Torn-apart memory

63 2 1
                                    

A few moments after the explosion.

Eleazar's

Tunog ng lumalagab-lab na apoy at matining na kung ano ang naririnig ko dulot ng malakas na pag sabog.


Hindi ako makagalaw. Inilibot ko ang paningin ko ngunit hindi pamilyar ang mga nakikita ko.


Nasan ako? Ano ang nangyari? Yan ang laman ng isip ko


Masyadong masakit ang katawan ko para gumalaw. Ngunit sa di kalayuan ay may nag lalakad papunta sa direksyon ko ngunit parang pilay ito dahil sa itsura ng lakad niya


Sinubukan kong mag salita


"T-tulong" Pero hindi ko mailakas ang boses ko.


Sinubukan kong gumalaw. Unti-unti kong nararamdaman ang mga braso at binti ko.


"Saklolo" Usal ko ngunit wala namang nakakarinig


Palapit padin ang tao saakin kaya sinubukan kong umupo para mas makita niya ako


Sa bawat pag galaw ko ramdam ko ang kirot sa buong katawan ko. Mukhang masama ata ang nangyari dito base sa mga tinamo kung pinsala


Matapos ang ilang pag usog at subok, nagawa kong sumandal sa malamig na bakal sa likuran ko.


Nakaupo ako ngayon, nakapagitan ang nag lalagablab na apoy saakin at sa tao


"Tulong!" Sigaw ko at mukhang narinig niya naman ako. Sa wakas!


Patuloy padin siya sa paglakad kahit mukhang may pinsala siya sa binti


"Umiwas ka sa apoy" Paalala ko sakanya habang lumalapit siya pero hindi niya ako pinakinggan


Nag dire-diretsyo siya sa apoy! Nasusunog ang buong katawan niya!


"Sira ulo ka ba?!" Gulat na tanong ko sakanya pero patuloy padin siya sa paglapit sakin habang tinutupok siya ng mainit na apoy.


*Raaaaargh!*  Hindi ko maintindihan ang sinabi niya dahil sa sobrang garal-gal ng boses niya.


"Patayin mo yung apoy sa katawan mo! Mamamatay ka diyan!" Takot na sabi ko sakanya pero lumalapit padin siya saakin


*RAAAARGHH!* Lalo pang lumakas ang boses niya na nag patindig sa balahibo ko


Nasusunog siya pero wala siyang pakialam.


"A-anong klaseng tao ka? Demonyo ka ba?!" Nahintatakutan kong tanong sakanya habang sinusubukan kong umusog palayo sakanya


Dire-diretsyo siya sa pag lakad at malapit na siya saakin


Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon