Betrayal (is a literal pain in the ass)

93 2 0
                                    

October 22 2014 12:15 pm
Eleazar's
Kaakyat lang naming dalawa sa bubong pero may mga sumusunod na agad saamin

Kaya naman agad kong kinuha ang leash ni Tootsie at saka ko siya inistrap sa aking dib-dib

Inakay ko yung napilayan saka kami nag mamadaling pumunta doon sa dulo dahil may nakita kaming rope

Baka sakaling magamit namin para makaligtas

"Raaaargh"
Umaakyat padin sila sa hagdanan

"Alam mo ba kung ano sila?" Tanong ko sa akay ko para naman mawala ang atensyon niya sa sakit ng paa niya

"O-Oo. Wala ng ibang m-mas magandang rationale kung hindi ang tawagin silang mga zombie" sagot niya

"Zombie huh" oo nga naman. Pag nakagat ka magiging isa ka sakanila
Pero gaano katagal para mag turn?

Kung nakagat itong akay ko na ito baka delikado ako.

Pero kahit na. Konsensya ko naman ang babagabag saakin kung hindi ko siya tutulungan

"S-Salamat sa pagligtas mo saakin ah"
Wika niya

"Kahit sino naman siguro ang makakita ganun din ang gagawin sa ginawa ko" sambit ko

"Hindi din. Tingnan mo yang si Krishelle. Girlfriend ko yan pero di ko na alam kung totoong mahal niya ako. Hindi ko talaga inasahang bibitawan niya ako kanina"
Wika niya

Narealize ko, depende din naman siguro sa sitwasyon

Kasi syempre babae yun. Baka natakot lang siya sa mga susunod na mangyayari kaya niya iyon nagawa

"Binitawan niya ako kahit kailangan ko ng tulong. Ang sama niya" gigil na sabi niya habang tinitingnan yung girlfriend nya kuno na nauunang mag lakad saamin. Paminsan minsan ay lilingon siya pero parang iba na yung tingin niya sa boyfriend niya kuno

"Eleazar nga pala. Eleazar Vin de la Merced Barameda ang buo kong pangalan. Zar nalang ang itawag mo sakin kung gusto mo" sabi ko sakanya

"France. Yan nalang ang itawag mo sakin. Tutal mukhang hindi naman na tayo magkakasama ng matagal. Alam mo naman ang mangyayari kapag nakagat ka hindi ba?" Malungkot na sabi niya

*arf arf* kumakawag ang buntot ni Tootsie habang nakatingin kay France

"Oh! Mukhang gusto ka ni Tootsie. Wag ka na malungkot. Hindi naman natin iyon sigurado." Turan ko

Ngumiti lang siya ng slight saka tumingin sa likod namin

May mga nakaakyat na sa roof

Sheeete naman

"Now what?! Nandito na tayo sa dulo ang init-init and may mga Zombies pa! Gosh if i knew it was gonna be like this sana nag hintay nalang ako ng rescue sa bahay" maktol niya

"Krishelle right? Pwede mo bang akayin saglit itong boyfriend mo? Para maitali ko iyang rope pababa?" Tanong ko

"Eww! Duh! Naging boyfriend ko siya. And since nakagat na siya he will turn into one of them anytime soon kaya No way!" Maktol niya

"France kaya mo ba tumayo?"

Hindi na siya sumagot, bagkus ay tinanggal niya lang ang pagkakaakbay saakin saka siya nag balanse sa isa niyang paa pero napasaldak lang siya sa bubong

"Aw!" Iritang sabi niya

Natawa nalang ako

Sheete kelangan naming mag madali. Kinuha ko yung rope at sinuri ko iyon

Saan ko ito pwedeng itali para makababa kami? Hmm

Isip Zar isip!

Wala! Walang pwedeng pag talian bukod dun sa malalaking bilog sa roof.

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon