The big night

45 1 0
                                    

October 27 2014 3:00 am

Eleazar's

Bumangon na ako. Gaya ng sinabi ko mag uusap kami. Madilim dito, pero hindi kami puwedeng mag bukas ng ilaw baka magising si France

Bumangon ako at lumabas ng kwarto ko. Una ko ng gigisingin si Vincent

Pag tapat ko sa kwarto niya ay pinihit ko ang seradura

Hindi naman dito natulog si Rave kaya sigurado akong ligtas ang pumasok dito

Pag pasok ko ay inabutan ko na si Vincent na nakaupo at nag uunat

"Good morning" bati ko sakanya

"Saglit lang mag hihilamos pa ako" sabi niya saka pumasok sa Cr

Pag labas niya ay nag punta kami sa tapat ng kwarto ni Rave

"Gisingin mo na yang asawa mo pupuntahan ko si Krishelle" bulong ko

Tumalikod na ako saka ko pinihit yung seradura ng pinto ni Krish

Pumasok ako at saka ko pinuntahan yung kama

Magkatabi yung dalawang bata at si Krishelle ay nandun sa dulo kaya nag lakad pa ako ng kaunti

"Krishelle, Krishelle gumising ka kailangan nating mag usap" bulong ko habang kinakalabit ko siya sa ulo

"Hmmm? Zar? Ay oo nga pala. Susunod nalang ako" sabi niya saka bumangon

Lumabas nalang ako ng kwarto at inabutan ko na yung dalawa sa sala

"Hintayin natin si Krish. Lalabas tayo dito para makapag usap tayo ng maayos" sabi ko sakanila

"Ano ba ang plano mo?" Tanong ni Vincent

"Mag pro-propose ka din ba?" Tanong ni Rave

"Hindi. Basta siguro pwede!" Naguguluhang sagot ko

"Ha? Ano? Akala ko ba may plano ka na?" Tanong ni Vincent

"Meron pero di pa pulido eh" sagot ko

Ano nga ba ang gagawin ko?

"Ako may plano na para sayo" nakangiting sabi ni Vincent

Hmm pano ko nalaman? Ala lang feeling ko lang nakangiti siya 😑

"Good morning guys ano na?" Sabi ni Krish

"Tara labas tayo" sabi ko sakanila saka kami nag punta doon sa kusina

Lumabas ako papunta sa greenhouse at sumunod lang sila. Dumiretsyo pa ako saka ko sila dinala sa may benches sa baba ng tree house

Maliwanag naman doon dahil sa ilaw ng greenhouse

"Vincent ano yung plano mo?" Tanong ko sakanya

"Sa tingin ko, kailangan nating mag bihis" sabi niya

"Syempre naman kailangan natin mag bihis! Unless beach wedding ang gagawin mo Zar" sabi ni Krishelle

"W-Wedding?" Gulat na tanong ko

"Yes! Ayaw mo bang pakasalan si France?" Sabi ni Krish

"Don't worry Zar, kung proposal lang ang iniisip mo ayos lang, kami na ang bahala sa kasal mo" natatawang sabi ni Vincent

Ako? Ikakasal na kay France? What?!

Hindi naman sa ayoko pero pano kung tumanggi siya?!
H-Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung mangyari iyon

"Ano ba ang iniisip mo kinakabahan ka ba?" Tanong ni Krish

"Pano kung hindi siya pumayag?" Nag aalalang tanong ko

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon