Merry Christmas and a Happy New Year! (NOT!)

35 3 0
                                    

December 24 2014 9:00 pm

France's

"France? Let's go para makapag prepare tayo for christmas eve omigod i'm so ready! I'm pretty in this dress kaya let's go na!"
Hindi ko na kailangang sabihin kung sino yan

Naka t-shirt lang ako at black jeans. Kay Zar ang mga damit na ito. Sobrang na mi-miss ko lang siya

Nasa dib-dib ko lang yung sing-sing. Nag mistula iyong pendant na nakalawit mula sa maliit na kwintas na binigay saakin ng lola ko

Ang dalawang tao na pinahalagahan ko ng sobra. Pucha! Ayoko nang umiyak! Ilang oras nalang pasko na pero mukha akong a-attend ng
pabasa sa senakulo! Pang biyernes santo ang itsura ko eh!

Pero kahit ngayong gabi lang gusto kong kalimutan muna ang nararamdaman ko

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kama saka ako lumabas ng aking kwarto

Nasa sala sila Krishelle at yung dalawang lovebirds

Halata padin sa mukha ni Vincent ang lungkot. Mukhang umiyak siya kanina.

And may isa pang lalaki, nakatayo siya sa tabi ni Krishelle

"Sino naman yan?" Tanong ko

"Why my dear ex nag seselos ka ba?"

"Sipain kaya kita Krishelle ng makita mo ang hinahanap mo?"

"Omigod France joke lang naman! I told you about Christian right? Well, here he is! Tada!!! He'll be my date for tonight!"

"Christmas eve kailangan mo ng date Krish?"

"Ano ka ba papa Benson wag ka ng umangal ikaw din naman may date ah!"
Sabay turo niya kay Vincent

"Ano sa tingin mo Zar? Mukhang lalanggamin 'tong apat na panget na ito ah?"

Natigilan naman sila at tiningnan lang nila ako

Ipinakita ko naman sila yung kwintas ko

"Pakiramdam ko kasi na nandito lang si Zar kapag suot ko 'to wag na kayo mag reklamo" saka ko sila nginitian

Mahirap na, nanggigilid nanaman ang mga luha ko

Ilang buwan ba kaming nagkasama ni Zar? Bakit parang kilala ko na siya buong buhay ko? Bakit pareho ang pakiramdam ko noong namatay si lola? Ganoon siguro talaga kapag nag mahal tayo ng todo

Kapag naiwan tayo, siguradong tayo lang din ang masasaktan

Lumabas kami ng bahay at halos mabigla ako sa ganda ng paligid

Walang ulap ang kalangitan at sobrang dami ng bituin. Maliwanag na maliwanag ang tanglaw ng buwan at sobrang daming mga palamuti ang nakasabit sa mga poste

Pakiramdam ko normal lang ang lahat. Pinipilit naming maging normal kahit alam naming maaring hindi na bumalik ang lahat sa dati

Nakasabay na din namin sa pag lalakad ang mga tao na papunta ngayon sa clearing

Doon ginaganap ang mga announcements or in this case, isang gathering

Napalingon naman ako sa masayang mag anak na kasabay namin sa pag lalakad

Siya yung sundalong sinasabi ni Vincent na dapat gagawa ng suicide mission

Nagkasalubong kami ng tingin kaya agad akong ngumiti para iparating sakanya na wala akong hinanakit sakanya

Mukha namang na ginhawaan siya dahil nakuha niya agad ang gusto kong iparating

Kilik-kilik niya ang isang sanggol na lalaki. Eleazar Vin ang pangalan nito

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon