Hit the Road

58 4 0
                                    

October 23 2014 3:00 pm
France's
Nakahiga padin ako dito sa kama.

Naka bondage na din yung mga sugat ko pati yung paa ko.

Kagagawan ni Eleazar kaninang umaga

Binigyan niya pa ako ng hot compress kaninang umaga bago niya yan ibenda para hindi na ma strain

Binilinan din ako na huwag na muna akong mag lakad para maipahinga ko pa kasi pwede na kaming umalis mamaya

Bumaba siya sa sala kanina pa pero hindi pa din siya bumabalik

Bumangon ako sa pag kakahiga.
Binuksan ko ang pinto at lumabas ako ng kwarto

Sarado ang pinto ni Krish samantalang si Zar ay nakahiga sa couch at mahimbing na natutulog

Oo nga pala, kailangan naming matulog dahil magdamag kaming gising mamaya

Bumalik ako sa loob pero hindi ko na isinara ang pinto dahil medyo mainit dito

Humiga ako at sinubukan kong matulog pero may bumabagabag sa isip ko

Yung nangyari kagabi. Sa sobrang tuwa ko ay nahalikan ko sa labi si Zar

Nahihiya ako sa ginawa ko pero hindi ako nag sisisi

Gusto ko lang namang ipakita na nag papasalamat talaga ako sakanya wala naman sigurong masama doon

Saka isa pa mukhang hindi naman big deal sakanya

Hindi ko pa siya nakausap tungkol doon. Saka na lang siguro pag medyo maayos na ang sitwasyon

Madami pa kaming kailangan daanan bago makarating sa port. Iniisip ko palang napapagod na ako. Ang layo kaya ng daungan ng barko mula dito

Ipinikit ko na ang mga mata ko. Kailangan kong mag pahinga

.......

October 23 2014 7:00 pm
France's

"Zar ano okay na ba yung mga gamit?"
Nagising ako sa boses ni Krishelle mula sa baba

"Okay na. Sandali at pupuntahan ko lang si France para makaalis na tayo" dinig ko

Kailangan na naming umalis

Iminulat ko ang mga mata ko. Madilim pero may kaunting tanglaw ng kandila akong nakikita

Hinintay kong makaakyat dito si Zar

"France?" Lumapit pa siya sa kama ko

"France gising na aalis na tayo" sabi niya saka ako tinapik

"Oo gising na ako. Sandali lang babangon ako" sabi ko

Haay medyo maayos naman ang tulog ko kaya lang sumasakit ng konti ang ulo ko

"Halika na. Bumaba ka na nag luto si Krishelle, kumain muna tayo bago umalis" sabi niya

Hinintay niya akong makatayo saka sabay na kaming bumaba

"France bilis kain na. Malayo ang pupuntahan natin" paalala ni Krishelle

"Sige sige, kumain na tayo" sagot ko nalang saka ako naupo sa bangko sa kusina

Mag kakaharap kaming tatlo, nasa gitna ang kandila at may tatlong mangkok ng noodles na may sardinas ulit ang nakahain

"So Eleazar san tayo dadaan?" Sabi ni Krishelle habang nilalagyan ng pagkain yung mangkok para makakain yung aso

"Liliko tayo diyan sa kanan ng Diversion, diretsyo lang. basta norte lang ang direksyon hindi ko kasi alam ang lugar na ito eh" sabi niya

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon