Chapter 5: History
“Yung simple lang, yung hindi MALANDI, yung AKO lang. At yung BIRHEN.
Pagkatapos niyang sabihin yan ay tumayo na siya at nagpaalam. Sakto naman nag ring ang phone ko at nag excuse ako sa kanila.
“H-hello?”
“Babe, where are you? Akala ko ba--”
“Babe, andito siya”
“Ha? Sino?”
“S-si Clyde”
“What? Why? Where?”
“H-hindi ko alam babe, hindi ko a-alam”
Buntong hininga nalang ang narinig ko a kabilang linya. Siya si Jeron, siya yung may alam ng lahat sa buhay ko. College palang kami bestfriend ko na yan. Bukod kay Sam, siya na yung tumayong sandalan ko.
“Ano ngayon yung balak mo?”
Yun nga e. Handa naba ko? Handa naba kong balikan yung nakaraan? Kase kahit anong takas ko, alam kong hindi ko yun maiiwasan e.
Hatinggabi na pero nandito pa rin ako sa labas ng bahay. Ang lamig nga masyado dito, kumpara sa Maynila na kahit mag sando ka sa labas e di ka padin lalamigin. Samantalang dito, naka jacket na ko giniginaw pa din ako.
“Hi miss” nagulat naman ako dahil may katabi nako. At shet, ang gwapo! Mala Adonis yung katawan, sarap hawakan ng panga at damhin ang dimples! WTF!
“Hi”
“Ahm, ako pala si Aiden, katiwala ako ni Mam Jin sa mga kabayo dito, ikaw? Ngayon lang kita nakita ah”
“Ako si Phyl” tapos tinaggap ko yung kamay niya. Nakalahad pala. At grabe, ang lambot. “Ah oo. Ngayon lang ako napunta dito, kaibigan kasi ni Mommy si Tita Jin, so ayun”
“Ah ganun ba. Wag ka mag-alala, hindi ka magsisisi dito”
Nung makita nga kita, hindi nako nagsisisi e. Hihihi. Landi ko.
“Gusto mo maglakad-lakad?”
“Sige ba”
Nakarating kami sa mga kulungan ng kabayo. Grabe, ngayon ko lang sila nakita ng malapitan, hindi naman kasi ako fan ng mga horse. Pero pinangarap ko din namang sumakay dito, I love adventure kaya, pero ayoko ng disgrasya ha.
“Ito si Kulsy, siya yung paboritong kabayo ni Lola Bebz”
Wow. Ang ganda. Color white siya. Tapos parang ang amo ng mukha. Pwede bay un? Maamo yung mukha ng mga kabayo?
“Mabait yan, kaso laging may sakit. Kaya hindi siya pwedeng gamitin sa malayuan. Mahal na mahal yan ni Lola Bebz, regalo kasi sa kanya yan ni Ernst.”
Oo nga no? hindi ko pa nakikita yung asawa ni Tita Jin. Maurirat ga next time.
Habang naglalakad kami, may isa kong napansin, siya yung naiiba sa lahat ng kabayo. Para kasing jejemon yung kulay nung buntot e.
“Sino siya?”
“Siya?” nilapitan siya ni Aiden. Pero hindi sobrang lapit. “Siya si P.A”
BINABASA MO ANG
When he was my Man
Romance-Sana ginawa mo yan nung may oras ka pa. - Sana kaya ko pang tiisin at kalimutan lahat ng sakit na binigay mo. - Sana kaya ko pang patawarin lahat ng kagaguhan at kasinungalingang binintang mo. -Sana. Sana. Sana. [Phylbert Angellie Villanueva] -Yun...