The last search

34 1 0
                                    

October 30 2014 5:30 pm

Eleazar's
Ang kulit talaga ni France

Nakaakap lang sakin kahit basang basa siya
Eh ano pa nga ba eh parehas naman kaming pagod kaya di na ako nag reklamo

"Zar na miss kita" bigla niyang sabi

Uminit ang pakiramdam ko lalo pa ng dumikit na talaga siya saakin

Clingy ba talaga siya o dahil na miss niya daw ako?

"France. Pasensya ka na sa kanina, masyado lang akong nadala ng pag a-alala sainyo di ko na uulitin yun ok?" Sagot ko sakanya

"Zar na mi-miss na kita nasan ka na ba?" Sabi niya

Nananaginip ba to?

Malamang nakatulog na pero basang basa siya baka magkasakit pa ito eh mahirap na

Si Rave pilay baka lagnatin pa itong si France

Kinalas ko ang pag kakahawak niya saakin saka ako tumayo

"Hmmfff" umayos lang siya ng higa ng makatayo ako

Haay. Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng mga damit niya sa kwarto niya ng masalubong ko sila

"Uy Vin-Vin galit ka ba?" Agad na tanong ni Vincent

"Ah, hindi hindi nainis lang ako, bakit ba kasi ang tagal niyo?" Tanong ko sakanya

"Benson upo ka muna dito sa couch. Nag hanap pa kasi kami sa mga malalapit na isla doon, sinubukan naming hanapin yung bangka na nakita ni France pero wala kaming nakita. Natusok pa nga ng sea urchin yang si France eh"

Ah kaya pala ang tagal

Kaya pala parang mainit si France, akala ko ako yung mainit natusok pala siya ng sea urchin

"Ano?!" Tanong ko sakanya na ikinagulat niya

"K-kaninang umaga kasi habang binababa namin yung bangka sa laot natusok siya ng sea urchin pero sabi niya ok lang naman daw kaya lang nung pabalik na kami ng hapon eh iba na ang pakiramdam niya kaya binilisan ko na talaga yung pag lalayag" sabi niya

"Bat di mo naman sinabi agad? Nag attitude pa tuloy ako kanina imbis na alagaan si France"

"Uyy Vin-Vin worried hahaha" natatawang sabi niya

"Hehe worried ka diyan. Asikasuhin mo yang asawa mo bahala ka pagalingin mo yang pilay niyan" sabi ko sakanya saka ako pumasok sa kwarto ni France

"Papa Vincent kumain ka muna dito bago mo alagaan yan baka mag kasakit ka din tatlo na kayong aalagaan namin pag nagkataon" tili ni Krish sa kusina

Binuksan ko lang yung mga drawer at kumuha ako ng isang damit at jogging pants

P-pero wala akong makitang underwear.

W-wala ba siyang ginagamit na underwear?! As in brief or boxer?! Underwear!!!

Ah, kung sabagay ako din naman wala akong nagagamit kasi wala naman akong nakuhang underwear din hehe

Hayaan na nga!

Lumabas lang ako ng kwarto niya

"Krishelle may natira pa bang pag kain diyan?" Tanong ko sakanya

"Meron pa ito oh kunin mo nalang hinanda ko na din kasi para kay France" sabi niya

Pumunta ako sa kusina saka ko kinuha yung bowl

"Salamat Krishelle. Sige papakainin ko lang si France, papasok na muna ako" paalam ko sakanila

"Ah Vin-Vin, wag masyadong maingay ha mag papahinga na din kami mamaya" natatawang sabi ng ungas kong pinsan

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon