His lover and his father

39 2 0
                                    

January 16 2015 8:00 am

France's

"Eleazar? Ikaw ba yan?" Nag lalakad ako sa isang kalsada. Madilim at tanging ang maliwanag na buwan lamang ang ilaw

Sa gitna ay nakatayo ang isang lalaki. Pero alam ko si Eleazar ito, hindi ako pwedeng mag kamali

"Eleazar!" Sinigawan ko siya pero hindi siya lumilingon

Nasaan ba kami?! Anong ginagawa namin dito?! Baka may mga zombie sa paligid!

"Zar kailangan na nating umalis dito!"

Patuloy lang ako sa pag lapit hanggang sa may madaanan akong bahay

Bahay ni Vincent ito ah? Pano kami napunta dito? Nasa isla kami hindi ba?!

*raaaaawr!!!*

Pucha ang daming zombie!

"Eleazar ano ba?! Halika na bilis!" Tumakbo na ako papalapit saknya pero nahablot na siya ng isang... halimaw!

*roaaaaaar!!!!"
Akmang kakainin siya ng isang malaking halimaw

Hindi ako makakilos, wala akong magawa kung hindi ang sumigaw

"Eleazar!!"

——
"France gising!"

"Eleazar!!!" Hinahabol ko ang hininga ko matapos ang isang sigaw

Napabangon ako mula sa couch

Lumingon ako sa paligid pero si Vincent at ang asawa niya lang ang nakikita ko. Nanaginip nanaman ako

Nakatingin lang sila sakin mukhang nag tataka

"Nananaginip lang ako wag kayong mag alala" sabi ko saka ako tumayo at pumunta sa banyo

Mahaba ang naging tulog ko pero ang sama naman ng panaginip ko

Papaano kung yung halimaw ang pumatay kay Zar? Anong klaseng sakit at takot kaya ang naramdaman niya?

Buzz off France panaginip lang iyon. Naligo lang ako saka ako nag bihis sa kwarto ko

Mukhang lumabas yung love birds.

Bumalik ako sa sala pero wala na nga sila doon. Malamang sinama ni Vincent si Rave sa tower

Patuloy kasi ang pag maintain noon dahil na damage nga ito dahil sa sunod-sunod na bagyo kaya kailangang laging may maintenance para masiguro ang stable na connection

Kailangan namin ng communication sa ibang isla at para makapag broadcast sa isang emergency frequency, baka sakaling may mga buhay pa sa lungsod.

Lumabas ako ng bahay. Pupunta nalang ako sa hospital para tumulong kung may maitutulong man

Pag pasok ko doon ay agad akong sinalubong ni nurse Patricia

"Uy France maaga ka yata ngayon?"

"Ah opo. Wala na din kasi yung mga kasama ko sa bahay eh"

"Ganun? Sige, pwede mo bang tulungan si Harold? Nag bubuhat siya ng mga medical supplies sa stockroom"

"Sige po pupuntahan ko si kuya Harold"
Wala naman masyadong ginagawa dito. Lagi lang inaayos ang mga gamot para laging in order para mabilis mahanap ang mga kailangan

Nadaanan ko ang office ng doktor pero gaya ng dati nakasarado ito pero mukhang may ibang tao sa loob dahil naririnig kong may kausap si Doc

Dumiretsyo lang ako sa stockroom at nandoon nga si kuya Harold, isang 33 year old na nurse, isa siya sa mga na rescue nila Vincent

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon