Dedic po sayo ^_^ Salaamat sa book cover, hihi
--
Chapter 10: Spoon
A/N: So ayun, parang dito na talaga mag uumpisa ang kwento ni Clyde at Phylbert. Enjoy reading! Feedback guys! Para maganahan ako lalo! HAHA
--
“Angie!” Nang-gigil ako habang tinatawag ko ang sekretarya ko. Sino ba namang hindi? Ikaw kaya ang tambakan ng limpak-limpak na papel sa harap mo. Knowing na sobrang dae ko pang meetings mamaya. At sasabihin sa akin na kailangan ko tapusin agad? To think na alas dose na at alas dos ang meeting ko!
“Y-yes Ma’am?”
“Ano to? Tatambakan niyo ko ng papers na hindi ko man lang mapagaralan tapos uuratin niyo ko sa pag-papasa?”
“”P-pasensya na po Ma’am. Yan po kasi ang orders na sinunod ko. G-gawan kop o paraan p-para makahabol p-po”
Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko ugaling sigawan ang mga empleyado ko. Pero pag dumating sa punto na di ko talaga mapigilan mainis, di ko na naiisip sinong tatarayan ko. Thankful naman at kilala na nila ko kaya alam na nila ang gagawin pag ganitong boiling point ako.
*kring*
[“H-hello Ma’am?”] tumunog ang intercom at alam kong linya to ni Angie sa labas.
“Yes?”
[“Sorry po, p-pero a-after daw po kasi ng meeting kailangan nay an makita ng mga new i-investors. S-sorry po talaga”]
Shitbrix! Pababa kong naibagsak ang telepono dahil gigil na gigil ako. Eton a nga ba ang sinasabi ko e. Dapat talaga hindi ako nag-aabsent or leave sa trabaho. Ang tigas tigas kasi ng ulo ni Mommy! Sinabi ng ayoko e. Buti sana kung siya mag-aayos ng gusot na to.
Agad kong inasikaso ang mga papeles sa harap ko. Sa totoo lang, pirma ko lang ang kailngan dito. Pero hindi ako ganon. Gusto ko napag-aralan ko na muna. Gusto ko wala akong maiwang gusto o poblema. Smooth lang dapat ang pagtatrabaho.
*kring*
Another intercom is ringing! And I really don’t know kung sasagutin ko to. Dahil panigurado na kukulitin lang ako ng Nanay ko! Palibhasa siya ang owner nitong kumpanya e.
“What?”
[“Hello too baby, gandang bati mo sa Mommy ah”] Sinasabi ko na nga ba. Hindi ko na sana sinagot.
“Bakit nga? Madae akong kailangan tapusin My, please. I don’t have time to make nonsense with you” Napahalakhak siya sa telepono. Hindi naman to pikon. Bestfriends naman kami. Yun nga lang, pag naipilit, naipilit.
[“Ouch naman baby. Anyway, remember about sa hiring for your new personal secretary?”]
Napakunot na naman ang noo ko. Tae! Nakalimutan ko. Oo nga pala. Excited nako para dun para di naman ako hassle at nahahagard. Si Angie kasi masyadong madae ng nakatoka sakanya. Baka magresign na kung dadagdagan ko pa.
Tulad nitong mga to, kailangan kumuha ako ng magaling at responsableng tao. Sa mga scenario kasi na ganito, pwede ko ng ipagkatiwala sa kanila kung pipirma bako or hindi. Bawas trabaho at laking tulong sa akin. Ako ng ako kasi ang pina aatend ni Mommy at Daddy e. Si daddy di naman umuuwi. Busy sa Paris.
“My, kelan bay un?”
[“Ngayon”]
“Ah oka—WHAT THE FVCK!”
[“Language Phylbert! Language!”]
“Sorry Mom! Pero seriously?”
Agad kong inopen ang CCTV sa desktop ko at viola! Ang dami ngang nakaupo sa pila ng lobby!
“My, I can’t. Do me a favor please?”
[“Baby, magkikita kami ni Tita Jin mo”]
“My, please? Babawi ako I promise. Please?”
--
After ng meeting ko sa mga investors, nakahinga nako ng maluwag. I can proudly say that, Yes! I closed the deal. Again. Thanks to my workers.
Alas singko na pero di pa din ako nakakapaglunch. So nagdecide naman ako na puntahan si Mommy at ibalita sakanya yung nangyare.
“Alyssa, where’s Mommy?” tanong ko sa sekretarya ni Mommy.
“Hi Ma’am. Wala po si Madam e. Pero nagbilin po siya na tawagan niyo siya after your meetings” nakangiti niyang sabi sa akin. Napakunot naman ang noo ko. Hindi ko kasi madetermine kung babae ba talaga ko or T-boom e.
“Sige. Thanks” lumakad nako pabalik sa elevator ng bigla ulit siyang nagsalita.
“Ay Ma’am! Nakapili na pala si Madam ng bago niyong secretary!” aba ang loka humahagikgik pa. Sinabi na nga ba at tibo din to e. Hay nako. Buti nalang talaga at si Mommy ang kumuha sa kanya.
--
Pumunta ko sa Burug’s Restaurant. Isa sa mga kilalang resto dito sa Pilipinas. Sabi kasi ni Mommy mag dinner na daw kami. Jusko, na skip ko na ang Lunch at Meryenda. Pero okay lang, atleast, worth it naman.
Buti nalang din kamo at napapayag ko ang mga investors na isunod nalang ang mga kailangang kong pirmahan tomorrow morning. Dahil kung hindi, baka magwala ako mismo sa loob ng conference room.
Pagkapasok ko palang sinalubong na agad ako ng isa sa mga empleyado. “Table number 17 po Ma’am, this way please”
Iginaya niya naman ako kung nasaan si Mommy, dahil kilala siya dito, well hello. DKL tower sa harap oh.
“Baby! Here!” Kung makakaaway akala mo di kami nagkita kanina ah
“Hi” I kiss her ang she kiss me back. Nakita ko din si Tita Jin kaya bineso ko siya. Buti nalang talaga at mabait siya. Dahil kung hindi, baka di nako pinansin nito dahil sa pagw0-walk out ko sakanila noon.
Anyway, ilang months na ang nakalipas so let’s forget and forget.
Tatlong plato ang nakahanda sa mesa kaya natouch naman ako. Kinuha ko na agad yung pagkain at agad nilantakan. Ganitong gutom ako kaya wag kayong nanggugulo ha. Pabor naman dahil busy ang mag bessy sa chikahan.
“Ehem” napa straight look ako at naestatwa nung nakita ko kung sino ang tumikom.
“Oh Clyde. By the way Baby, Clyde is your new secretary. Cool isn’t it?” agad akong napatayo, pero hindi ko alam ang gagawin ko. Magsasalita n asana ako kaso..
“Enjoying my spoon huh?”
WTF!
--
feedback, pretty please :(
BINABASA MO ANG
When he was my Man
Romance-Sana ginawa mo yan nung may oras ka pa. - Sana kaya ko pang tiisin at kalimutan lahat ng sakit na binigay mo. - Sana kaya ko pang patawarin lahat ng kagaguhan at kasinungalingang binintang mo. -Sana. Sana. Sana. [Phylbert Angellie Villanueva] -Yun...