The Bus Terminal

30 0 0
                                    

February 08 2015 6:00 am

France's

Medyo nakakalayo na din kaming tatlo. Nakapasok na kami sa ilang establishments dalawang kilometro mula doon sa Base gaya ng nasa plano.


Pero mukhang wala namang bakas ng buhay sa mga napasok namin. Alisto lang kaming tatlo, ako ang nasa unahan, samantalang si New ang nag babantay sa kaliwa at kanan, si Tay naman sa likuran


Halos magkakadikit lang kami pero mabilis naman kaming nag lalakad.

"Over there" Bulong saakin ni New kung nasaan ang isang department store. Masama ang pakiramadam ko sa mga department store. Nung huling beses kaming nagkaroon ng supply run muntik kaming mamatay ni Eleazar sa department store


"Should we go check it?" Tanong ni Tay


Mukhang hinihintay nila ang opinion ko. Hindi ito ang oras para atakihin ng kaduwagan kaya sige.

"Okay, follow me" Sagot ko sakanilang dalawa at sinundan lang nila ako papunta doon sa gawi niyon.


Meron kaming dinadaanan na malawak na parking lot, may mangilan-ngilang kotse ang naka parada pero puros basag na ang salamin at may mga bahid pa ng dugo. Natuyo na ang mga mantsya ng dugo at mukhang matagal na din ang mga ito sa kotse.


Medyo nangangamoy na ang paligid kaya nag takip lang ako ng ilong.


Ng makalapit kami sa mismong entrance pinatigil ko sila sandali.


"Tay stay here outside and keep watch. New, come with me watch my back" bilin ko sakanila. Tumango lang silang dalawa pero mukhang alangan si New na iwan si Tay sa labas mag-isa.


I can feel chemistry. Joke bagsak ako diyan nung senior high ako, hindi ko pala siya feel.

Pero parang may kakaiba kasi sa tinginan nila eh, kung nadito si Krishelle nag titili na yun sa kilig.


Itinulak ko lang yung glass door, medyo mahirap lang itulak pero kailanganin itong dahan-dahanin, mahirap na baka mabasag.


Pumasok kami ni New sa loob, medyo madilim pero kita naman ang paligid. Makalat sa loob, nakabagsak na yung karamihan sa mga paninda dito, may mga bahid din ng dugo sa mga tiles. Duda ako na may tao pa dito pero kailangan naming makasiguro.


Nag lakad-lakad pa kami at medyo dumidilim na ang paligid dahil mababa pa ang sinag ng araw, hindi naabot ang parte na ito.


"New, i think someone's been here" Sabi ko sakanya bago ko pinuntahan yung nakita ko.


Merong bag dito, may mga bukas na canned goods pero wala namang laman, may mga kumain, may survivor dito. Pero nasaan na? Posible kayang nakaalis na o nagkasalisi kami?


Hindi, nasa labas naman si Tay, siguradong wa-warningan niya kami kung sakaling may lumabas doon.

O meron pang ibang daan gaya ng employee's entrance? Kinakabahan ako, baka sandamukal na Zombies na naman ang makita namin


Kumakabog ang dib-dib ko sa kaba, pero kailangan naming mag patuloy papunta sa staff room.

Dahan dahan akong naglalakad, nasa likuran ko lang si New.

*Scrreeech!* matinis na tunog ng sapatos ang nadinig ko

"Ah!" Napasigaw si New ng *Blag* nasaldak siya sa tiles.

"Are you ok?" tanong ko sakanya. Baka napilayan ito


"No no no, i'm fine, the floor is wet" Sabi niya lang.

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon