Construction?

33 1 0
                                    

January 15 2015 10:00 am

Benson's

Well, it's been a while since Eleazar's tragic death.

Nag tuloy na din ang mga rescue operations kaya lang ibang route na ang dinadaanan nila at sa ibang port na sila dumadaong

Pero binalak ni Kris na bumalik sa port at hanapin si Eleazar, somehow naniniwala pa siya na may natira pa kay Eleazar kahit ang sabi niya ay punong puno ng grenades ang vest ni Zar kaya lang pinigilan ko na siya

Hindi ko naman siya masisi dahil talagang close sila. Pero kahit ganoon ang nangyari, kahit paulit ulit siyang nag mu-mukmok nag decide na din siyang mag move on?

Err di ko alam kung yun ang tamang termino para doon

Nag volunteer ako para tumulong sa farming ng mga isla pero puno pa daw ang slot, kapag may nag quit nalang daw.

Boring na din kasi dito, kahit alam kong ligtas kami dito hindi pa din ako mapakali. Hindi kasi ako sanay ng walang ginagawa

Si Kris kasama si Krishelle nag ayos ng tower

Si France tumutulong sa maintenance ng Hospital, atleast hindi na siya umiiyak.

Ako? Galing ako sa informations dahil nag tanong nga ako kung pwede din ako mag volunteer

Although may iba pang pwedeng salihan gaya ng pag buo sa isang sanctuary sa isang malaking isla malayo dito

Kaya lang hindi naman ako pwede kasi edad 40 pataas lang ang kinukuha nilang volunteers

Nakita ko ding nag volunteer yung sundalo na kinukwento sakin ni Vincent.

Kapansin pansin na din ang pag kaunti ng mga tao dito. Dahil nga sa voluntary work, babae lalake ay pwedeng sumama.

Although yung parents ni Zar ay di nag volunteer dahil walang mag aalaga kay Avy

But yung parents ni Krishelle and yung so called auntie niya ay sumama sa mga volunteers. Umalis sila last week at ang alam lang namin ay nag tra-trabaho sila doon at mukhang matatagalan bago sila makabalik.

"Yes boss i understand"
Sino yun?

Nasa pagitan ako ng house 40 at 41 ng may marinig akong nag sasalita

Boses ng isang lalaki. Hindi naman ako yung tipo na mahilig mang eavesdrop ha pero nandito nalang din ako pakikinggan ko na.

"We need more test subjects for that boss"

Test subjects? Ano to? Science experiment?

"Yes boss. There's another shipment coming from Thailand and Indonesia that will suffice for the time being"

So may connection pa pala kami sa ibang bansa? Pero ano naman ang mga tinatawag nilang shipments?

"Boss if i may ask? Are there any intel on my brother?"

Sino ba itong lalaki na ito?
Dahan-dahan akong nag lakad papalapit sakanya at halos mapalukso ako ng makita ko ang likuran niya kaya agad akong nag tago

Mukhang hindi niya naman ako napansin

"But boss!....... Yes, Thank you boss i give you my regards and to Crimson corp"

Binaba niya na ang linya!
Umalis na ako doon bago pa niya malaman na napakinggan ko ang conversation niya

Agad akong naupo sa malapit na sidewalk at hinintay ko siyang lumabas mula sa pwesto niya kanina

Prenteng nag lalakad ang isang sundalo na para bang walang nangyari. Umalis siya ng hindi man lang ako nililingon

Mabuti. Pero tungkol saan naman kaya iyon? Test subjects? Shipments? Crimson Corp?

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon