Chapter 3: No more reasons
Buong maghapon lang akong tulala sa sasakyan. Halos limang oras na ata kami bumabyahe. Medyo masakit na nga yung pwet ko kakaupo e. Paano ba naman, kahit stop over di nila ginawa! Kung di pa ko maiihi talaga kanina eh hindi ihihinto sa gas station yung sasakyan e.
Anyway, wala na talaga akong takas. Lahat na ata ng palusot ginawa ko.
“Mommy, may meeting ako with the investors! Masasayang yung tinatrabaho ni Dad pag di ko yun pinuntahan”
“Nameet ko na sila kaninang umaga”
“Mommy, darating pala bukas si Jeron, diba siya yung bet niyo for me? Manliligaw na ata siya-“
“Alam kong bakla si Jeron, nakita ko siya sa isang condo sa ayala”
“Mommy! Aaaaah! Ang sakit na talaga ng tiyan ko! Arrrgh!”
Tapos hinagisan ba naman ako ng medicine kit.
Gusto ko sanang takasan kanina sila. Kaso yung susi ng kotse ko, di ko alam kung saang lupalop ng villa naming itinago ni Mommy. Yung gate naman sa likod nakakandado. Lahat nalang ata ng pwedeng gawin para makatakas ako e nahulaan ni Mommy e.
Pero nung nakita ko si Tita Jin, naguilty ako. Sabi niya sakin kae kagabi bago matulog, ito nalang daw yung ipangbabawi ko sakanya. Di parin kasi okay nguso niya. Ayaw niya nun? Mala Popz Fernandez siya?
“Malapit na tayo Phyl. Don’t worry makakarelax kayo ni Bessy dun” dapat lang, dahil kung hindi, babaybayin ko ulit pa Maynila. Kahit isang buwan ko pa lakarin!
---
“Saan ka na naman pupunta at bihis na bihis ka?” tanong ni Lola Bebz sa akin.
“Diyan lang po sa bayan, birthday kasi ni Aki La”
“Puro ka lakwatsa! Kailan mo ba ipapakilala ang nobya mo sa aking bata ka!” halos pukpukin na ako ni Lola ng baston niya. Heto na naman siya.
“Wala nga ho akong nobya. Darating po tayo diyan La”
“Koo bata ka!? Kailan mob a ako mabibigyan ng apo sa tuhod? Baka pag patay na ako tsaka ka pa titino!”
Napakamot nalang ako ng ulo at tuluyan ng umalis. Mahirap na at baka habulin pa ako ni Lola at ipasipa kay Kulsy. Ang paborito niyang kabayo.
Si lola Bebz na ata ang pinakamulit na lola sa buong Hacienda Francesca. Tuwing makikita siyang nakabihis o aalis e kasunud na nun ang pagpapaulan ng sermon na bakit wala daw siyang dinadalang nobya.
Kasalanan ko ba na hindi ko pa mahanap ang para sa akin? Karma na ata to dahil sa nakaraan ko.
---
“Wow bessy! Ang ganda nga!” Tila manghang mangha si Mommy pag kababa na pag kababab palang niya sa sasakyan.
No doubt. Talagang maganda. Amoy na amoy ang preskong hangin. Mga sariwang tanim ng prutas at gulay. May mga kabayo pa kaming nadaanan kanina. Ang ganda.
Akala ko nga e puchu puchu lang itong Hacienda Francesca na tinutukoy nila. Hindi naman na kasi uso ngayon yung hacienda.
May mga lalaking sumalubong sa amin. Mga tauhan siguro sila ni Tita Jin. Kinuha yung mga gamit naming at dinala sa loob ng mansion.
Sino kaya saknila yung anak ni Tita Jin? Sana naman hindi bad breathe, or baka naman mabaho? Diba yung ibang nagtatrabaho sa ganito e may amoy? (no offense sa iba. Imagination ko lang). sabi kasi ni Tita Jin, di daw yun mapapaalis sa anihan hanggat hindi natatapos ang trabaho. Sobrang sipag daw. Hindi ko nga alam kung sinasabi niya lang yun para pang good vibes e.
“Tin, iha. Ikaw na ba iyan?”
“Titaaa bebz!” sabay akap niya sa matanda. Hindi na ako magtataka kung nanay ito ni Tita Jin. They look the same, at ang accessories, hindi talaga nawawala.
Hindi kaya mahilig din sa ganun yung anak niya?
“Halika kayo. At baka lumamig na ang hapunan”
“Ma, si Bikoy nga pala?”
“Hanako, ayung batang iyon! Umalis na naman at may aatendan daw na birthday. Ay teka nga. Sino ba itong magandang ito?”
Wow. Buti naman at napansin ako ni Lola. Akala ko forever chikahan nalang sila diyan e. Buti di ako nagwalkout.
“Tita Bebz, ito pala si Phylbert, unica iha ko. Phyl, ito si Lola Bebz mo, Mama siya ni Tita Jin.”
Nagmano ako kay Lola bebz. Bat ang cute cute niya? Ang gaan ng loob ko sa kanya. Unlike other oldies na masungit. Tapos akala ko laging menopause. Sana ganito din si Mommy. Hihi.
Kumain na kami nila Mommy. Wow. As in wow. Ang sarap ng mga pagkain. Lalo na yung mga gulay. Fresh from the pananim.
Nasa gitna kami ng pagkain ng biglang may dumating.
At parang gusto kong takbuhin pabalik sa Maynila
BINABASA MO ANG
When he was my Man
Romance-Sana ginawa mo yan nung may oras ka pa. - Sana kaya ko pang tiisin at kalimutan lahat ng sakit na binigay mo. - Sana kaya ko pang patawarin lahat ng kagaguhan at kasinungalingang binintang mo. -Sana. Sana. Sana. [Phylbert Angellie Villanueva] -Yun...