Touch down

37 2 0
                                    




February 06 2015 8:30 am

Eleazar's

Halos isang buwan na din ang nag daan. Muntik ko ng makalimutang may mga zombies pa.

Nandito kami sa isla, ligtas at kasama ko pa ang pamilya ko. Ang swerte ko diba?

Maliwanag na sa labas pero nakahiga padin ako dito sa kwarto namin ni France.

Nakayakap lang siya saakin at mahinbing padin ang tulog.

Kung siya lang din ang makikita ko pag gising ko wala na akong ibang hihilingin pa.

Pero napaka selfish ko naman kung ganoon. Gusto ko ng bumalik sa normal ang mundo

Nalaman ko din na naisama sa isang construction project ang parents ni Krish, hindi pa sila nakakabalik

Ang parents ko nandito lang, may sakit daw sa liver si daddy at malala na daw kaya lagi kaming nakabantay sa mga kinakain niya para bumuti ang kundisyon niya

Pero sa tingin ko wala naman siyang sakit eh, pero yun kasi ang sabi ni Vincent na resulta ng medical exam niya nung sinubukan niyang mag volunteer para sa construction ng isang bagong sanctuary

"Good morning hon"

Nakatingin lang ako sa mga mata ni France. Nakangiti siya saakin at naramdaman kong bumilis ang kabog ng dib-dib ko

"Good morning din hon" binati ko lang siya bilang sagot.

"Breakfast na tayo?" Tanong niya sakin at sinubukan niyang tumayo pero hinila ko lang siya at niyakap

"Mamaya na matulog pa tayo" gustong gusto ko talagang gawin ito sakanya tuwing umaga at hindi ako nag sasawa

"Ayan ka nanaman eh tapos mamaya tulog ka nanaman, after lunch na ang gising mo. Baka pagalitan ka ni mommy pag napadalas ang oversleeping mo"

"Masama ba matulog ha France?" Biro ko sakanya

"Hindi, pero masama pag sobra Zar" at talagang gumanti siya

Bumangon siya pero mas nilakasan ko na ang pag hila para mahigpitan ko pa ang yakap ko

"Five minutes pa please?" Hindi niya naman ako kayang tanggihan eh

"Five minutes lang ha? sige" sabi niya at yumakap ulit saakin

"Kung ganito lang tayo araw-araw ayos na sakin na mabuhay ng ganito hanggang sa tumanda tayo at ma dedo" natatawang sabi niya

"Ayaw mo bang bumalik sa dati mong buhay?"

"Alin? Council President? Ayoko hindi kita makikita dun pfft!"

"Mag katabi lang naman ang guidance office saka yung student council office ah"

"Iba pa din yun." Maktol niya

"Eh ayaw mo bang ikasal sa simbahan? Mag karoon ng mga anak kasama ko?"
I really want what's best for him

"Hindi ka pa din talaga sumusuko diyan? Ok lang sakin basta mag kasama tayo pero kung babalik sa dati ang lahat, eh di maganda! Maayos pero ang gusto ko, lagi ka lang nasa tabi ko ok?"

"Ang sweet talaga ng asawa ko kinilig ako ah"

"Ako pa ba?" Natatawang sagot niya

*knock knock*
Napukaw ang atensyon namin ng mga pag katok sa pinto ng kwarto

"Lovebirds tama na yan! Breakfast na may pag uusapan tayo!" Boses ng pinsan kong abnoy

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon