Tracing the Tracks

89 2 0
                                    

October 22 2014 10:00 am
Eleazar's
*arf arf*
Kanina pa ko nakasunod kay Tootsie

Balak ko pa sanang kumuha ng mga gamit sa taas pero mas naunahan ako ng kakaibang pakiramdam. Yung parang ilang minuto na lang ma la-late ka na sa klase at pag sasaraduhan ka na ng pinto ng prof niyo

Nakalabas na kami ng subdivision ni Tootsie, lumiko siya sa kanang kanto  at tumatakbo padin ako kakahabol sakanya

San niya ba ako balak dalhin? Malaking posibilidad na totoo yung sinabi ng sundalo na nag fail ang rescue at maaring nanganganib ang pamilya ko

Wala ng tao sa lugar na ito. Kung iisipin last week pa nag sisilikas ang mga taga ibang syudad papunta dito, 2 months ago naman kami dahil wala namang signs ng infection dito, maingat kasi si Daddy

2 months ago kasi sa Luzon island ay nag simula ang hindi maipaliwanag na outbreak

1 month later ay biglang maraming tao ang nag kasakit at namatay. Ni lockdown ang buong luzon pero a month bago pa mangyari yun ay naka alis kami papuntang visayas kung saan walang infection.

Normal ang lahat dito. Wala kaming balita sa nangyayari sa Luzon dahil nasa Martial Law ang buong isla ng Luzon

Walang news walang kahit anong makapagsasabi kung ano nga ba talaga ang nangyayari

Hanggang sa ngayon, hindi ko padin kayang i absorb ang lahat ng kaganapan. Ang akala ko ay mag kaklase lang ako kaninang umaga pero heto ako ngayon

Habol habol lang sa aso ko, umaasa na baka sakaling alam niya kung nasaan ang pamilya ko

Magulo ang paligid. Walang mga tao sa kalsada pero may mga sasakyan na nag banggaan, may sunog pa sa dinaraanan kong bahay ngayon ngunit wala namang mga bumbero ang naririto

Wala akong oras para tumawag sa emergency hotline ngayon dahil wala ng telecom company ang gumagana

Pano? Wala ng service ang phone ko at maging ang internet service ay wala na din

"Tootsie sandali!" Sigaw ko pero di ako pinakinggan ng aso

Tuloy tuloy nitong tinatahak ang daan papunta sa paboritong lugar ni Avy simula ng lumipat kami dito

"Ang playground!" Agad na nasabi ko

Dito ko idinadaan si Avy bago kami umuwi sa subdivision na nilipatan namin. Mula kasi ng masunog ang dati naming bahay ay laging nalulungkot si Avy dahil hindi na siya makakapunta sa playground malapit sa bahay namin kaya masuwerte namang may playground dito

Ayaw niya kasi sa clubhouse or sa pool ng subdivision mas gusto niya daw dito sa playground sa labas dahil madaming mga bata ang nakikipag laro sakanya

"Tootsie! Avy! Nasan ka? Avy!!" Sigaw ko ng hindi ko na din makita yung aso

San naman sumuot yun?

Mejo masukal dito sa playground marahil ay walang nag linis kaninang umaga dahil sa nangyayari ngayon.

Puro tuyong dahon na nalaglag mula sa matataas na puno ng acacia at mahogany ang nandito

Napakasarap mamahinga sa lugar na ito, napakapayapa

Pumunta ako sa swing at umupo

Hinihingal na ako, may dalawang kilometro din ang tinakbo ko kaya mag papahinga nalang muna ako sandali

Nag pa linga-linga ako sa paligid. Walang tao at wala din si Tootsie

Lecheng aso yun pano ba siya nawala sa paningin ko eh ang laki-laki niya?!

Ng mapawi ko ang pagod ko ay tumayo na ako at nag lakad

Maganda ang lugar na ito para sa mga bata. Mayroong swing, slide, monkey bars at see-saw

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon