The good Enemy

40 2 0
                                    




February 06 2015 1:30 pm

Veranda's

"Sir aalis na ang last batch ng mga volunteers" pag re-report saakin ni Bermudez, ang head of security ng Docks.

"Sige Bermudez, ako na ang bahalang mag sabi kay Colonel." Sagot ko saka siya kumuha ng radyo at nag utos.

Nakatayo kami malapit sa isang concrete platform kung saan nakadaong ang di kalakihan na barko na naglalaman ng mga 'volunteers' papunta sa isang isla. Yun ang alam nila

Ito ang unang beses na lilihis sa kurso ang shipment. Yung mga volunteers nitong mga nakaraang linggo ay dinadala sa isang testing facility sa Europe. Ibinababa sila sa port of Thailand kung saan may resistance pa ang Crimson Corp. Doon magkakaroon ng aviation transport deretsyo ng European continent, sa Cyprus kung nasaan ang headquarters ng Crimson Corp.

Pero kasi nitong mga nakaraang araw ay wala na akong natatanggap na mga utos kay boss. Ang buong akala ko lang ay wala akong trabaho sa ngayon, pero kung totoo nga ang sinasabi nung apat na baguhan dito, bumagsak na ang Crimson Corp.

Tumawag pa ako sa Resistance sa Thailand pero mukhang wala na ding tao doon dahil kapag nag offline na ang headquarters, lahat ng branches at sub-branches ay magiging offline na din, mawawala ang lahat ng data doon.  Useless na ang mga laboratory ng Crimson Corp, at ang mga subjects? Malamang patay na silang lahat

Ilang minuto pa ay tuluyan ng umalis ang barko, lulan ang huling batch ng volunteers at yung isang batang nakuha ko sa House 82. Si France, ang sinasabi nilang asawa ni Eleazar, isa sa mga bagong sundalo namin na may kapit kay Vanessa at sa Colonel.

Kung totoong bumagsak na ang Crimson Corp, pagdating nila doon, wala silang aabutan kung hindi isang lugar na puno ngmga zombies.

Hindi ako masamang tao. Kailangan kong gawin ito, alang-alang kina Helena, my wife at kay Sebastian, my brother.

--------------------------------------

Flash back

December 29 2013

Veranda's

"Kuya mag iingat ka doon ha? Lagi kang tatawag saamin" paalala ng bunso kong kapatid si Sebastian, 8 years old palang siya pero dahil wala na ang mga magulang namin ako at si Helena nalang ang kasama niya.

Helena is my wife, kinasal kami last year pero wala pa kaming anak dahil gusto ko munang mag ipon para sa kinabukasan ng pamilya ko. Kaya nga ako tumanggap ng trabaho mula sa isang malaking kumpanya sa Europe, bilang isang laboratory security.

"Lewis, nakaayos na ba ang lahat ng mga gamit mo? Paano ba kasi kayo pupunta doon?" Tanong saakin ni Helena habang inilalagay yung mga gamit ko sa aking maleta

"May private plane kami, doon ako sasakay kasama nung mga na hire, wag kang mag alala maayos ang lahat, at pag balik ko, bubuo na tayo ng sarili nating pamilya" sabi ko at yumakap sakanya

"Ano ka ba, wag mong isipin yun, masaya naman ako na kasama ko kayo ni Sebastian, basta lagi mo lang aalagaan ang sarili mo ha, wag kang magpapagutom doon. Alam ko naman na kahit english kalabaw lang ang kaya mo magiging magaling ka na empleyado  doon bilang ano nga ulit iyon?" Pang aasar niya saakin

Natawa nalang ako sakanya

"Laboratory Security babe, oo ngaaaa oo ngaaaa" Pag papatawa ko sakanya

"Ayan tunog kalabaw ka na din talaga! O sige na sige na baka mahuli kayo sa flight" Sabi niya saka isinara ang maleta ko

Lumabas kaming tatlo sa bahay at doon hinintay namin ang isang taxi. Pag hinto noon sa tapat ay nag paalam na ako sakanila

"Bye Helena, alagaan mo munsa si Seb para saakin ha? I love you"

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon