The beginning

87 2 0
                                    

October 22 2014 11:30 am
Eleazar's
Nakatayo padin ako dito

Gahol na kami sa oras pero ok lang nag e-enjoy akong panoorin yung dalawang tao na nakita ko dito

"Umalis na tayo dito malapit na sila!" Sigaw nung babae na nag papapadyak na dun sa doorstep habang umiiyak

"San naman tayo pupunta? Kahit saan naman tayo mag punta mayroong kagaya nila!" Sagot nung lalaki

"Kahit saan basta hindi dito! Ayoko pang mamatay! Ayoko pang mamatay..." sagot nung babae at humikbi na sya habang umaakap sa kasama niya

PDA
Respeto naman may single dito oh

Nakatunganga lang ako dito ng may mapansin akong kakaiba dun sa kanang kanto

Mga anino, madaming anino. Parang may mob na dadaan. Agad akong naalerto. Masama ito

Tumakbo ako pabalik bahala kayo diyan. Mag drama kayo kung gusto niyo kailangan kong makahanap ng ibang daan

Lumingon ako sa likod ko at hindi nga ako nag kamali.

Sandamukal na tao ang lumabas sa kanto. Mayroong mga i-ika-ika at may pilay pero patuloy lang sila sa paglakad

"Ahhhh ayan na sila!!" Sigaw nung babae

"Hoy hintayin mo kami!" Sigaw nung lalaki habang nakaturo sakin

Pfft. Nek nek mo! Ulol sabi ng delikado tayo diyan ayaw niyong umalis bahala kayo

Nag tatakbo lang ako kasama si Tootsie habang nakasunod sila saakin at may mga nakasunod din sakanila. Hindi naman mabibilis kumilos ang mga taong iyon pero napakarami naman nila

Gaano kadami? Aba ewan ko! Bibilangin ko pa ba?! Basta madami!

Nakikita ko na yung drinking fountain kanina

Hindi ako pwedeng tumakbo paakyat nanaman sa slope siguradong mauubusan ako ng stamina mas delikado

Agad akong lumiko pakanan papunta sa market at dun ako nag tatakbo

"Sinabi ng hintayin mo kami eh!" Sigaw nung lalaki habang hawak-hawak yung kamay nung babaeng kasama niya

Parehas silang humahabol naman saakin. Aba gwapo kong to attracted both sexes?! Jk

Hinihingal na ako, pati si Tootsie nag pa-pant na din.

Dumiretsyo pa ako at ng makakita ako ng hagdan, umakyat ako

Palengke ito both 1st and 2nd floor. Pag akyat ko, agad akong nag tago sa isang estante ng mga medyas habang akap-akap yung tuta kong mukhang aso

Mula dito, kitang kita ko yung kalsada at yung crossing.

Ayan na, nakikita ko na yung dalawa

Mukhang pagod na din sila dahil bumagal sila ng bahagya sa pagtakbo

Kala niyo ah. Mukhang nag tataka sila kung san ako pumunta. Kanya kanyang taguan yan bahala kayo sa buhay niyo malalaki na kayo

Kung responsable kana at sa tingin mo pwede ka ng mag jowa dapat alam mo ang tama at maling desisyon pero lagi mong i-aayon sa nararapat na sitwasyon. Ano daw?

Pero hanga naman ako sakanila dahil mukhang nakatakas sila dun sa mob haha

Nag palinga-linga yung lalaki at nakita ang hagdan

Concrete kasi itong hagdan oo, malaki sya tapos pwedeng mag tago sa 2nd floor para di ka mapansin nung mga nasa ibaba, oo mukhang pareho kami ng inisip

Agad silang dumiretsyo sa hagdan at umakyat

Swerte namang nakaakyat sila bago nakaliko sa kanto yung mob

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon