Camp 3

36 1 0
                                    

November 1 2014 3:30 pm
Eleazar's
Pagkatapos namin silang hintayin dito ay muli kaming naglayag

Halos 30 minutes na kami sa dagat kaya malapit na kami sa Camp 3 na sinasabi nila

And Camp 3 ay ang pinaka dulong isla, nakapagitan ang Camp 2 dito at nasa kabilang dulo naman ang Camp 1. Nag lalakihan ang mga isla na ito ngunit malalayo kaya hindi namin naisip na ang mga ito ang unahing puntahan

"Mga bata! Nandito na tayo kayo na ang bahalang dumaong sa banda doon ha!" Sigaw nung matanda sa kabilang bangka

Nakasakay kami sa ginagamit naming pinag dugtong na sailboat

Samantalang sila ay nasa dalawang bangka, sakay ng mga ito ang ilang sakong gulay at prutas na idadala sa Camp 3

"Kami na ang bahala ni Vincent kumapit lang kayo" bilin ko sakanila saka kami tumalon ni Vincent

*splash* itinulak namin ang sailboat at idinaong namin katabi nung mga naka daong din na balsa at sailboat dito

Halatang mas malaki ang islang ito, mapuno man ay kitang-kita ang loob ng isla

Hindi ko masyadong makita ng malinaw pero alam kong mga bahay ang nakikita ko

May mga sundalong lumabas mula sa kakahuyan, naka uniporme sila at pumunta sila dito mismo sa pinag daungan namin

"Maligayang pag dating sa Kampo mga bata. Ramirez, Valdez kayo na ang bahalang mag examine sakanila" utos ng isang pamilyar na sundalo

"Colonel Sanders? Seargeant Ramirez?" Pukaw ko sa atensyon nila

Napansin naman nila ako at halatang nagulat ang dalawa

Pero nabawi agad nila ang emosyon at nag patuloy ang dalawang sundalo para kami ay suriin

Isa isa ay sinuri kami sa dib-dib sikmura balikat likod at binti

"Pamilyar ka na dito bata, ibuka mo pa ang mga mata mo" sabi ni Ramirez at tinapatan ako ng ilaw sa mata

"Cleared sir" sabi niya

At ng matapos na kaming suriin ay sumagot din ang sundalong may apelyidong Valdez

"Cleared sir" pahayag nito

"Huy bata, nasurpresa akong nahanap niyo ang lugar na ito ng ligtas. Sinabi ko naman kasi saiyo na sumama ka nalang samin" sabi ni Colonel Sanders

"Ayos lang po, nakakita naman po ako ng mga kasama at niligtas namin ang dalawang bata sa port" sabi ko

"Hmm magaling ang ginawa mo. Magiging magaling kang sundalo kung gugustuhin mo bata" sabi niya

"Richard!"
Richard?

"Kayo pala mang Nestor! Kamusta po? May mga dala po pala kayong rasyon para sa kampo. Tulungan niyo si mang Nestor" utos ni Colonel Sanders sa tatlong sundalong kasama niya

"Kamusta ka naman hijo? Ayos lang ba kayo sa kabilang kampo? Hindi ba kayo kinukulang sa pagkain?" Tanong ni mang Nestor

So si Colonel Sanders pala ang tinawag niyang Richard

"Mabuti naman mang Nestor sapat po ang mga pagkain namin doon. Nag padala pa po kayo ng rasyon doon kaninang umaga kaya siguradong busog na busog po ang mga sundalo natin" nakangiting sabi niya

"Ah siya nga pala Richard, iyang mga bata ay dumaong samin kahapon, pinabalik ko na lamang para masundo ang kanilang kasamahan para sa ganon ay maihatid namin sila dito. Ok naman sila walang problema" sabi ni mang Nestor

"Okay na ho mang Nestor nasuri na po sila ng medical team. Kayo mga bata, pumasok na kayo at hanapin niyo si Vanessa sabihin niyo ipinadala ko kayo" sabi niya

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon