Hide and seek

50 1 0
                                    

October 25 2014 6:50 pm

Vincent's

"Ano nangyari dun?" Tanong ko kay Krish

Nag shrug lang siya saka binigyan ng pagkain yung aso

Ano kaya ang sinabi ni Vin sakanya? Akala ko ba tatanggapin niya na si France? Ang gulo nila

"Hey kids! Sabi ni ate Krish niyo galing kayo sa waterfalls kanina? Nag enjoy ba kayo?"
Agad na pag sali ko sakanila sa kusina

"Opo kuya!" Sabi ni Ivan. Hmm. Mag kahawig si Vin saka itong si Ivan nung bata pa kami.

"And alam mo ba kuya may powers din si ate Krish?!" Manghang tanong nung bata

Powers? Anong powers?

"Ha? Powers? As in kapangyarihan powers?" Tanong ko

"Opo! Yung kagandahan niya! Buti nalang pareho kaming maganda diba ate Krish?"
Masayang sabi ni Krissy

"Oh yes baby girl! Pag wala si papa Vincent tawagin mo akong ate pero pag nandyan siya kailangan mommy ang tawag mo saakin okay?"

"Ang gulo niyo naman ate Krish eh. Pano ka naman naging mommy at ate at the same time? Ate sa umaga mamita sa gabi?" Agad na hirit ni Ivan

Pffft. Ano daw?! Mamita?!

"Hay nako Ivan ikaw talaga ang cute cute mo! Anyway papa Vincent kumain ka na ha para tumalab ang powers ko sayo!" Biro niya

Hindi ko maiwasang hindi mailang but for the sake of fun, nakitawa nalang ako sa mga bata

Mas ayos na ito tutal mukhang kami kami lang ang mag kakasama atleast for now

*creeak*
Napatingin kami dun sa pinto sa kusina at pumasok si Vin-Vin na mukhang nalugi

"Anong nangyare Zar? Anong sinabi niya sayo? Bakit parang mukha kang friday the 13th?" Bungad ni Krish

Umupo siya dito sa katapat na bangko at sumandok ng pagkain

"Sinabi ko kasi na magiging mabuting ama siya"

"Oh? Bakit nag away kayo? Hindi ba good thing yun?" Tanong ko

"Feeling ko hindi lang yun ang sinabi mo eh" sabat ni Krish

"Sinabi ko din na kapag naging kami nga, hindi niya mararanasan maging tatay at ayoko namang kuhanin sakanya yun" paliwanag niya

"Ayun, kaya nagalit. Tinanong mo ba siya kung ano ang gusto niya ha Vin?"

"Yes Zar, alam mo bang mukhang head over heels na sayo yung Ex ko na yun?"

Mag ex sila? Strange, buti di awkward? Kala ko joke lang ni Krish yun nung una palang

"Syempre mga bata pa naman kami at ayoko lang namang mag madali, but i really want to make this worthwhile kasi iba na ang mundo, ang he may be the last person to love me but still hindi ko maiwasan na mag isip na baka mas maganda ang future niya kung hindi ako ang makakatuluyan niya diba? Mali ba ako?"

Mahabang pag lilinaw ang narinig namin sakanya

Haay. Si Vin talaga

"Hindi ka mali Vin, pero hindi ka din manghuhula" sabi ni Krish

"Ate what's manghuhula?"
Tanong ni Krissy

"Do you know hoolahoop?" Tanong niya sa bata

Jeez. Krishelle and her jokes

"Yes po ate why?"

"The one doing the hoolahoop is the mang huhula get it? Hoolahoop, manghuhula gets?"

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon