Where are we headed?

62 2 0
                                    

October 23 2014 7:30 am

Eleazar's
"Ah siya nga pala may mga dala akong pagkain, mag almusal na muna tayo" sabi ko sakanila at inilapag ko sa lamesa ang mga niluto ko dun sa bakery

"Ano yan Zar? Saka saan ka ba nag punta ha?" Tanong ni Krish

"Pandesal! Haha galing ako doon sa bakery malapit lang dito kaya nakapag luto ako niyan" sabi ko habang inaalis ko yung bag sa likod ko

"Eh ano yang laman ng bag mo kung tinapay ang laman nito?" Turo niya sa paper bag

"Nakapasok din kasi ako sa may botika at swerte namang nakakuha ako ng mga gamot at bandages para kay France" sabi ko sakanya

"Ikaw talaga umalis ka nanaman mag isa. Pwede mo naman akong isama para natulungan kita nakakahiya naman" sagot ni Krish

Is it just me or bumabait na siya?

"Wala iyon" pag sisiguro ko sakanya saka ko inilapag yung mga pakete ng 3in1 coffee sa lamesa mula sa side pocket nitong backpack

"Nako sakto, hindi ko pa inilalagay yung noodles doon sa kumukulong tubig, gamitin nalang nating pang kape sandali lang" sabi niya saka pumunta sa kusina

"Aakyat lang ako sa taas ibaba ko yung bag" sabi ko bago ako pumanhik

Dumiretsyo ako sa kwarto ni France.
Binuksan ko ang bag saka kumuha ng isang rolyo ng bulak, isang bote ng alcohol, hydrogen peroxide, iodine at bandage

Pagkatapos ay itinabi ko yung bag doon sa may closet. Hindi ko na ilalabas dahil aalis na din naman kami bukas

Kailangan lang mabawi ni France ang lakas niya

May pumasok sa pinto ng kwarto. Si France, mukhang kakahilamos niya lang pero mukhang naiinis padin siya

Ano kayang problema nito?

"May mga dala akong gamot para sayo pero kumain muna tayo" sabi ko sakanya

"Sabi ko naman sayo dapat nag pasama ka na sakin para hindi lang ikaw ang lakad ng lakad mag isa baka mamaya mapahamak ka pa" sabi niya saka sumandal sa hamba ng pinto

"Walang problema yun sakin. Gusto ko lang na maipahinga mo yang paa mo dahil aalis na tayo dito bukas" sabi ko sakanya saka ako lumabas ng kwarto

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong niya

"Mamaya na natin pag usapan, kumain muna tayo" sabi ko habang bumababa ng hagdan

Sumunod naman siya
Nakaupo na sa sofa si Krish at may tatlong tasa na ng tinimplang kape sa lamesa. May plato pa at nakalagay doon ang mga pandesal

"San ka kumuha ng mga tinapay?" Tanong ni France sa likod ko

"Ah. Nag luto ako sa bakery malapit dito. Kaya mo na bang bumaba? Sorry nakalimutan kita diyan" sabi ko

"Ayos lang kaya ko ng maglakad hindi na gaanong masakit" sabi naman niya

"Umupo na kayo dito napakadami naman nitong niluto mo Zar aabot hanggang mamayang gabi yan eh! Haha" natatawang sabi ni Krishelle na may subong tinapay

"Ayos lang, na miss ko din kasi kumain niyan" sabi ko saka ako umupo sa couch malapit sa pinto

"Patikim nga!" Sabi ni France saka kumuha ng dalawa at kinagat ng sabay

"Oo nga ang sarap ng pandesal mo Zar!" Sabi niya

Masarap talaga ang pandesal ko. Syempre naman hahaha

"Mabuti naman nagustuhan niyo. May tinimplang kape si Krish inumin mo habang mainit pa" sabi ko

Masaya lang kaming nag aalmusal

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon