A soldier's story

40 1 0
                                    

November 1 2014 9:50 pm
Eleazar's

"Siya nga pala mommy Daddy, nandito din si Vincent" sabi ko

"Hi tito hi tita hi Avy!" Sabay litaw niya sa likod ko

"Hay bata ka! Vincent bakit kayo nag punta dito?!"tanong ni Mommy

"Pasensya na po Tita pero hindi ko po kayang iwan si Eleazar at hayaan siyang sumama dito ng mag isa"

"Vincent nasan ang daddy mo?" Tanong ni dad

"Ah tito wala na po si papa" sabi niya

"Si Kris?! Hindi ako makapaniwala!" Sabi ni Dad

"Mom okay na po ililigtas namin kayong lahat. Matagal akong nag hanap para makita kayo. Ano po ba ang nangyari at napunta kayo dito?"

Hindi nakasagot si mommy. Tumungo lang sya samantalang si Daddy naman ay napasandal sa haligi at nag kwento

"Dumating ang mga sundalo sa bahay at inilikas kami. Hindi ka na namin nahintay dahil ang sabi nila ay may rescue pa naman na dadating. Umalis kami sakay ng isang truck. Ilang kilometro lang ay biglang tumahol ng tumahol si Tootsie. Napakagaslaw niya sa loob kaya nabitawan siya ni Avy. Bumagsak siya sa labas pero hindi tumigil ang truck. Hindi din siya humabol bagkus bumalik lang siya sa pinanggalingan namin. Ilang oras pa ng pag biyahe ay may humarang saming halimaw. Binangga niya ang truck kaya nalaglag yung mag asawa na naka upo doon sa dulo kasama nung kapitan pero naiputok ng kapitan ang kanyang baril sa kanyang ulo kaya namatay siya doon mismo. Umalis yung mag asawa at tumakbo sila dala ang radio habang sinusubukan kaming patayin ng halimaw" kwento ni daddy

"Tapos bigla nalang silang nag paputok ng baril pero parang wala lang dun sa halimaw eh. Isa isa niyang pinatay ang mga sundalo hanggang sa nag desisyon ang isang sundalo na buksan ang manhole para subukang mag tago! Nakapasok kami ng daddy mo at ni Avy kasama ang mga tao dito pero ang mga natira sa itaas ay hindi pinalad" naiiyak na sabi ni mommy

"Wag na kayong umiyak mom. Ligtas na po kayo ngayon dahil tutulungan namin kayong umalis" sabi ko

"Maswerte lang kami kaya kami nakaligtas. Ikaw anak pano ka nakaligtas?" Tanong ni Daddy habang kinakarga si Avy para makatulog

Mukhang pagod na pagod na siya

"Bumalik po si Tootsie sa bahay, inabutan ko ang dalawang sundalo. Alam po namin na may nangyaring masama sa sinasakyan niyo kaya hindi ako sumama sakanila para subukang hanapin kayo. Nakita ko po ang dalawang survivors, sina France at Krishelle, pumunta po kami sa port pero nakita namin si Vincent. Gamit ang kotse niya ay nakarating kami sa Port at nakapag rescue ng dalawang bata. Marami po kaming pinagdaanan Mom, Dad. Ilang beses kaming na trap at nakipag buno sa zombies pero sa wakas ay nakarating kami sa isang isla, sa vacation house nila France kami tumuloy. Nag hanap po kami sa bawat isla hanggang sa makita namin si Rave, ilang araw pa ay nakita na nga po namin ang Camp kaya kaninang tanghali po ay nakarating kami doon. Yung mag asawa na sinasabi niyo, ligtas po sila at nasa sanctuary na po. Nakita ni Krishelle ang radio sakanila at ibinigay niya iyon saakin, sila ang mga magulang ni Krishelle" kuwento ko sakanila

"Mabuti naman at ligtas ka anak. Pero bakit ka pa bumalik dito? Hinayaan mo na sana ang mga sundalo alam nila ang ginagawa nila" sermon ni Daddy

"Ah tito, kulang na po kasi ang mga sundalo kaya nag re-recruit sila kaya naisipan naming sumali ni Vin para sa rescue na ito"

"Kahit na! Wala kayong sapat na training para sa ganito hindi niyo ba naisip iyon?"

"Dad wag ka ng magalit. Aalis na tayo dito at dadalhin namin kayo sa kampo" sagot ko

"Hindi ganon kadali iyon bata" nilingon ko siya

"Pasensya na po Mr Veranda ano po ang ibig niyong sabihin?" Tanong ko

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon