The bad guy's confrontation

38 3 0
                                    

February 06 2015 5:00 pm

Eleazar's

*Pak!* Isang malutong na sampal ang iginawad ni Colonel Sanders kay Veranda.

Nandito kami sa Camp 1, naka paikot kami kay Veranda na nasa gitna at kaharap ng Colonel. Halos mag-dugo na ang buong mukha ni Veranda sa mga sampal ni Colonel Sanders. Tinangka niya kasing kunin si Ms. Vanessa, sa anong dahilan? Hindi namin alam.

Hindi pa siya nag sasalita sa ngayon, seryoso lang siyang nakaupo at nakagapos sa isang metal chair sa gitna ng platform ng intel headquarters, nakayuko at mukhang may iniisip.

Wala namang masamang nangyari kay Ms. Vanessa,wala pa siyang malay sa ngayon, pero kung nandito siya? Hindi ko alam baka mapatay niya si Veranda. Naagapan naman agad ni Ramirez. Nakita niyang sinusundan ni Veranda si Ms. Vaness kaya inalam niya muna ang sitwasyon, at nung pinukpok niya na ng kahoy si Ms. Vanessa sa batok na nagpawala ng malay tao niya, agad siyang kinompronta ni Ramirez at dinala siya dito sa tulong ng iba pang mga sundalo,

Ewan ko ba kung bakit isinama ako dito ni Vincent, hinahanap ko pa kasi si France baka kung saan nanaman nag suot iyon. Pinaiwan nalang namin si Rave at Krishelle sa bahay para may kasama si France pag balik niya

"Ano ang plano mo Veranda? Bakit sinaktan mo si Vanessa?!" Gigil na tanong ng Colonel, inaayos niya pa ang kanyang cap bago niya itupi ng bahagya ang kanyang manggas.

*Pak!* isang sampal na naman ang tinamo niya.

Pero nag taka nalang kami ng bigla siyang tumawa

"Hahahaha, Colonel, sa totoo lang kailangan ko siyang isama sa susunod na batch ng mga ipapadala sa ibang bansa, as volunteers! hahahaha!"

"Hayop ka!!! Ilang buwan mo kaming niloko! Napakadaming buhay ang isinaalang-alang mo at kung totoo man ang sinasabi mo ay maaring wala na silang lahat!" Sigaw ni Ramirez mula dito sa tabi ni Vincent.

"Hindi ako hayop Ramirez, kailangan ko lang talaga ng tulong niyo pero alam kong hindi niyo ako papakinggan" Seryosong sagot ni Veranda

"Hindi ka hayop? Tama ka! dahil mas masahol ka pa sa hayop! Ang anak ko?! Muntik mo nang kuhanin sakin ang anak ko!!! Sa tingin mo tutulungan ka pa namin dahil sa pinaggagagawa mo?!" Gigil na sigaw ni Colonel Sanders pero ngayon ay nag pigil na siya. Baka hindi na makapagsalita si Veranda sa susunod na tamaan siya.

"Nandoon ang asawa at kapatid ko Colonel. Hindi ko alam kung nasaan sila o kung ano na ang kalagayan nila kaya kailangan ko kayo para sa isang rescue sa labas ng bansa. Alam kong hindi kayo makikinig saakin, kaya nga mayroong ibang tao ang kukumbinsi sainyo, hindi ba Eleazar?"

Napatingin silang lahat saakin. May mga nag bubulung-bulungan din na mga sundalo. Alam nila na nakaligtas ako sa last rescue ng kaming dalawa lamang ni Tito Francisco kahit mayroon kaming hinarap na big-boy. Big deal kasi sakanila iyon kaya naging usap-usapan kami simula nung bumalik kami dito.

Minsan nga ay may mga sundalong tumatawag saakin ng Zombie, dahil hindi daw ako basta-basta napapatay.

"At bakit ko naman kukumbinsihin ang Colonel para sayo? Sira ulo ka ba?" Natatawang tanong ko

"Vin...." Bulong sakin ni Vincent

"Hahahaha hindi mo pa ba naiintindihan bata?" Mapanuksong tanong niya

"Vin, sa tingin ko may kailangan kang malaman" Seryosong sabi ng pinsan ko

"Ano Vincent? Sabihin mo" Tanong ko sakanya saka ako humarap sa gawi niya

Sa likod ni Vincent ay nakatayo ang apat na bagong survivors. Kung ako zombie, sila ay tinatawag na mga imortal, dahil sa kondisyon ng pag kakaligtas sakanila, hindi kapani-paniwala pero nakaligtas sila.

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon