Chapter 18: Isa lang ha?
Nagising ako sa sobrang ingay ng cellphone ko. Sino ba tong pesteng tumatawag na to. Hindi ba niya kayang maghintay!?
“Argh!” dinampot ko agad yung cellphone ko sa lampshade. Anong oras na nga ako natulog e. Tapos gigisingin lang ako neto? Peste! “Hello!”
[“Goodmorning Babe!”]
“Lolo mo Goodmorning! Ang aga-aga mong namemerwisyo Jeron!”
[“HAHA! Highblood ka masyado? Andito ko sa lobby ng hotel”]
Napamulat yung mata ko ng sobrang laki. Anak ng! “Anong ginagawa mo dito!?”
[“Alam mo, let’s hunt!”]
“Gago! Teka nga baba ako diyan!” inoff ko agad yung phone ko. Pero dahil sa pagmamadali ko, hindi ko na napansin na may hita palang nakadagan sa akin.
“Agh! Clyde! Gising!”
“hmm” shit that voice!
“Ano ba ambigat mo!” tinulak tulak ko siya. Pero hindi ko talaga kaya. At oo. Tama kayo, nagtabi kami matulog dahil hindi na kinakaya ng kapangyarihan ko ang hindi pumikit. Pero sinigurado kong bago ko matulog, iniharang ko lahat ng unan sa gitna. Kaso ang gago, ewan ko paano yun natanggal! “ Clyde pag di ka tumay-”
O__O
“AAaaah! Manyak! Argh! Alis nga!”
“Goodmorning P.A. Mahal padin kita”
O_O
What the fvck! Patungan daw ba ako. at aargh! Temptation! Bakit ang bago niya padin!?
“T-tigilan mo nga ako Clyde ha! A-alis na”
“Pakiss muna!”
“G-gago!” tangna naman oh. Naasar ako. Bakit ba ang gwapo niya! Husky voice pa. Kaso shit. Phyl, alalahanin mo galit ka sakanya!
“Please” napatingin ako sa labi niyang nakanguso. Sa mata niyang nakapikit. Bakit parang ang ingay ng tibok ng puso ko?
“I-isa lang ha?”
“Sure P.A!” what the fvck! Bakit ba lumabas sa mga bibig ko yun? Pakers naman! Ganon ba talaga pag yummy?
Napapikit nalang ako. Hindi ko na kayang bawiin yung sinasabi ko. Kahit ngayon lang. Bahala na.
Naramdam kong palapit na yung mukha niya sa mukha. Ramdam ko nadin ang mga maiinit na hininga ni Clyde. “I missed you Babe”
*phone rings*
She got a body like an hourglass,
but I can give it to you all the time
She got a booty like a Cadillac,but I can send you into overdrive (oh)
“Fvck!”
“Ouch!/Aray!”
“Shit!” napatingin ako sa noon i Clyde. Wala namang bukol. Pero fvck! Ang sakit nung akin!
“Hello!”
[“Angellie! May balak ka pa bang sunduin ako!?”] halos mailayo ko na yung cellphone ko sa tenga ko. Daig pa niya naka loud speak!
“S-sorry na babe, hehe. Eto na pababa n, ginigiyang pa!” babaan daw ba ako.
“S-sino yun?” tinignan ko siya ng masama. Kundi dahil sa kanya la ako bukol.
“La ka pake. Baba muna ko. Teka magaling kanaba?” napainom ko nadin naman siya kagabi ng gamot.
“Oo” ay. Ang sungit naman bigla.
Bumaba nako sa lobby. At di nga ako nagkakamali. Andun si Jeron at prenteng nakaupo pa sa sofa. Sitting pretty ang peg.
“Babe!” tawag ko sa kanya. Nakasimangot na naman kasi e. At kung hindi ko siya tatawagin sa paraan na gusto niya, lalo saking mapipikon to.
“Babe mo mukha mo! Ang tagal mo!”
“Sorry na! Nakapag check-in kana?”
“Hoy! Pagkatapos mo akong paghintayin ng matagal, papagastusin mo pa ako?”
“Walang libre sa mundo, Jer—Babe pala. HAHA” aba ang gago, sasapakin pako. Ayaw niya talagang tinatawag ko siya sa pangalan niya e.
“Akyat na tyo Babe” halata ko namang pagod na siya. Pero. Oo nga pala!
“Babe, hindi ka pwede sa unit ko!”
“Why?” kwinento ko sa kanya lahat ng pangyayari. Halos atakihin pako sa kanya nung nagtititili. Nung nalaman niya na nasa taas si Clyde. Lalo na nung kwinento ko sa kanya na kaya ako hindi nakababa agad e muntik-muntikan na kong harasin ni Clyde sa labi.
“Ang tanga mo babe! Sana nagpadala ka muna sa bugso ng iyong heart” hala? Nagpadala pa daw. Eh halos mabingi na nga ako sa sigaw niya kanina sa akin e! jusmiyo. “tska babe, dapat lang talaga na patuluyin moko sa unit niyo. Magrequest nalang ako ng higaan”
Naikwento ko din pala na wala man lang sofa sa taas. Kaloka kasi to si Mommy. “Eh babe, baka malaman ni Mommy?”
“Hindi yan. Close kami ni Tita. Tska ako bahala. Di niya yun malalaman. Trust me”Bago pa man din kami makaakyat, humingi na ng extra comforter si Jeron. Kaya pala siya ang bahala. Ginamit na naman ang charm!
“Hi Miss. Pwede ba ako magrequest ng extra comforter or sofa?”
“A-ah hi S-sir, s-sige po.A-anong room po k-kayo?”
Kitam? Halos mabulol na yung babae sa pagsasalita. Ngitian daw ban g impaktong to. Kung di lang talaga to kauri ko, tatablahin ko to e.
“Miss, parang kamuka ka ng mga anak ko”
“P-po? May anak napo kayo?” halos lumuwa yung mata nung babae sa narinig niya. Ano ba pinagsasabe nitong Jeron na to?
“Yes”
“a-ah Okay p-”
“IKaw kasi yata yung magiging ina nila”
Ultimate Facepalm! Gusto ko yatang ipagtabuyan si Jeron! At ang babaeng ito, kulang nalang maging regla sa kapulahan!
“S-so Miss? Hintayin ko sa room ng bestfriend ko yung hinihingi ko ha? Bago ako pumunta sa unit ko”
Shit! Nakakadiri siya! Argh! Kung iisipin ko na lalaki siya, baka kiligin pako.
“Babe! Water please! Mygosh!” see? Ang landi niya! if I know, diring diri yan sa pinag-gagagawa niya kanina.
-
Pag-akyat namin sa unit ko, pinauna ko siyang pumasok. Alangan namang ako pa magbitbit ng maleta niya? Asa!
“Babe, deretso mo nalang yan diyan” nahulog kasi yung jacket niya. Kaya pinulot ko muna. Pero mukang wrong move na naman, dahil pag pulot ko, saktong hatak niya, kaya nasubsob ako sa kanya, at tulutan napaibabaw.
“Aray!”
“ay! Kaloka ka babe!” medyo nashock pako kasi yung noo ko, tumama na naman sa kanya! Ang sakit!
Pero sakto pagkatayong pagkatayo ko, siyang higit ni Clyde kay Jeron!
“Clyde!” Pinigilan ko siya kasi puro suntok na ang tinamo ni Jeron. Putok na halos agad yung labi at kilay niya! What the fvck is wrong with him? “Clyde ano ba! Tama na!” buong pwersa ko siya tinulok kaya napaupo naman siya. Hindi naman malakas pero mukang nagulat siya. “Ano bang problema mo!? Ayos ka lang Jeron?”
“Sakit babe.” At pagkasabing-pagkasabi ni Jeron nun, siyang bagsak niya ng malakas sa pintuan.
--
Annyeong!
napabagal ang update ko, huhu. pakisisi ang COC at hinahati niya ang oras ko tru watty at sa kanya. LOL. HAHAH
BINABASA MO ANG
When he was my Man
Romance-Sana ginawa mo yan nung may oras ka pa. - Sana kaya ko pang tiisin at kalimutan lahat ng sakit na binigay mo. - Sana kaya ko pang patawarin lahat ng kagaguhan at kasinungalingang binintang mo. -Sana. Sana. Sana. [Phylbert Angellie Villanueva] -Yun...