The ring

35 1 0
                                    

November 04 2014 5:30 am
Vincent's

"Hey sakay ka na para makabalik na tayo" sabi ni Ms Vanessa habang nag aayos ng gamit nya sa speed boat

"Ms. Vanessa pwede po ba akong mag paiwan dito?" Hindi ko pa alam ang sasabihin ko sakanila

"No. Kinausap ko na si daddy, you stayed here yesterday pero kailangan mo ding bumalik sa camp 3"

"Paano po kaya kung mag sundalo ako?" Baka sakali lang, makabalik kami doon. Papatayin ko ang kasumpa sumpang halimaw na iyon o ako ang mapapatay niya

"Unfortunately under maintenance ang boats, low tayo sa equipments kaya matatagalan ang susunod na rescue maybe more but not less than a month" sabi niya saka binuhay ang makina

*vrooooom*

"Eh di mag tra-training po ako Ms. Vanessa"

"Alam ko ang nararamdaman mo kid. I've felt like that too when we lose mom in a rescue. Nadadala ka pa ng emotions mo dahil sa nangyari, at sabi din ni dad hindi ka na muna sasabak sa rescue missions or kahit anong training, not until maka recover ka" paliwanag nya

Hinihintay niya lang akong sumakay.
Kinapa ko pa ang sing-sing sa chest pocket ko. Vin, i'm sorry kung wala akong nagawa para tulungan ka

"And besides babalik na din yung ibang soldiers even Sir Romualdo, mag re retire na sya diba. Mag kakaroon ng gathering sa camp 3 para parangalan kayo dahil sa rescue, and to give honor to the fallen soldiers"

"H-Hindi pwede Ms Vanessa!" Namaywang lang siya at bumagsak sa platform ang mga dala niya saka ako tinaasan ng kilay. Nakakatakot siya, mas nakakatakot kaysa kay Krishelle

"What's the point of hiding your best friend's death? Can you atleast give him some credit by joining the ceremony? Parangalan mo siya, ikaw ang kasama niya na nag punta dito diba"

Sila tita, siguradong malulungkot sila kapag nangyari iyon

Alam naman nilang wala na si Vin pero, pano sila France?

"By the way nasa Camp 3 pa ang boyfriend mo diba? May pilay sya and he needs you to come back. So stop being stubborn and hop on"

Si Benson nga pala. Baka nag aalala na sakin

Tinulungan ko lang si Ms Vanessa na pulutin yung mga gamit. Nag lakad ako sa platform saka ako tumungtong sa speed boat

Naupo ako doon saka agad na pinaandar ni Ms Vanessa ang makina

Mabilis ang takbo namin, mahangin at hindi pa masakit sa balat ang sinag ng araw

Nakasunod lang saamin yung ibang speedboats, may gathering nga pala, one way or another malalaman din nila

Mas maganda na saakin na manggaling kaysa naman malaman nila sa iba

Pero pupunta muna ako kila tita

Halos kalahating oras kaming nasa tubigan at padaong palang kami ngayon

May mga ibang bangka pa rito, malamang nandito na ang mga taga Camp 2 para sa binibigay nilang rations

Dumaong kami sa spot ng boat ni Ms Vanessa saka ko siya tinulungan mag baba ng mga gamit

"Salamat, okay na ako dito, sige na umuwi ka na muna hindi ka daw natulog kagabi" sabi niya habang sinusukbit ang kanyang bag

"Sige Ms Vanessa salamat po"
Tumalikod ako at nag lakad paalis

"I'm really sorry about what happened Vincent. But you should be proud to have a friend like him." Pahabol niya bago ako nakalayo

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon