Survivor's Base

44 0 0
                                    

February 07 2015 1:00 pm

France's

*Screeeach!*

Huminto ang bus sa tapat ng isang building.

Kitang kita ang ganda ng lugar kahit halata ang mga damages na nangyari.

Kataka-takang walang zombies dito sa paligid.

May mangilan-ngilang tao ang lumabas sa harap ng building at sumesenyas sa driver namin


"France baba na tayo, dadalin itong bus doon sa ginawa naming parking lot" paliwanag ni Ate Helena bago sila lumabas ni Seb.

Nagsitayuan nadin naman yung mga kasama namin dito at bumaba na nga kami.



Sumunod lang kami sakanila. Kinausap lang saglit ni ate Helena yung mga bantay at saka kami tinuro. Mukhang wala namang problema dahil nag ok-sign lang sila at inaya na kaming pumasok


Napapaligiran kami ng malalaking establishments, mukhang ito ang Capital nila. May hagdan pa kaming dadaanan bago makarating sa mismong entrance ng building


Ang mga glass doors nito ay napapalibutan ng mga bangkuan at lamesa para hindi malapitan ng mga zombies.


Dire-diretsyo kami sa loob ng building at sa loob? Nakatayo ang mga tents, may 20+ na tents lang din siguro ang nandito. Kakaunti nalang sila, pero yung ibang tents ay wala namang mga laman.


Baka yung mga tao dun yung sinasabi ni ate Helena na nawawala noong nagkaroon sila ng supply run.


Naalala ko tuloy si Zar, isa pang mahilig mag supply run ng mag-isa. Lagi kaming pinag aalala ni Krishelle noong mag kakasama pa kami


"France, doon nalang muna kayo tumuloy ng mga kasama niyo sa mga tent sa gawing kanan, mag tatayo nalang ulit kami ng ibang tent para may matuluyan yung mga kasama namin na i re-rescue bukas." turo niya doon sa mga tent


"Sige ate Helena salamat." Sagot ko sakanya bago namin tinungo yung mga tents


"Sige, kapag may mga kailangan kayo mag sabi ka lang ha? Ikaw na muna ang bahala sa mga kasama mo, dadalhan nalang namin kayo ng makakain at inumin pamaya-maya" pahabol niya bago siya tumalikod at naglakad papunta doon sa kabilang bahagi ng building kasama si Seb


"France hijo, mag pahinga ka na muna, mukhang napagod ka sa biyahe ah?" Tanong ni mang Nestor


"Ayos lang ho ako, kayo ho baka napagod kayo lalo na at naglakad pa ho tayo kanina. Dito ho kayo sa tent na ito para makapag pahinga kayo" Sagot ko


"Sige hijo, pag napagod ka mag pahinga ka ha? Wag mong papagurin ang sarili mo, mukhang may lalakarin kayo bukas" Sabi niya


"Wag ho kayong mag alala, sige ho pumasok na kayo mag papahinga nadin naman ho ako maya-maya" Sagot ko bago siya pumasok sa tent


Pinagmasdan ko lang ang paligid...

Maayos naman ang building, mukha pading malinis, spacious at feeling ko naman ligtas kami dito.


Naglakad lang ako papunta doon sa ibang survivors dito. Pinagtitinginan kasi nila kami. Well okay lang naman kasi nakangiti naman silang lahat at mukhang mababait naman sila. Harmless... pero di kasi ako sanay ng may nakatitig saakin

*Cough cough!* Napansin ko lang yung isang babae na kasama namin kanina na umuubo

Parang nahihirapan siyang huminga at tuloy-tuloy siya sa pag ubo kaya siguradong masakit na ang lalamunan niya


Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon