Camp 2

40 0 0
                                    

October 31 2014 1:30 pm
Vincent's
"Vin! Gising na nandito na tayo!" Sabay tapik ko sakanya

Sigurado ako! May mga tao dito! Naka daong ang apat na sailboat din sa dalampasigan nito!

May umuusok din sa isla tanda ng merong apoy doon baka may mga nag luluto!

"Vincent! Nagawa natin! Haha nahanap natin!" Sigaw niya saka siya tumayo

"Yes!!!!" Sigaw niya

"Makikita mo na sila tita" sabi ko sakanya

"Malalaman natin! Tara bumaba na tayo para makadaong ang sailboat!" Excited na sabi niya saka siya tumalon

*splash*
Sumunod lang ako sakanya saka namin itinulak ang sailboat

Mababaw na ang tubig at may buhangin na akong naaapakan kaya mabilis namin itong naiahon.

"Doon nalang natin itali sa bato!" Sabi ko saka ko kinuha yung rope

"Bilisan lang natin" sabi niya at itinali nga namin ang bangka

"Tara? Handa ka na ba?" Tanong niya sakin

Pshh ako pa?

"Oo sige tara na!" Sagot ko saka kami tumakbo papunta sa loob ng isla

May kakahuyan kaming dinaanan at halos mapasigaw ako sa nakita ko

May mga tents! May mga tao!
Meron din silang green house at parang naging farm ang isla na ito sa dami ng pananim!

Mga nag bubungkal ng lupa, nag didilig at nag tatanim lang ang nakita namin. Walang mga sundalo?

"Tulungan niyo po kami!" Biglang sigaw ni Zar

Agad na napalingon ang mga tao samin

"Jusko may mga bata!"

"Ay may mga bata nga!

"Sandali wag kayong lumapit baka nakagat sila!"

"Wag ka ngang OA ate dapat naging zombie na sila bago pa sila makarating dito kung ganun nga!"

"Bilis tulungan natin kawawa ang mga bata!"

Hindi sila ganon kadami

Humigit kumulang 30 na tao ang nandito

Yung iba ay nag patuloy lang sa ginagawa nila pero may limang tao ang lumapit saamin

Tatlong lalaki at dalawang babae na parang  nasa 30 years old pataas

"Mga hijo saan ba kayo nangaling?" Tanong nung isang lalaki

"Sa isang isla po medyo malayo dito. Dito po ba dinadala ang mga na rescue?" Tanong ko

"Ha? Nako hindi hijo ito ang taniman, dito kinukuha ang mga pag kain" sabi nung isang babae

"Kung ganon po may mga tao pa sa ibang isla?" Tanong ni Vin

"Abay oo! Dalawang isla pa ang may mga tao bukod dito, sa Camp 3 dinadala ang lahat ng mga na rescue at sa Camp 1 naman na tinatawag ang mga sundalo na bumabalik sa lupa" sagot nung isang lalaki

"Kaya lang karamihan sakanila hindi na nakakabalik dito kaya nag re-recruit sila ng volunteers sa camp 3 aray ano ba ate?!" Sabi nung medyo bata-bata sakanila

"Tumahimik ka nga diyan baka may makarinig sayo!" Sabay kurot sakanya nung ate na tinatawag niya

"Kayo lang bang dalawa? Napaka swerte niyo at nakaligtas kayo!" Sabi nung isang babae

"H-hindi po may mga kasama kami. Kasalukuyan po kaming nakatira sa isang bahay sa loob ng isla malayo dito, may mga kasama pa po kami at dalawa po ay mga bata pa" sagot ko

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon