Let's relax for a bit shall we?

67 2 0
                                    

October 22 2014 4:00pm
France's

Nakahiga padin ako sa kama.
Nakaupo lang si Eleazar sa sahig at nakadukdok sa side table

Natutulog siguro. Bakit kaya wala siya kanina? Naiwan tuloy ako kay Krishelle, buwisit na babaeng iyon papatayin talaga ako

Hindi ko naman siya masisisi dahil maging ako ay natatakot na sa sarili ko

Kailan kaya ako mag tu-turn? Ayaw kong mapahamak sila. Kaya naman mamayang gabi, aalis na ako para hindi na nila ako inaalala

"Pasensya ka na Zar. Alam kong mabuting tao ka pero kailangan ko kayong iwan. Salamat pala sa pag ligtas saakin, pasensya na kung mababalewala lahat yun dahil sa gagawin ko" mahinang sabi ko para di siya magising

Pumatak ang isang luha sa mata ko. Hindi ko lubos maisip na may kagaya pa pala ni Zar sa mundong puno na ng Krishelle

Kung babae ka lang sana.....
Pucha ano ba itong iniisip ko?!

Ipinikit ko nalang ang aking mata
Mas mabuti na yung ganito. Kailangan kong isakripisyo ang sarili ko dahil iyon ang dapat kong gawin

Bakit ba napunta sa ganito ang lahat? Hindi ito ang mundong pinagarap ko. Sobrang laking pagbabago ang naganap, ni hindi man lang ako nakapag adjust, at dahil nakagat na ako, bilang nalang ang mga sandali ko dito sa mundo

Sinubukan kong matulog pero biglang bumukas ang pinto

Napadilat ako at lubhang namilog ang mata ko ng makita ko si Krishelle

"K-Krish a-anong.. b-bakit ka p-pumasok?" Pucha nauutal ako sa takot! Ngayon natatakot na ako kay Krish

Kailangan kong gisingin si Eleazar baka may gawin nanaman itong babaeng ito!

"Shhh! Wag kang maingay" sabi niya saka tuluyang pumasok habang tinitingnan si Eleazar

May bit-bit siyang lamesita at may mangkok na umuusok ang nandoon

May kutsara at tinidor din. Pakakainin niya ba ko?!

Teka! Pipilitin niya akong kainin yan kasi lalasunin niya ako?!

"Heto cup noodles na nilagyan ng sardinas. Kainin mo para mag kalakas ka. Galing yan kay Eleazar nanguha siya ng makakain natin kanina. Ito nalang siguro ang paraan para makabawi ako sayo. Pasensya ka na at pakisabi kay Eleazar sorry sa nagawa ko." Sabi niya

Inamoy amoy ko pa ang mainit na noodles na may lumulutang na sardinas

"Walang lason yan wag kang mag alala. Pero huwag mong isipin na hindi na kita babantayan naiintindihan mo?" Wika niya saka siya lumabas at isinara ang pinto

Hindi na ako kumibo. Naiinis padin ako sakanya at sa ginawa niya.

Pero saka ko na iisipin iyon.
Tamang tama nagugutom na ako

Pero...
Si Eleazar? Nanguha ng makakain namin? Kaya pala nawala siya kanina

Mukhang napagod siguro kaya natulog. Saglit kakain muna ako saka ako bababa para dalhan siya ng makakain para pag gising niya ay may makain siya

Hinigop ko ang sabaw. Pucha. Hindi ko inasahan na ganito kasarap ang instant noodles! Siguro dala ng pagod at gutom.

Humigop ako ng humigop ng sabaw at saka ko nilantakan ang noodles

Pucha napakasarap talaga!! Kinain ko din yung sardinas at feeling ko lilipad ako sa sarap!!! OA kung OA pero gutom na gutom na ako!!!

Masayang masaya akong kumain dahil malamang ito na din ang huli kong kakainin

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon