The Other Side of It

189 5 0
                                    

October 22 2014
.
Eleazar's
.
Minulat ko ang aking mga mata.
Ano ang nakikita ko?
Bakit parang nakabaliktad ang mundo?
.
Aray...
.
Shomai, naka upside down pala ako sa plantbox.
Bale yung likod ko nasa lupa tapos yung paa ko nakasabit sa plant box. May tumulak ata sakin
.
Buti hindi umakyat lahat ng dugo ko sa ulo noh?
.
Bwisit na buhay 'to oh, ang aga pa pero puro lupa na yung uniform ko.
.
Inalis ko yung paa ko dun dahilan ng paggulong ko patalikod.... Masakit... Walang nakakatawa
Tumayo nalang ako at nag lakad papunta sa classroom.
.
Dapat nandoon na yung prof. namin sa bio. dahil 8:30am na
.
Nag palinga linga ako.
.
Bakit...parang naging ghost town ang school? Sobrang tahimik at walang ibang tao?
.
Pag dating ko sa room wala akong inabutan bukod sa mga upuan na parang dinaanan ng bagyo.
.
anong nagyare? May rambol ba?
.
hindi. Baka may riot na naganap.
.
oo tama kasi kanina andaming taong nag kukumpulan tapos may binaril....
.
M-May binaril nga pala.
.
Tumakbo ako palabas ng room at bumalik sa Kwarto kung saan nakita ko yung babaeng binaril.
.
Puro dugo lang yung sahig tapos gulo gulo yung mga arm chairs.
.
Naisugod na siguro sa ospital.
.
ang mga kabataan talaga.
.
Wala pa ngang jowa kung makapag wala parang naagawan ng lalaki. sobrang wild.
.
Pumunta ako sa disciplinary office at kinuha yung bag ko.
.
Galing kasi ako dito kanina bago ako nakatulog sa room este sa plant box dahil kasali ako sa rambol na nangyari kaninang 7:00 am.
.
Lagi namang ganun. Pag may gulo, nandoon ako.
.
Pero ang ipinag tataka ko talaga.. Nasaan yung mga estudyante? Dapat nag ka klase na din kami ngayon.
.
*Crash!*
.
Napalingon ako sa kanan ko. Tunog ng pagkabasag mula sa greenhouse
.
Sa may hallway na napapalibutan ng mga paso yung mag kabilang gilid kaya nag mukhang greenhouse.
Lahat ng ingay dun sa part nayun ay na a-amplify kasi kulob yun. Kaya kahit simpleng patak, basta mejo malapit ka, maririnig mo
.
Nag punta naman ako dun kasi dun ko narinig yung tunog ng pagkabasag. Pumasok ako pero tahimik naman at walang tao.
.
Pero parang may pumapatak.
.
"Sinong Nandyan?"
.
Kinuha ng atensyon ko ang isang taong nakadantay sa railings ng pasilyo. Hindi ko siya napansin dahil nahaharangan siya ng mga paso.
.
Lumapit ako sakanya dahil hindi niya sinagot ang tanong ko.
.
Aba. Pag kinausap kita sumagot ka kung ayaw mong bangasan kitang kumag ka.
.
"Hoy" sabay tapik ko sakanya
.
"Hoooy. Manhid ka ba? Bingi? O sadyang tanga?"
.
Tinapik tapik ko pa sya ng ilang ulit pero wala talaga.
.
Nahaharangan ng paso yung ulo niya kaya hiniklat ko nalang yung damit niya para mapatayo siya
.
"Ahhh!" sigaw ko ng makita ang ulo niya.
.
Duguan ito at nakatusok ang ilang piraso ng paso sa mukha niya na para bang nasub-sob siya doon.
.
Nabitawan ko siya at bumagsak siya sa marmol na sahig.
.
Umatras ako. Hindi ako ang may gawa niyan.
.
Hindi ko siya kilala at wala akong galit sakanya.
.
Anong sasabihin ko sa mga pulis?!
.
"arghgjkk"
.
Nagulat ako ng siyang magsalita.
.
Ano sabi?
Buhay pa sya!
.
Lumapit ako at sinubukan ko siyang itayong muli.
.
"Kapit lang brad. Wag kang sasama sa liwanag!"
sabi ko habang tumatawag sa emergency hotline
.
"Arrrghgahaha" sagot niya na parang nakakaintindi pa siya
.
"Oo ganyan nga. Laban lang" sagot ko.
.
Bwisit ring lang ng ring. Naka Line naman ako at hotline number pa ng ospital ang tinawagan ko pero bakit walang sumasagot? Busy?
.
"aaarghaga" lumayo siya saakin at tumayo sa sarili niyang mga paa nang walang alalay mula saakin.
.
Kaya para siyang kuba na nakatingala saakin. Creepy ass bastard wag mo kong takutin bibirahin kita.
.
"Brad. Alam kong hindi ka ok. Pero kung iniisip mong pumunta sa ospital ng nag lalakad wag mo nang subukaaaan ahhhhh!!!"
.
Shit bigla niya akong sinugod kaya nasipa ko siya sa mukha
.
Mas lalong bumaon yung mga paso.
Shit pag may nakakita sakin dito mapagkakamalan akong mamamatay tao!!!
.
Bumagsak siya sa sahig at tumayong muli na parang may kinakapa sa hangin.
.
Nadanggis niya pa yung mga paso at nagsibasag ang mga iyon ng bumagsak sa sahig
.
"Brad chill! Wala tayong pamalit niyan tae!" singhal ko sakanya
.
Pero parang wala na siyang naririnig tapos sinugod niya ako
.
Mabilis akong tumakbo palayo tapos kumuha ako ng paso at nag tago sa pader pag labas ko ng pasilyo.
.
Noong dumaan siya hinampas ko sa pag mumukha niya yung paso na nabasag naman.
.
Lalo tuloy nabasag yung mukha niya at hindi na siya nakagalaw
.
Mabilis akong naglakad palayo.
.
Mahirap na.
.
Kasalanan niya yon. Tinakot niya ko. Binalaan ko siya. Nakapatay ako puta!!!!
.
"aggrghg!"
.
Napalingon ako sa kaliwa ko at nakakita ng ma-ngilan-ngilang estudyanteng nag lalakad.
.
Mukhang normal naman sila.
.
Tumakbo ako palapit.
.
"Hoy anong nangyayare?!" tanong ko sakanila
.
Lumingon sila ng biglaan sakin na syang nag patakas ng dugo ko sa mukha.
.
Duguan ang mga mukha nila
.
"Lipstick ba yan?" yan nalang ang nasabi ko at mabilis akong tumakbo palayo.
.
Shit shit shit shit
.
Ano ba kasi ang nangyayari?
.
Dinukot ko sa bulsa ko yung cellphone-
.
Nawawala yung cellphone ko!!!
.
Nyemas naman oh! Ayoko ng bumalik!!!
.
"Aagrgghhg"
.
Sa kanan ko ay may babaeng naglalakad.
.
Duguan na siya at may nakasalpak na earphones sa tenga niya at sa bulsa niya malamang may cellphone!!!
.
Tumakbo ako palapit at dinagit ko yung earphones at sumama naman yung cellphone.
.
Sa kasamaang palad, nakasuot pala sa damit niya yung earphones kaya pati sya sumama.
.
Sa gulat ko nabitawanko yung cellphone at natanggal doon yung plug nung earphones kaya bumagsak iyon sa lupa. Itinulak ko lang siya na siya namang ikinatumba niya.
.
Pinulot ko lang yung cellphone niya saka ako tumakbo.
.
I dialed my Dad's Number
.
"Hello?" sagot sa kabilang linya
.
"Dad si Eleazar 'to nasaan kayo?"
.
"ha? Oh Eleazar! Napatawag ka? Nandito kami sa bahay ng mommy mo pabalik na kami ng opisina"
.
"No dad! Wag kayong aalis ng bahay!"
.
"Anak hindi pwede may traba-"
.
"Dad listen! Kanina sa school may binaril. Tapos sa hallway nakapatay ako-"
.
"NAKAPATAY KA?! ELEAZAR-"
.
"DAD PLEASE MAKINIG KA MUNA!!!"
.
"Okay. I'm listening"
.
"Hindi na sila tao dad. Para silang mga walang isip.
Yung nasa hallway kanina tutulungan ko sanang pumunta sa ospital pero sinugod niya ako na para bang gusto niya akong patayin"
.
"Tapos napatay mo? self defense Eleazar. Mag papatawag ako ng abogado (Honey nasan yung susi ng kotse? Ma la-late na tayo)"
.
" Dad si Mom ba yun? Wag kayong aalis jan. I-lock niyo yung buong bahay hintayin niyo ako"
.
"Yes Son. Naiintindihan ko. You've been in shock- (Ahhhhh!!!) Honey?! "
.
Shit!
.
"Dad anong nangyayari?!"
.
"Yung mommy mo. Nadulas na naman sa lawn."
.
Nakahinga nanaman ako ng maluwag
.
"Dad. Please. Hintayin niyo ko. Dapat Locked ang buong bahay at wag kayong lalabas. And protect Mom and Avy"
.
"O-kay. Sige we'll wait (Honey! Late na tayo ang dumi pa ng blazer ko!! Kelangan kong mag palit)"
.
I-nend ko na yung call at nag tatakbo ako sa parking lot.
.
*arf arf*
.
Ang cute talaga ng kotse ko. Parang aso lang ah!
.
Pumasok na ako sa kotse at pinaharurot ko na agad.
.
Pag labas ko ng Campus...
.
M-may mga tao.
.
Nakahiga lang sila sa gilid ng kalsada at umaagos ang dugo nila
.
What the hell is happening?
.
Mas lalo ko pang binilisan ang takbo.

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon