Alone time with him

57 5 0
                                    

October 24 2014 4:50 am
France's

Bumaliktad ang mundo ko ng biglang bumukas ang mga ilaw

Nakaupo kami parehas ni Zar at nakikita kami ng mga zombies

"raaaaargh!!!" Angil ng mga ito saka nag lakad papunta saamin

Yung iba galing pa sa staffroom at yung iba ay yung mga nakalabas na kaya lang may isang zombie na sobrang lapit sakin....

*Bang!*
Umuusok ang baril na hawak ni Eleazar at bumagsak ang zombie sa harap ko, butas ang noo at hindi na gumagalaw.

"Dito ka sa likod ko wag kang lalayo kahit anong mangyari!" Sigaw niya

*Bang!* *Bang!* *Bang!*

Sunod sunod ang mga pag baril niya at sunod-sunod din ang pag bagsak ng mga bangkay

Asintado siya. Inuna niya yung mga lumalabas sa staffroom

Pero natakot ako ng dumiretsyo siya papunta doon kahit may mga zombies pa sa loob. Napaka reckless na tao ni Eleazar nakakatakot siya

Kahit ganoon ay sumunod padin ako

"Wag kang lalapit!" *blag* tinadyakan ko yung zombie na hahablot sana saakin

*Bang!* *Bang!* tinamaan iyon ng dalawang bala sa ulo at bumagsak sa sahig. Nagkatinginan lang kami saglit pero agad na dumamba yung zombie kay Eleazar

"Zar sa harap mo!" Agad na sabi ko

Agad siyang pumihit paharap saka buong pwersang hinampas ng wrench yung zombie

Bumagsak iyon sa mismong doorway kaya hinakbangan nalang namin

May mga zombie pa dito sa loob

*raaaargh!* angil nito pero agad iyong binangag ni Zar *thud* at bumagsak nga ito

May mga lumalapit pa pero tinadyakan ni Zar ang pinaka malapit sakanya

Nakikita ko yung fuse dito mismo sa gilid ko

"Ibaba mo yung fuse!" Sigaw niya saka hinampas ng wrench yung kasunod na zombie

Hinatak ko pababa yung lever at *click* nag simatayan ang mga ilaw pero biglang may humatak sakin pababa

*raaaargh* umaangil ang mga zombie na para bang dismayado dahil nawala sa paningin nila ang pagkain

Gumagapang kami sa sahig. Naramdaman kong lumapit siya sa mukha ko

Halos idikit niya ang mga labi niya sa tainga ko at bumulong

"Gapang bilis dahan dahan lang" sabi niya

Sabay kaming gumapang

Nakikita namin ang silhouette ng mga zombies kaya madali namin silang naiiwasan mula dito sa baba

Agad naming narating ang exit pero nakasara pa iyon.

Dahan dahang tumayo si Zar. Walang kahit anong tunog ang nag mula sa bag niya

Napakagaling niya talaga kahit kailan, pano niya ba ginagawa iyon?

Hindi ako tumayo

Nakikita kong kinakapa niya yung seradura at ng mahawakan niya

*click* agad niya iyong pinihit

*raaaargh* nag silingon ang mga zombies sa gawi namin
"France tayo na bilis!" Sigaw niya saka ako hinatak

Halos mapayakap ako sakanya dahil sa lakas ng puwersa niya

Nakalabas kami doon saka niya pabalang na sinarado ang pinto

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon