The last stand

38 1 0
                                    




February 07 2015 8:00 am

France's

"Bumabalik dito yung halimaw! Anong gagawin natin?!" Sigaw ni Mang Nestor na nakatanaw sa isang malayong kalsada


"Bakit?! Mamamatay tayong lahat dito!!!!" sigaw naman nung babae


Imposible, malayo na siya saamin kanina, bakit siya bumabalik?!

Nakikita ko ang halimaw, malapit na siya sa mismong entrance ng port at mabilis ang kanyang pagtakbo palapit saamin


"Bumaba kayo sa kabilang bahagi ng pader bilis!" Agad na utos ko sakanila


Sumunod naman silang lahat kahit halata ang kaba at yung iba ay nag pa-panic na

Hindi ko naman sila masisisi kung natatakot silang mamatay.


Oo, nakakatakot ang mamatay, lalo na kung alam mong meron kang maiiwan pero ang mamatay ng dahil sa halimaw na ito? Ni hindi ko lubos maisip ang magiging pakiramdam.


Napanaginipan ko na minsan ang halimaw na ito, at sa panaginip ko ay napatay niya si Eleazar, nanumbalik saakin ang dam-damin ko noong gabing iyon.

Takot, lungkot, pangungulila. Hindi ko na ba talaga makikitang muli si Eleazar?


*ROOOOOAAAAAR*

Halos tumindig ang lahat ng balahibo ko sa katawan ng marinig ko ang nakakapanindig balahibong ungol ng halimaw

Napakalakas nito at halos mayanig ang puwesto namin dahil lang doon.


Pababa na ako sa kabilang dako ng pader. Yung mga kasama ko ay nasa ibaba na at tumatakbo palayo kahit may mangilan-ngilang zombies sa ibaba ay hindi sila natatakot.

Dahil mas nakakatakot ang humahabol saamin sa kabilang dako ng pader



Nakikita ko na siya sa malapit. Nanlilisik ang kanyang nangingitim na mga mata, patuloy padin ang pag agos ng dugo sa kanyang bibig dahil sa masyadong matatalas na ngipin.


*HOOOOOOOOONK!!!!!!!* Isang busina ng truck naman ngayon ang narinig ko

Sa exit ng port ay may isang ten wheeler truck ang mabilis na umaandar

Derederetsyo ito at mukhang sasalpukin ang halimaw



*HOOOOOONK!!!!*

Isang busina pa ang narinig ko

*ROOOOOOARRR* inibabawan naman iyon ng ungol ng halimaw bago

*BLAAAG!*

bago ito salpukin ng truck

Sa sobrang lakas ng impact ay nawasak ang harapan ng truck at tumumba ang halimaw matapos itong araruhin ng ilang metro


Tumigil ang truck at ang halimaw malapit mismo sa daungan, hindi sila malalag-lag sa tubigan


*Rooooaaar* Isang mahinang ungol ang pinakawalan ng halimaw. Buhay pa ito at gumagalaw!


*Tugsh!* Pabalang na bumukas ang pinto ng truck at lumabas doon ang isang babae

May itsura naman siya ngunit parang may edad na, mga nasa mid 30's nadin siguro


Pag-baba niya mula sa sinasakyan ay lumingon pa siya saakin

Nakasuot siya ng isang itim na sunglass, naka pony-tail ang mahaba niyang buhok, nakasuot siya ng maong na vest at puting t-shirt na puro mantsya na, tinernohan naman ito ng maong na ripped jeans at itim na boots.


Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon