ng mag alsa-balutan nung nalaman ko na dinala ni Mommy at Daddy si Estela sa ospital. Laking pasasalamat ko nalang dahil hindi ako iniwan ni Clyde.
Nagising ako ng naramdaman kong nangangawit na ang kaliwa kong kamay dahil sa bigat ng ulo ni Clyde na nakapatong doon. Ginawa pang unan ang kamay ko. Pero I find it sweet.
"P.A, gising kana, nagugutom kaba? May masakit ba sayo?" sunud sunud na tanong niya.
"Wala po" bumangon ako at pumunta sa closet.
"Anong gagawin mo? Hindi ka pa pwedeng umalis, baka hikain ka na naman"
Pupuntahan ko si Estela sa ospital. Gusto kong makita siya. Sasampalin ko pa siya e.
"Okay nako Clyde. At isa pa, gusto kong puntahan si Mommy".
Kaya ko nalaman na nasa ospital sila kasi nagmessage sa akin si Mommy. At hindi ako concern. Ang ikinapuputok ng butchi ko e yung sumama pa si Mommy sa kanila. Pwede namang ako ang bantayan hindi ba?
Bakit dun pa siya sumama sa babaeng matindi ang pagka mental disorder.
"P.A, huwag matigas ang ulo. Hindi pa nga-"
"Kung ayaw mokong samahan, fine! Pero walang makakapigil sa akin!" (pabebe girl si Phylbert. Lels)
"Hindi sa ayaw kitang samahan, pero baka lalo lang lumalala yung sitwasyon. Baka pag nagkita kayo ni E, lalo lang siyang madepress"
Nagpintig ang tenga ko sa narinig ko. Akala ko naman concern siya dahil baka hikain ako. Ayun naman pala, mas concern siya kay Estela.
Lumabas nalang ako at dinabugan siya ng pinto. Sa kotse nalang ako magpapalit ng damit. Bahala siya sa buhay niya!
"P.A naman! Saglit lang. Huy!"
"Ulul ka. Puntahan mo na yung E mo!"
"Teka nga! Ano ba"
Pinipigilan niya ang kotse ko habang palabas sa may garahe. Hindi tuloy ako makalabas! Eh kung mabunggo ko siya? Nawalan pa ako ng boyfriend.
"Pag hindi ka lumubay, sasagasaan talaga kita"
"Sige. Kaya mo ba?"
Peste.
"Look at yourself! Sasama ka sa akin ng naka paa ka. Kadiri!" natawa ako sa sa pagkakakita ko sa paa niya. Mukang tanga kasi.
"Saglit lang kukuha lang ako ng tsinelas. Subukan mong umandar P.A, rape aabutin mo sa akin" naginit ang muka ko sa sinabi niyang iyon.
Phylbert, kumalma ka!
Nung makita kong nakalayo na siya medyo. Inapakan ko ang silinyador at presto!
"P.A! What the fuck!" rinig kong sigaw niya. Natawa nalang ako sa itsura niya.
Pero ang hindi ko inaasahan ay yung hinabol niya ako ng naka paa!
"P.A ano ba! Para ka namang timang! Huminto ka nga! P.A!"
Hingal na hingal na siya pero hindi ko talaga inihinto ang sasakyan. Mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo. Pasasaan din ba't titigil yan.
Pero mali pala ako. Kasi palabas na kami ng subdivision, pero siya, tumatakbo pa din!
"Shit!" bumaba ako at tumakbo papunta sa kanya! Kung hindi ba naman tanga. Nadapa pa!
"Ano ba, lampa ka talaga e!" sigaw ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
When he was my Man
Romance-Sana ginawa mo yan nung may oras ka pa. - Sana kaya ko pang tiisin at kalimutan lahat ng sakit na binigay mo. - Sana kaya ko pang patawarin lahat ng kagaguhan at kasinungalingang binintang mo. -Sana. Sana. Sana. [Phylbert Angellie Villanueva] -Yun...