Safe (for now)

75 1 0
                                    

October 22 2014 12:50 pm
Eleazar's
Naka pamaywang si Krish at nakataas ang kilay na nakatingin kay France

Ahitin ko kaya isang kilay nito? Ay wag pala baka magalit hindi ako bigyan ng bobby pin

Kung sabagay hindi naman ako nag papaalam kapag kinukuha ko

Hindi ko siya pinansin at iniupo ko muna sa couch si Zar

"Diyan ka muna titingnan ko lang yung labas" sabi ko saka ako nag tungo sa may bintana

Inangat ko yung kurtina at muntik na akong mapa tumbling dahil nakaliko na yung mga zombies papunta rito

Hindi naman nila kami nakikita diba? But we need to minimize the sound and lights

Hindi ko alam kung gaano kami katagal mag hihintay dito pero kailangan namin ng matutuluyan

Kung totoong bulag sila sa gabi, makakatakas kami dito, at iyon ang pinakamabisang plano para makaalis sa lugar na ito

Medyo maluwang ang bahay na ito

Nandito kami sa sala na part, merong carpet at nakalagay sa ibabaw ang couch at sa may haligi ay nakasandal ang sofa

Mukhang maintained ang bahay dahil mukha itong luma pero napaka modern ng interior

Nakatalikod ako sa pinto. Nasa kaliwa ko ang couch at nasa kanan ko ang hagdan, although kailangan pang lumakad ng kaunti para makarating ka sa steps dahil nakatalikod yung pwesto ng hagdan sa may pintuan

Sa gitna ng sala ay may maliit na lamesa, mayroon itong rack sa ilalim na may mga diyaryo and magazines

Siguro ay matanda na ang nakatira dito, maaring ancestral house itong napasok namin

May divider sa pagitan ng sala at kusina. Agad akong nag lakad papunta doon at tiningnan ko yung lababo

Mayroong faucet doon.

Who knows baka may supply pa ng tubig

Binuksan ko yung faucet at natuwa naman ako dahil mayroong tubig

Mayroong pinto sa kanang bahagi ng lababo, hindi ko na pinansin, malamang backdoor iyon pero naka lock naman.

Kumuha ako ng baso at pinuno ko ng tubig

Bumalik ako sa sala at inangat ko talaga yung kurtina

"What the?!" Sigaw ni Krish

"Shhh! Tanga wag kang maingay" sagot ko sakanya

"Ikaw ang tanga bat mo inaangat yan? Makikita nila tayo" sabi niya

"Relax, kunin mo yung mga diyaryo sa ilalim ng table bilis!" Utos ko

Kumunot man ang noo niya sumunod naman siya sa utos ko

Pag kakuha niya ay nag lakad siya palapit pero napahinto siya sa tapat ni France

Tiningnan niya ito saka nag roll eyes

Hay. Bahala kayo

Tumuloy naman siya sa paglakad at inabot ang mga diyaryo

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon