Reminiscene

114 1 0
                                    

Eleazar's POV
October 15 2014 7:30 am
.
October 22 2014, Binasa ko ang nakalagay sa memorandum ko.
.
First day of class next week
.
"Kuya Zar tara na daw po"
.
Nginitian ko lang ang nakababata kong kapatid saka ko kinuha yung backpack ko at bumaba na rin ako.
.
Sumakay ako sa Van at hinintay sila.
.
"Zar, ang aga-aga naka headphones ka na naman?"
.
"Sorry Mom. Goodmorning" saka ko tinanggal yung headphones ko
.
"Zar! Tulungan mo nga ako rito"
.
Bumaba ako ng Van at tinulungan ko si Dad na i-karga sa compartment ang ibang bagahe
.
We're moving to a new neighborhood
.
May nangyari kasing sunog dito kahapon.
.
Kaya kung mag pa-pa-linga-linga ka, medyo nangingitim pa yung ilang kalsada at kapansin pansin din yung mga bahay na sinunog.
.
Oo. May arsonist. Hindi pa alam kung sino.
.
Mabuti nalang kakauwi ko palang galing school at kasama ko si Avy.

----------------------------------------------------
Flashback: A day ago
October 14 2014 5:00 pm
.
Lumabas ako ng classroom at dumiretsyo na ako sa Elementary department para sunduin ang kapatid ko.

Bit-bit ko pa yung bag ko nang biglang may humaltak sa likuran ko
.
Hindi na ako nag isip. Isa nanaman to sa mga malalaki ang galit sakin
.
Umikot ako at sinapak ko siya ng medyo matinding right hook na nag pa-atras sakanya
.
"Raven. Ano na naman 'to?" tanong ko sakanya
.
"Ikaw. Walanghiya ka!!" saka sya sumugod sakin
.
Hinintay ko syang makalapit at itinaas ko ang kamao ko katapat ng mukha niya kaya nauntog sya dun
.
"Tss. Tanga" tumalikod nalang ako saka naglakad na ulit habang sya ay nakasalampak dun at dumudugo ang nguso
.
Pshh.
Andaming tao?
.
I mean lagi namang madami ang tao dito pero hindi ganon kadami sa usual na pumupunta rito.
.
"Kuya Zar!" nilingon ko lang si Avy at kinawayan ko sya
.
Tumakbo naman sya palapit habang nakasuot sakanya yung purple backpack niya. Katerno ng lacy purple dress niya na hilig niyang isuot. Dagdagan mo pa ng teddy bear na purple din na syang akap-akap naman niya
.
"Kuya bakit ang tagal mo?"
.
"May kinausap kasi ako"
.
"Hmmp. Nakipag away ka nanaman"
.
"Pinakilala ko lang yung kaibigan ko sa kamao ko"
.
"Kaya wala kang girlfriend eh! Napaka brutal mo"
.
"Anong girlfriend? Hoy Avy san mo natutunan yan? Isusumbong kita kay Mommy"
.
"Hindi ko naman sasabihin kay Mommy. Basta wag mo akong isusumbong kay Daddy na nakipag away ako sa canteen"
.
Ayon. Kaya pala medyo madaming tao kanina.
.
"Avy diba sabi ni Daddy masama makipag away?"
.
"Eh bakit ikaw?"
.
"Kasi lalaki ako. Ikaw babae ka. At di maganda sa babae ang nakikipag away. Sige ka pag laki mo wala kang boyfriend"
Banta ko sakanya
.
*Arf arf*
.
Nag pout nalang sya saka sumakay sa kotse
.
"Katunog ng boses ni tootsie yung car mo kuya Zar hihi" sabi pa niya
.
Ewan ko ba kung bakit ganun. Pero hinayaan ko nalang kasi natutuwa din ako sa tunog. Pfft. Hahaha
.
Nag simula na akong mag drive
.
.
Nangulit si Avy mag drive thru kaya napilitan ako.
.
Bago ko pa sabihin kung ano ang oorderin niya, tapos na siyang makipag transact
.
"1pc Fish fillet po ma'am ugraded sa Float ang drinks. And then Salted Caramel Sundae, Apple Pie and Large fries po Ma'am"
.
"Yes ate thank you!!" sabi ni Avy habang tuwang tuwang nilalamutak yung teddy bear nya. Kawawang stuffed toy, wala eh, masayang babae katabi mo mabubugbog ka talaga. Kung ako sya baka naluha na ko haha
.
Tapos binayaran na namin sa window at kinuha namin yung order sa isa pang window
.
"Avy kakainin mo lahat yan?"
.
"Oo! Mashaaaraap kaya lahat to!"
.
Napailing nalang ako.
.
Panigurado 'di niya naman mauubos yan
.
Ilang minuto pa bago kami makapasok sa Subdivision, kinain ko yung sinabi ko
.
Naubos niya. Nakakalat sa kotse yung mga pinag balutan. Hanep na bata may buwaya sa tiyan. May lahi kaya kaming cookie monster?
.
Bakit parang andami ding tao dito?
.
Oh shit!
Bumaba ako ng kotse pagkatapos kong itabi
.
"Avy jan ka lang wag kang bababa!" bilin ko sakanya
.
"San ka pupunta kuya Zar?"
.
"May gulo ata sa banda roon! Basta jan ka lang" saka ko sinara yung pinto
.
May sunog na nangyayari.
.
Tumakbo ako papunta sa bahay pero inabutan ko nalang na kasama na yun sa nasusunog
.
"Eleazar!"
.
"Mom! Dad!"
.
"Nasan si Avy?"

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon