Along with an old friend

50 4 0
                                    

October 24 2014 4:35 am
Eleazar's
Pumasok ako sa bahay mula dito sa veranda.
Swerte namang nakabukas ang glass door dito kaya agad akong nakapasok

Ngayon kailangan ko lang suriin ang buong bahay bago ko sila papasukin

Inumpisahan ko ang pag usisa dito sa 2nd floor. Kung may kandila lang sana akong nadala. Na kay Krishelle kasi eh. Kung sabagay baka may zombie ma attract pa

Nag lakad lakad ako sa pasilyo ng bahay. Pumapasok ang liwanag ng buwan kaya wala naman akong problema sa kadiliman ng paligid, nakikita ko ito ng maayos

Mayroong tatlong kwarto dito sa second floor, at sa gitna nila ay ang staircase pababa.

Inuna ko ang pinakamalapit na pinto.
Pinihit ko ang seradura saka ko binuksan

Tumambad sakin ang mga puting kumot na naka saklob sa mga muwebles

Malamang wala na dito ang may ari ng bahay matagal na dahil maalikabok na din ang mga telang panakip

Pero kailangan kong makasiguro. Pinag tatanggal ko yung mga tela saka ko sinilip ang apat na sulok ng kwarto pati ang ilalim ng higaan

Okay walang zombie
Lumabas ako at pumasok sa kasunod na kwarto. Hindi din ito naka lock gaya nung unang pinto

Ganun din ang tumambad saakin. Kagaya ng ginawa ko sa unang kwarto, sinuri ko ito ng mabuti

Wala din. Lumabas ako at nilagpasan ko yung staircase para makapunta ako sa ikatlong pinto

Sinubukan kong buksan pero naka lock ito mula sa loob.

Agad kong kinuha ang bag saka ko kinuha sa loob ang toolbox

Kinuha ko yung negative na screw driver at isang wrench

Isinuot ko yung dulo ng screw driver sa tapat ng inaasinta kong lock saka ko iyon pinukpok

*blag!* maingay, pero sa tingin ko hindi naman ganoon kalakas pero dinig sa buong bahay

Good. Kung meron mang zombie lalapit na sila saakin para hindi na ako mahirapan

Sinuri ko ang loob. Wala ang mga takip sa muwebles, maayos at malinis ang kwartong ito

Maaring may tao pa dito sa loob ng bahay. Sinilip ko ang ilalim ng kama pero wala talaga akong nakita

Ngayon, ang first floor nalang ang natitira

Bago ako makalabas ay may napansin akong painting. Isa itong landscape painting ng sunset, merong palm trees at kitang kita ang dagat na ni re reflect ang kalahati ng lumulubog na araw

Maganda. Mayroon akong kilala na magaling ding mag pinta

Bumaba ako sa staircase pero iba ang naramdaman ko

Mayroon akong nakitang pag galaw sa ibaba

Hinawakan ko ng mahigpit ang wrench at screw driver

*Blag!* pero mula sa likod ko ang narinig kong tunog

Pumihit ako at inamba ang wrench ng makita ko si France

"Wait ako to!" Sabi niya

"Bakit ka sumunod? Nasaan si Krish?" Nag ko sakanya

"Andun kasama yung aso mo. Sumunod ako kasi kailangan kitang balaan, merong tao dito sa bahay na ito nakita ko!" Sabi niya

*tap tap* mahihinang yapak ang narinig ko mula saaking likod

Sigurado akong hindi zombie ito

Malamang nag tip-toe pa siya para hindi siya agad mapansin

Samahan pa ng kadiliman dahil hindi nakakaabot sa parteng ito ang liwanag ng buwan

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon