Unravelling the Truth

37 2 0
                                    




February 06 2015 11:30 am

France's

Nakaupo kaming lahat dito sa sala.

Kaming lima at yung apat na survivors na nirescue daw. Nakahain sa table ng sala ang ilang inihaw na isda at vegetable salad na gawa ni Krishelle.

Magandang ideya daw kasi na imbitahin sila dito for lunch dahil may mga gusto ding itanong si Vincent at kailangan namin ng sagot sa lalong madaling panahon.

Pero hindi ko naman inaasahan na magiging ganito ka awkward. Ipinakilala naman sila saamin ni Krishelle, si Clauden yung pinaka leader nila, si Emman yung pinakamalaki, si Derick yung laging nakasunod doon kay Clark na lagi namang naka sunod kay Emman, guees who kung sino naman yung sinusundan ni Emman

Para silang train.

"Kumain muna tayo?" yaya ni Vincent at nag simula na siyang mag bigay ng mga plates

Tinaggap naman iyon ng aming mga bisita, at kumuha na din kami ng kaniya-kaniya naming pagkain.

"So sino ang leader niyo dito?" Tanong ni Clauden pagkatapos niyang umupo at sumubo ng maliit na serving ng isda.

Nakatingin lang siya saamin na parang hinahanap niya nga yung tinatawag naming leader

"Ahm, wala naman kaming mga ganung titolo pero kung sa pinakamadaming ambag sa survival ang usapan that would be my cousin Eleazar here."Sagot ni Vincent at tinuro si Eleazar sa tabi ko

"Gaano na kayo katagal dito?" Tanong naman ni Emman

"Almost three months na din" Sagot ni Vincent

Bahala na siyang makipag usap sa mga iyan tutal sakanya namang ideya ang lahat ng ito.

"Kayo? Gaano na kayo katagal sa labas?" tanong ni Vincent

"4 months pero hindi kami nanatili sa iisang lugar lang dahil masyado kaming madami noong simula" Sagot ni Emman

"Pasensya na, ikinalulungkot naming malaman ang sinapit ng mga kasama ninyo"

Hindi naman na sila sumagot. Tumahimik ang paligid pero ramdam ang lungkot na bumabalot sa hangin

"So, papaano kayo napunta sa Europe? at anong alam ninyo tungkol sa Crimson Corp?" Diretsyong tanong ni Zar

"Papaano niyo nalaman ang tungkol doon?" agad na sagot sakanya ni Clauden

Napalitan bigla ang atmosphere. Namumuo ang tensyon sa pag babanggaan ng mga tingin nila

"Komplikado ang sitwasyon, hindi namin pwedeng sabihin kung papaano dahil wala kaming tiwala sainyo" paliwanag ni Eleazar

"Parehas lang tayong walang tiwala sa isa't-isa pero kung gusto mo ng mga kasagutan kailangan mong sagutin ang lahat ng tanong ko, isa pa, kami ang nagpabagsak sa Crimson Corp. Mas madami kaming nalalaman tungklol sa infection kaysa sainyo, ayaw niyo bang malaman ang mga sikreto?" mapanlansing tanong ng leader nila

Isa siyang babae pero kahanga hanga ang porma niya, waring may lumalabas na nakakatakot na aura sa paligid niya, ang mga tingin niya ay matatalim na parang ano mang oras ay nakahanda siyang sumalakay at bawiin ang iyong buhay. Hindi tamang banggain ang isang gaya niya.

"Alam naming sinadya ang lahat ng nangyayari na ito. Bukod sa mga failed experiments sa Europe at sa pagkalat ng virus wala na kaming ibang alam kung hindi ang nag aabang na panganib dito sa isla na ito at sa mga taong nakatira dito" sagot ni Zar.

"Panganib? Dito sa loob ng isla? Iyon ba ang dahilan kung bakit kakaunti lang ang mga tao dito?"

"Madami kami dito nung simula, 150 na katao ang nakatira dito pero dahil kailangan ng mga volunteers paunti kami ng paunti. Dinadala sila sa isang isla na hindi namin alam kung saan para gumawa ng bagong sanctuary, ang iba ay ni re-recruit ng mga sundalo para bumalik sa mainland pero hindi lahat ay nakakabalik dito sa camp 3" Sagot niya. Tinapik ko lang siya sa balikat. Mahirap para kay Eleazar ang mga nangyayari dahil isa din siya sa mga muntik ng hindi makabalik dito

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon