The masterplan

46 1 0
                                    

October 26 2014 7:30 pm
Krishelle's

Omigod gabing gabi na bakit wala pa din sila?! May masama na kayang nangyari dun kay papa Vince?

"Pucha naman sinabi ng wag na mag papagabi eh!" Maktol ni France dun sa kusina habang nag babalat ng mga patatas

"Hoy France mag focus ka diyan sa pag babalat ng patatas at baka daliri mo ang mabalatan mo!" Sigaw ko sakanya

"Ate Krish bakit nagagalit si kuya France?" Bulong sakin ni Krissy

"Nag aalala kasi siya dahil hindi pa bumabalik yung mga kuya niyo eh" sabi ko sakanya

Sinilip ko naman sa sofa ang tulog na si Ivan. Ang cute cute niya talaga. Barbie kasi ang gustong panoorin ni Krissy kaya lang wala namang ganung dvd si France pero may nakita akong ilang pam batang cartoons dito kaya lang hindi yata hilig ni Ivan kay natulog

Bakit nga ba kasi ang tagal nila?

"Hoy Krishelle kumukulo na yung tubig ano ng gagawin ko?" Tanong niya

"Ako na diyan France, kunin mo na yung ginawa mong asin" sabi ko saka ako nag punta ng kusina

Kailangan kasi namin ng asin buti nalang marunong gumawa ng sea salt itong si France, hilig daw nila ng daddy uncle niya

Meron din silang tanim na black peppers at chilis, meron ding garlic onions and ginger! Kumpleto talaga! If we can just live here but kailangan namin hanapin ang ibang survivors para makita na din ni Zar ang family niya pati ako, kailangan ko ding makita sila Mommy

Pag kalabas ni France ay agad kong binalatan yung natirang patatas

My ghad! Bakit ganito siya mag balat? Nawala na yung shape ng patatas sa sobrang kapal!!!

Ok lang i ma-mash ko naman yan mamaya after ilaga

Gagawa din ako ng sauce from natural starch na ginawa ko kanina. Oh my god guys sobrang busy maging mommy pero keri lang! Maganda padin ako!

Tinalbog ko na sa pot yung mga potatoes
Hmm, okay na siguro itong starch

Ginawa ko lang yung sauce kaya lang kailangan ko nga ng salt

"Krishelle eto na" sabi ni France pagkapasok niya mula dun sa front door. Dun kasi sa may bandang sea shore siya gumawa kasi need daw ang sun

"Pakidala nalang dito France" sabi ko sakanya habang hinahalo ang makapal pa na sauce

"Mashed potatoes?" Tanong niya habang inaabot yung asin

"Oo at ikaw ang mag ma-mash ayoko mag ka muscles that's bad for my feminine figure" aba! Dapat sexy lang ayoko mag mukhang body builder noh? That's a no no no!

"Saglit lang kukuha ako ng gamit dun sa counter" sabi niya

Good! Ayoko talaga mag mash niyan!

Ng sakto na ang consistency ng sauce para saakin ay isinalang ko na din iyon sa pan para maluto yung starch

Ilang saglit pa ay natapos na din iyon kaya lang matigas padin yung mga potatoes

"France babalik lang ako sa sala maiwan ka na diyan at hintayin mong lumambot ang potatoes bago mo i mash" bilin ko sakanya saka ako nag hairflip at nag fashion show habang papunta ng sala

"Ate Krish may problema ba sa mga binti mo?" Tanong ni Krissy

"Ikaw talaga baby Krissy! Ganito mag lakad ang mga magaganda! Kaya tumayo ka na diyan at tururuan kita!" Excited na sabi ko

"Sige ate Krissy gusto ko din matuto niyan!" Tuwang tuwa ang bata na tumayo mula sa couch at tumabi saakin

"Okay first, i hakbang mo yung right mo and then pak! Kembot! I emphasize mo yung hips mo and then stomach in chest out!" Pag tuturo ko sakanya

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon