The storm

40 0 0
                                    

October 28 2014 6:00 am

Vincent's
"Good morning Vincent" bati sakin ni France

"Good morning! Ang lawak ng ngiti mo ah ano nangyari?" Tanong ko sakanya

"Ha? W-Wala haha ikaw talaga! Natulog kami ni Zar sa sari-sarili naming kwarto kagabi wag ka mag alala" natatawang sabi niya bago niya buksan yung kaserola

"Maluluto na yan, gusto mo bang sumama sakin mag hanap? Mukhang napuyat ng husto si Vin-Vin kagabi eh bakit ba ang tagal niyo sa shore?" Tanong ko sakanya

Napuyat din to ah bakit parang ang taas ng energy?

"Nag usap lang kami, kailangan mahanap muna natin ang family niya para ma introduce niya ako sakanila" nakangiting sabi niya habang inaahon yung mga kamote

"So gusto mong ikaw ang makahanap sa sanctuary para kay Vin ganon ba?" Haay ang sweet ng couple na ito ah

"Tama! Haha ok lang ba? Ikaw lang kasi ang marunong mag sailboat saatin eh" sabi niya

Hmm. Maaga pa naman. Kaya lang medyo malalayo yung mga isla na pupuntahan namin pero ok lang naman siguro

"Sige ok lang, mukhang nakagayak ka naman na, pwede na tayong umalis para maaga tayo makabalik malayo kasi yung pag hahanapan natin" sabi ko sakanya

"Sige! Ok naman na itong mga baon natin sa bangka nalang tayo kumain" sabi niya habang tinatakpan yung tupperware

"Hmm. Sige tara, si Krishelle na siguro ang mag luluto mamaya pag kagising niya. Sige tara na?" Yaya ko sakanya saka ko sinukbit yung bag ko

"Tara tara hahaha excited na ako!" Sabi niya

Ibang iba ang energy ni France ngayon.Ganito din naman ako kasaya nung nakita ko na si Benson

Malamang tulog pa yun, nahihirapan kasi siyang gumising ng maaga kaya lagi siyang late sa mga appointment namin sa race dati pa

Lumabas kami ng bahay at dumiretsyo kami sa sailboat

Pasikat palang ang araw at mas malamig ang hangin ngayon

Hmm uulan kaya? O dahil malapit na ang pasko?

Nilagay lang ni France yung mga gamit namin sa bangka at kinalas ko na ang pag kakatali nito

Itinulak namin ang bangka ng mabasa bigla ang paa ko

"Ay mukhang high tide yata ngayon Vincent, tara bilisan natin para makbalik tayo agad" sabi niya

"Wag na kaya tayo tumuloy France? Para kasing iba ang panahon ngayon eh" nag aalalang sabi ko sakanya

"Hmm ganon ba? Sayang naman baka kasi makita natin ang sanctuary this time. Pero kung yan ang tingin mo" sabi niya saka umakyat siya sa sailboat para kunin yung mga gamit

Hahaha nalungkot ata siya. Hindi naman siguro babagyo mukhang high tide lang naman, maganda din ang sikat ng araw malamig lang talaga ang hangin dahil mag papasko na

"Ah hindi France sige mag hanap lang tayo sa isang isla saka tayo umuwi para makasigurado" sabi ko sakanya

Bumalik ang ngiti niya saka bumaba sa sailboat

"Sige tara hahaha bilisan natin!" Yaya niya sakin saka namin itinulak ang bangka

Ng wala na kaming matapakan ay sumampa na kami saka ko inayos ang layag.

Ibinaba ko na ng husto para mabilis kami

"Wow ang galing mo talaga Vincent! Waaah! Ang sarap sa pakiramdam ng hangin ang lamig!" Sabi niya

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon